Day 14 - Let's Sleep Together!

32 10 24
                                    

"Ro-me-o!!!" sigaw ni Naomi at sinampahan niya si Romeo at umangkas siya sa braso nito.
Si Naomi ay sing-tangkad sila ni Vanessa at nakasuot siya ng school uniform kahit nasa loob ng bahay. 

"WAAAHH!!" Biglang napasigaw na lang si Romeo nang pumasok si Naomi sa kwarto niya at kasama si Sandy. Dinaganan siya nito at muntikan na siya ulit mawalan ng malay.
Gusto ulit ni Romeo na ulitin ang lesson nila dahil hindi niya pa ito maintindihan pero naiirita naman si Sandy sa kaniya.

"Whoops! Maling landing!" Sabi niya at nagpakamot siya sa ulo. Sinadya niyang gawin iyon dahil gusto niya na makalaro si Romeo.

"Ang energetic mo naman..." Napakamot din ng ulo si Sandy dahil sa biglang pagpasok ni Naomi sa kwarto.

"Bakit mo naman ginawa iyon singkit na bata?! Ano bang meron sa'yo!?" Inis na tanong ni Romeo at biglang sumakit ang ulo niya.

"Nagustuhan mo ba iyon?" Birong tanong niya.

Nainis pa lalo si Romeo kaso pinalipas na lang niya muna ang galit. Tinignan niya ulit si Naomi dahil hindi niya alam kung anong meron sa kaniya. Average lang ang haba ng buhok niya, singkit ang mata, mukhang junior highschooler palang siya. Maputi ang kaniyang balat at tama lang ang kaniyang katawan.

"Napaka-energetic talaga ang mga chinese, noh?" tugon ni Romeo.

"Hmm? Hindi ako chinese..."

"Kung ganon, saan ka naman nanggaling?"

"Secret!!"

"Naomi. Lumayo ka sa kaniya. Delikado siya." Banta ni Sandy sa kaniya.

"Hehe... Bakit mo naman nasabi iyan?"

"Anong ginagawa mo dito, Naomi at bigla mong dinaganan mo si Romeo?" tanong niya habang may hawak siyang libro.

"Hmm??" umalis siya sa likod ni Romeo at hindi rin niya alam kung bakit niyang pinagtripan si Romeo. "Gusto ko si Romeo!" sabi niya at bigla siyang ngumiti.

"HUH?!" gulat nilang dalawa. Biglang nagkaroon ng malay si Romeo dahil sa narinig niya.

"G-G-Gusto niya ako?!!!" baliw na baliw na sagot niya. Hindi siya mapakali dahil may babae na nagkagusto sa kaniya.

"Bakit ka namang ganiyan? Madali siyang magkagusto sa ibang tao kaya normal lang sa kaniya 'yon!" inis na sabi ni Sandy sa kaniya. Pero nagulat pa rin siya kay Naomi.

"E-Eh k-kase first time akong maka-experience na may babaeng nagkakagusto sa akin!!"

"So ang target mo ngayon ay si Naomi na?" biglang bulong ni Brianna at naglabas na naman siya ng maitim na aura kay Romeo.

"M-Mali ka ng inaakala mo..." takot na sabi ni Romeo.

"Hmph! Lumayo ka Naomi sa kaniya. Alam mo naman at nakakahawa ang pagiging walang kwenta." seryosong pagkasabi niya at itinabi niya ang kaniyang espada sa kaniyang bag. Nakasuot siya na pang-school umiform at maayos ang kaniyang porma.

"Hmm? Gusto mo ba na maging boyfriend kita, Romeo?" ngiting sabi ulit niya at niyakap niya si Romeo. Nilapit niya ang kaniyang mukha at kiniss niya ito sa pisngi.

Nabigla ang lahat sa nakita nila dahil ang isang lalake katulad ni Romeo ay nakatanggap ng halik sa isang babae. Syempre nabigla rin si Romeo dahil unang beses na nangyare ito sa kaniya.

"R-Romeo!!" Galit na naman si Sandy.

"I-Ikaw!!" Biglang kumulo ang dugo ni Brianna dahil din sa nakita niya.

Gusto niyang saksakin ang ngala-ngala ni Romeo ngunit nagmamadali na siyang umalis.

"Claudy, aalis na ako at mag-tratraining ako sa malayo at makakabalik ako after 3 weeks.
Manager, make sure na nakasarado ang lahat ng pinto." Paalala ni Brianna na may pagkahinahon na boses. Pinigilan niya ang kaniyang sarili na magalit kay Romeo.

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now