Day 8 - Wanted! Female Dormitory Manager!

35 14 21
                                    


Ako ang naging bagong manager ng hotel na pinagmamay-ari ni Lola Carolyn. At first, syempre hindi sila pumayag. Hindi sila pumayag na ang isang katulad ko na manyak ay magiging head nitong napakagandang hotel. Nagalit si Brianna na malapit na niya akong saksakin gamit ang espada ninya. Kinutusan ako ni Claudy dahil hindi rin siya makapaniwala. Nilista nilang lahat ang mga accusations nila sa akin pero wala rin kaming magagwa dahil utos iyon ni lola. Kaya lahat na sila ay pumayag sa utos niya ang tinanggap nila ako bilang kanilang bagong manager. Labag pa sila sa kalooban iyon. Naging lively ulit ang loob ng dormitory pero hindi pa rin ako kinausap ni Vanessa. 

Tuloy pa rin ang stay ko sa loob ng manager's room, a.k.a ang room ni lola. Napaka-weird ang mga nangyare. Nagbago ang mga ugali nila at sa akin binigay ang hotel na ito. Ano kaya naisip ni lola? At least, may matitirhan muna ako sa ngayon kaya kailangan ko rin siyang pasalamatan. Wait, hindi basta-bastang, binibigay ang ganitong pwesto lalo na girls' dormitory ito. Hmmm, nakaka-excite naman ito. 

Considering na ang buhay ko ay walang appeal sa mga babae, nagbago na talaga lahat. May mga possibilities ang trabahong ito. Posible na magkaroon ako ng girlfriend mula sa isa sa mga tenants dito. Hindi pwede iyon! November na at kailangan ko na sumikap para sa sarili ko.

⳾*⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*⳾

*knock knock*

"C-Claudy?" laking gulat ko ay kumatok siya sa pintuan na hindi naman ito nakasarado. Bakit kaya siya nandito at ano ang kailangan niya?

"Meron akong favor sayo. Pwede mo ba akong samahan?" ngiting sabi niya sa akin. Lumabas ako ng kwarto at sinamahan ko siya. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero parang hindi ito maganda.

"Saan ba tayo pupunta?"

"Sa hotsprings ng mga babae."

"Ano??? Sa hotsprings ninyo??" Nagulat ako bigla na nakarating na kami agad sa hotsprings nila. Ilang lakad lang mula sa kwarto ko. Kinabahan lalo ako dahil baka kung ano ang gawin niya sa akin.

"Pasok ka." Hindi ako pumasok kase ayokong gumawa na naman ng kasalanan.

"O-Oy!! Bakit naman ako papasok?"

"Hubarin mo 'yang mga damit mo." seryosong sabi niya sa akin na parang sineseduce niya ako. Lumapit siya sa akin at pinilipilit niyang hubarin ang damit ko.

"W-Wait! A-Ano ba ginagawa mo?!"

"Ano ba mga sinasabi mo? Nagiging mukha kang lampa ka dahil sa mga damit mo." Grabe ang paglapit niya sa akin pero nilalabanan ko. Ngayon gusto niyang sabay kaming maligo. Masaya ako pero hindi ko alam kung handa ba ako rito... 

Pinikit ko na ang mga mata ko within 10 seconds. Kaya pala ginaganon niya ako dahil gusto nila akong paglinisin ng hot springs. Nakasuot ako ngayon ng T-shirt at shorts na pang linis na attire. May hawak ng mop at timba ng mga sabon. Ngayon lang ako na-intimidate dahil dito.

"Gusto ninyo na ako maglinis nito na ako lang mag-isa? Bakit ako??" galit na tanong ko sa kanilang lahat.

"Hindi ba ayan ang trabaho mo? Ang paglilinis ay isa sa mga trabaho ng isang caretaker nitong hotel." straightforward na sabi sa akin ni Brianna. Hindi ko alam na ito pala ang trabaho ng isang manager. Tumawa nang mahinhin si Claudy dahil alam niya na inaasar lang pala niya ako. Akala ko pa naman ay totohanan na ang mangyayare.

"Baka meron kang ine-expect? Sabihin mo nga." Asar sa akin ni Claudy na parang gusto niya akong umamin.

"W-Wala syempre."

"Okay lang kung ayaw mong gawin ito. Kung ayaw mo, ibig sabihin na hindi mo kayang i-handle ang responsibilities bilang isang manager. Okay lang sa amin iyon."

"Ano? Hindi pwede iyonnn." Wala na akong choice kundi sumuko sa kanila na alam ko naman na wala akong laban. "Sige na nga, maglilinis na ako ngayon na."

Tinignan ko ang buong hotsprings at ang laki at lawak nito sobra. Hindi ko nga alam kung saan ako magsisimula. Sinimulan kong i-mop lahat from entrance to the back. Binabantayan nila ako at nagrereklamo sila dahil may mga kalat pa. Kaya sinimulan ko ulit mula pinakaumpisa. Tuloy-tuloy ang pagrereklamo nila sa gawa ko. Pagkatapos iyon, umupo muna ako sa gilid para huminga. Nasugatan na ang mga kamay ko dahil sa maghapon pag-momop na hindi ko matapos-tapos dahil sa sobrang laki. Matatapos ko ba kaya to mag-isa? Siguro okay na sana na sumuko na lang ako.

"Hey! Meron ka bang iniisip?"

"Waaaaaaaaaaaaa!!!!!" Nagulat ako at bigla kong nahagis yung bucket na merong tubig at natapon. Nakita ko na si Sandy pala iyon at nabasa siya ng tubig.

"Anong ginagawa mo?" tanong niya na may inis at tinanggal niya ang timba sa ulo niya.

"I'm sorry! Hindi ko sinasadya!"

Nung tumingin ako sa T-shirt ninya, nakikita ko ang loob ng katawan niya.

"Tignan mo kung ano ang ginawa mo sa akin, manyak!!"

*slap!*

Nakatanggap naman ako ng malutong na sampal at nahulog ako sa hotsprings. Ibang klase talaga si Sandy araw-araw.

"Bakit mo naman ginawa iyon?"

"Ewan ko sa iyo!" Umalis siya at may iniwan siya sa tabi. Kinuha ko ito at ito pala ay band-aid. Ano kaya ang ginawa niya rito at binigyan niya ako ng band-aid?

After ng ilang oras ay natapos ko na rin ang paglilinis ng hotsprings. Grabe sobrang pagod ko na talga. Humiga ako sa loob ng kwarto para magpahinga. Nilgyan ko ng band-aid ang mga sugat ko pero sobrang hapdi pa rin. Hindi ko ine-expect na magiging mahirap pala ang trabaho bilang isang manager. Sobrang out-of-this world ang expectations ko.

"Huh?"

Nung tinignan ko ang celing ng kwarto, nagulat ako na mayroong malaking butas na parang nasira na. Napakaluma na talaga itong kwarto ni lola. Hindi ko alam kung ano ang kalalabasan kapag lumusot ako rito. Biglang bumaha ang curiousity sa lugar na ito.

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now