Memory #1 ~ Timeskip! ~

6 1 0
                                    


**ooogah-ooogah.**

"This is Dhalia Medical nurses, requesting for emergency. Our location is at the front of Dhalia University and we have a patient, suffering from a higher case of accident. Please prepare an emergency room for us. Thank you."

Binuhat ng mga doctor si Romeo na walang malay, at inihiga sa stretcher. Hindi makapaniwala si Sandy na ganito ang mangyayari. Nabigla rin ang kanilang kasama sa nangyaring aksidente na hindi inaasahan, kaya lumapit si Claudy sa kanya at siya'y niyakap.

Nararamdaman ni Claudy na nanginginig ang katawan ni Sandy at naririnig niya ang kaniyang iyak. Gusto niyang i-comfort ang kaniyang kaibigan pero hindi niya alam kung anong puwedeng sabihin sa kaniya.

"Huwag kang mag-alala, Sandy. Magiging ayos ang lahat." Sabi ni Claudy habang tinatapik ang likod ni Sandy.

"P-Paano mo naman nasabi iyan...?" Tanong niya na ang boses niya ay parang nasisira.

"Ano ka ba? Nakayanan nga niya lahat ng mga suntok mo sa loob ng isang taon, eh kaya hindi tatalab ang isang kotse sa kaniya." Sabi niya at nagawa pa niyang magbiro.

"Abnoy ka talaga, Claudia! Alam mo ba yung mga pinagsasasabi mo?"

Napatawa nang konti si Claudy. Akala niya kase ay mapapakalma niya ang kaniyang kaibigan.

"Ang ibig kong sabihin ay, malakas si Romeo. Kinaya niya ang lahat ng mga pagsubok na dumaan, kahit noong umpisa ay lampa siya. Ngayon ay nakapasa na siya sa exam, hindi niya hahayaan na lahat ng pinaghirapan niya ay mawala na parang bula. Hindi pa nga niya nahahanap ang babaeng iyon at lalo na, hindi pa niya alam ang sagot mula sa'yo. Tiwala ka lang."

Dahil sa mga nasabi sa kaniya ni Claudy ay napakalma ang kaniyang loob. Alam niya na magiging ayos lang siya dahil malakas siya. Inamin niya sa kaniyang sarili na ilang beses niyang ginulpi si Romeo pero nakayanan niya lahat. Kaya hindi imposible kay Romeo na kakayanin niya ang kaniyang kalagayan.

"Sandy, gusto mo bang sumama kay Romeo sa loob ng ambulansiya? Kuwawa naman dahil sa ngayon ay wala siyang makakasama." Tanong ni Tita Daisy sa kaniya pagkatapos niyang kumausap sa cellphone.

"Po? Paano po ang parents niya?"

"Kakatawag ko lang at papunta na sila dito. Matatagalan lang sila dahil nasa ibang bansa sila. Pero alam ko na hindi mo hahayaang mag-isa si Romeo sa loob ng kuwarto, hindi ba?"

Sumagi sa isipan ni Sandy ang mga oras na lagi niyang kasama si Romeo. Mga oras na kinukulit siya na magpaturo sa kaniya at mga oras na magkasama sila sa mga hindi inaasahang sitwasyon. Pero kahit ganoon, ay hindi siya iniwan ni Romeo. Naisip niya na siya naman ang lumapit sa kaniya.

"Sige po. Ako na po ang bahala sa kaniya."

"Sigurado ka na kaya mo na?"

"Tita, malaki na po ako at alam ko na ang tamang gawin. Gaya nga po ng sinabi ninyo, baka magtampo si Romeo dahil wala siyang kasama."

Napangiti si Tita Daisy sa kaniya dahil hindi na siya yung dating Sandy na laging kumakapit sa iba. Kaya na niya talaga ang sarili niya.

Lumapit si Sandy sa nurse para itanong kung puwede siyang sumama sa loob. Pinayagan siyang sumama pero bago siya pumasok, ay lumapit siya sa kanilang lahat.

"Maraming salamat sa inyo, guys. Lalo na sayo, Claudia." Ngiti niyang sabi sa kanilang lahat.

"Sumakay ka na."

Sumakay sa loob si Sandy at umalis na ang ambulansya. Habang tinatawagan ng isang nurse sa tapat niya ang ospital, ay hinawakan ni Sandy ang kamay ni Romeo. Naramdaman niya na hinahawakan siya nito kahit mahina. Napaluha nang konti si Sandy dahil umaasa siya na magiging maayos ang lahat.

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now