Memory #19: The End of Carolyn's Dormitory Part VI ~ A Promise to Keep! ~

5 1 0
                                    


Year 1989

Magkasamang naliligo sila Romeo at Kali sa malaking hotsprings, at hinuhugasan ni Romeo ang ulo ni Kali. Dahil hindi masiyadong pinapansin ng kanilang kamag-anak si Kali, si Romeo ang laging nag-aalaga sa kaniya.

"Hehe... Narinig mo ba? Sabi ni Grandma ay ibibigay niya sa ating dalawa yung hotel!" Ngiting sabi ni Romeo habang kinukuskos niya nang mabuti ang ulo ni Kali.

"Umm... Hotel?"

"Kali, naalala ko na ang laki ng pagkagusto mo doon sa hotel. Kapag malaki na tayo, promise mo sa akin na sabay nating aalagaan ang hotel!"

"Promise? Sige... Sa ating dalawa lang ito, Kuya!"

"........"

჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ

"Huh? Isang panaginip?!"

Hindi alam kung ano ang magiging reaksyon ni Romeo nang mapansin niya na panaginip pala iyon. Ilang taon na ang nakalipas, since noong nagkaroon siya ng panaginip na tungkol sa nangyari dati. Mukhang nakakatulong sa kaniya ang pagtulog sa hotel, dahil naaalala niya ang mga nangyari noon.

Pagkatapos niyang maghilamos at mag-ayos ng mukha, dumiretso agad siya sa common room. Nakita niya roon si Brianna na umiinom ng tsaa.

"Gusto mo?" Tanong ni Brianna sa kaniya, habang hawak niya ang green tea.

"S-Sige..."

Umupo si Romeo sa harapan niya, ngunit si Brianna ay hindi makatingin. May gusto siyang tanungin kay Romeo, pero nahihiya siya. Hindi naman siya nag-tatanong kay Romeo tungkol sa iba't ibang bagay.

"Actually... Magpapatulong sana ako sa mga exam questions..." Hiyang tanong niya at hindi siya nakatingin sa kaniya.

"Oo nga pala, naalala ko na ire-retake mo ulit yung mga exams sa DU ngayong taon?"

"May anim na buwan pa bago mag-exams, at nagsisikap talaga ako. Huwag kang mag-isip nang masama dahil totoo iyon. Pero... Hindi ko alam kung dapat ko pa bang ituloy ito..."

Bago kay Romeo na marinig niya iyon mula kay Brianna. Alam niya kase na laging may training si Brianna para maging isang pinakamalakas na warrior sa kanilang clan. Pero kahit sa pag-aaral ay ibinibigay niya ang kaniyang best.

"Well... ituloy mo lang iyan dahil kayang-kaya mong makapasok!"

"Paano mo naman nasabi iyan?"

"Dahil maganda kang babae, at alam mo ang mga paraan kung paano mo makakamit ang tagumpay. Kagaya ng lagi mong pag-eensayo sa swordsmanship araw-araw. Kung kinaya mo iyon, sigurado ay kakayanin mo rin."

Natuwa nang kaunti si Brianna sa mga sinabi sa kaniya ni Romeo. Hindi naman sa natuwa nang kaunti, dahil ayaw lang talaga ipakita. Siguro dapat siyang magkaroon ng tiwala sa kaniyang sarili.

Nang maubos ni Romeo ang kaniyang tsaa, sumakto sa timing nang makita niya si Kali sa likod.

"K-Kali..! Nandiyan ka pala! May kailangan ka ba?" Hindi alam ni Romeo kung bakit siya napapraning kapag kaharap niya si Kali.

Kinuha agad ni Kali ang kamay Romeo, at kinaladkad niya papunta sa may hagdanan. May gusto siyang sabihin, pero gusto niya na walang makakarinig sa kanila. Hindi alam ni Romeo kung bakit kinakabahan si Kali, at parang may gusto siyang sabihin.

"Kuya.... Kuya... G-Gusto kong ipatakbo itong hotel na kasama ka!! Dahil pangako mo sa akin iyon dati!"

"Huh? Anong sinasabi mo? Kailan ako nangako sayo?"

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now