Day 28 - Two Person Alike!

22 8 23
                                    

Nagpatuloy pa rin ang kanilang bakasyon na kasama si Gwen mula noong umalis sila ng barko. Marami na rin silang napuntahan ngunit hindi masabi ni Romeo kay Sandy ang nararamdaman niya, dahil sumasali sa timing ang kamalasan na naidulot ni Gwen sa kaniya. 

Kapag mag-isa silang dalawa ni Sandy, bigla-bigla na lang susulpot si Gwen at magkakaroon ng gulo. Ilang beses na rin silang nag-alala sa kaniya dahil paulit-ulit siyang nahihimatay. Sila Claudy at Brianna naman ay nag-aacting sa plaza ng Leiden para kumita ng pera dahil naubos ang kanilang pera sa kanilang bulsa.

⳾*⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*⳾

Nang makarating sila sa isang restaurant, nilibre ni Gwen silang dalawa ng lunch ngunit nagkaroon sila ng isang problema, hindi alam ni Gwen kung nasaan ang kaniyang wallet, ganoon din si Romeo. Ni-report na rin nila sa pulis kung mahahanap pa ba nila iyon. 

At dahil doon, napilitan si Sandy na magbayad sa restaurant. Hindi na kasya ang pera ni Sandy para sa kanilang tatlo kaya napilitan na magtago sila Romeo at Gwen sa ilalim ng skirt ni Sandy. Ginawa nila iyon upang makapasok sila ng hotel na hindi alam ng mga staff doon.

"Ang galing! Nakapasok na rin tayo!" Masayang sabi ni Gwen at bigla siyang umupo sa single bed.

"Hindi ko alam kung magkakasya ba tayong tatlo sa single room na ito..." Inis na sabi ni Sandy dahil nagawa pa niyang gumastos nang malaki.

"Salamat, Sandy! Babayaran talaga kita!" Ngiting sabi ni Gwen.

"Well... Kailangan talaga nating magtulungan sa oras ng krisis." Ngiti ring sabi ni Sandy pero nung humarap siya kay Romeo, ay biglang nagbago ang mukha niya. "Ikaw, sa sahig ka matulog!"

"Oo na!"

Kinuha ni Gwen ang kaniyang bag at nilabas niya ang limang beer na binili niya nung namasyal sila.

"May beer akong binili kanina kaya pwede kayong kumuha dito." Sabi niya habang inaayos niya ang table at doon nilapag ang mga beer. Napangiti ang tatlo kase gusto rin nilang uminom ng beer.

"Treat ko na sa inyo iyan dahil marami akong nagawang troubles sa inyo habang namasyal tayo."

"Okay lang ba? Parang ang mahal ng beer na binili mo, eh." Tanong ni Sandy sa kaniya habang nahihiya siyang kumuha nito.

Ang beer na dala ni Gwen ay Scordolo. Isa sa mga mamahaling beer na mabibili sa Leiden. Nagkakahalaga ito ng mga mahigit isang libo sa isang bote dahil gawa ito sa mga mamahaling ingredients na matatagpuan sa Leiden.

"Huwag kang mag-alala, Sandy. Sagot iyan ni ate, noh!"

Biglang tumitig silang dalawa kay Gwen mula noong narinig nila ang salitang, 'ate' sa bibig ni Gwen. Hindi rin nila kase alam kung ilang taon na ba si Gwen kaya napa-isip din sila. Tinignan din ni Gwen ang mga mukha nila at mukhang iniisip nila na magkasing-edad lang sila.

"Huwag niyo nga akong titigan nang ganiyan. 21 years old na kaya ako!"

"Ano??? 21??" Sigaw nilang dalawa sa sobrang gulat.

"Three years ang tanda mo sa akin..."

"So ang ibig sabihin niyan..."

"Yep! Pangatlong beses na akong mag-reretake ng exam ngayong taon." Ngiting sabi ni Gwen at binuksan niya ang tatlong boteng beer.

Na-excite lalo si Romeo dahil hindi lang pala siya ang nasa ganoong sitwasyon. Akala niya ay mag-isa na lang siya pagdating sa academics. Nagulat si Sandy dahil akala niya ay magkasing-edad lang sila. Kasama rin kase roon yung attitude at pagka-clumsy niya. Hindi rin siya makapaniwala na may kaparehas na level niya si Romeo.

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now