Diary Entry #4 ~ Two in the Rain Storm! ~

20 6 14
                                    

Nagsimulang maghanap si Romeo ng part-time jobs dahil bakasyon pa naman at wala pa silang review schedule para sa susunod na entrance exams sa DU. Naisip na rin niya na hindi maganda ang finances niya ngayon dahil inubos nila Claudy ang pera niya noong nagbakasyon sila. Gusto niya na makita nila ang kaniyang determination bilang adult. Nakasuot siya ng black coat and tie suit at inayos pa ni Sandy ito, parang asawa niya. Hindi rin mapakali ang mga kasamahan nila na bagay na bagay silang dalawa. At hindi mapigilan ni Romeo na maging motivated sa kaniyang goal sa ngayon.

5 hours later...

"Wala pa akong mahanap na trabaho!!!"

Hingal na hingal siya sa buong maghapon na paghahanap dahil mababa ang ekonomiya ng kanilang bayan. May mga ibang trabaho na kinakailangan ng work experience at yung iba naman ay punuan.

Habang naglalakad siya, ay may nakita siyang karatula na may naghahanap na waiter sa isang bar. Kahit walang work experience ay ayos lang, at pinuntahan niya agad iyon.

"Welcome!" Bati ni Romeo sa kanilang mga customers habang may hawak ng dalawang tray na may mga baso.

Hindi lang pagiging waiter ang kaniyang trabaho, kundi ay maging cook sa bar. Hindi maiwasan ng kaniyang manager na mapabilib sa kaniya. Masaya si Romeo dahil nagagamit niya ang kaniyang experience na bilang manager sa hotel, sa kaniyang trabaho. Hindi rin naman masama para sa kaniya na magtrabaho para makakuha ng pera.

Masaya niyang kinuha ang bagong luto na pasta at ihahain na niya sa table #4. Isang lasing na babae na nakayuko ang kaniyang ulo ang nakaupo roon.

"Sorry for the wait...!!" Bigla niyang nakita na si Claudy pala ang nasa table #4.

"Romeo, ikaw ba iyan? Long time no see, ha..." Bati niya na at kumakaway pa siya. Naaamoy ni Romeo ang hininga ni Claudy na amoy alak.

"C-Claudy?!" Bigla niya at nilapag ang dalawang plato ng pasta sa lamesa. "Anong ginagawa mo at bakit ka lasing sa tanghali?!"

"Nagtratrabaho ka bilang part-timer? Bagay na bagay sayo, ha." Ngiting sabi niya at tinapik niya ang kaniyang braso.

Lumapit siya kay Romeo na parang may gusto siyang ibulong. "Pwede mo ba akong pangutangin?"

"Bakit naman?!!"

"Hindi ko kaseng namalayan na umalis na pala ang mga kasama ko at hindi pa sila nagbayad. Alam ko naman na hindi mo kayang bayaran kaya kung pwede, ibawas na lang sa sweldo mo."

"Ano ka ba?!"

Ipinatong ni Claudy ang kaniyang mapuputing binti sa binti ni Romeo at hinawakan niya ang kaniyang labi. Kinabahan siya dahil baka kung ano man ang gawin sa kaniya ng dalaga. May kumapit sa kaniyang braso at siya ay lumingon.

"Romeo?" Pagkalingon niya ay nakita niya ang kaniyang manager na nakangiti pero galit sa kaniya.

"S-Sir?"

Itinapon ng kaniyang manager silang dalawa sa labas ng bar dahil sa sobrang inis niya. Hindi siya nagdalawang isip na sisantihin ang binata.

"You're fired!!"

‧̍̊·̊‧̥°̩̥˚̩̩̥͙°̩̥‧̥·̊‧̍̊ ♡ °̩̥˚̩̩̥͙°̩̥ ·͙*̩̩͙˚̩̥̩̥*̩̩̥͙·̩̩̥͙*̩̩̥͙˚̩̥̩̥*̩̩͙‧͙ °̩̥˚̩̩̥͙°̩̥ ♡ ‧̍̊·̊‧̥°̩̥˚̩̩̥͙°̩̥‧̥·̊‧̍̊

Pumunta silang dalawa sa may park at umupo si Romeo sa isang bench. Nakaramdam siya ng umay sa mga nangyare dahil naging bato pa ang trabaho niya.

"Ano ba kaseng ginawa mo? Nasisanti tuloy ako ako!!" Sigaw ni Romeo sa dalaga.

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now