Memory #18: The End of Carolyn's Dormitory Part V ~ He's Back... Wait! ~

5 1 0
                                    


"Hi, everyone! Long time no see!! Nakauwi na si Romeo Mercado!!"

"......................................."

"Eh? Anong problema? Bakit nakatitig kayong lahat nang ganiyan sa akin? Nakalimutan ninyo na ba yung mukha ko? Uh~~"

"Welcome back, Romeo!!!!!"

Masaya silang lahat na tumakbo sa kaniya at siya'y niyakap nang mahigpit. Si Vanessa ay napaiyak, habang sila Sarah at Naomi at dinaganan siya. Naghiyawan silang lahat dahil sa kaniyang pagbabalik sa hotel, pagkatapos ng isang taon.

"Kung uuwi ka, dapat nagpadala ka ng sulat sa amin!" Sigaw ni Claudia at sinapak niya sa pisngi nang mahina.

"At least nakauwi siya na walang nangyari sa kaniya." Sabi ni Brianna at nang binati niya rin si Romeo nang maligayang pagbabalik.

"Kuya! Nakauwi ka na!!" Masayang sabi ni Vanessa.

Bumitaw silang lahat kay Romeo nang makita nila si Sandy na nahihiya siyang harapin. Nararamdaman ni Sandy na parang hindi siya komportable na harapin si Romeo.

"Eh.... Buti at nakauwi ka na..." Sabi ni Sandy nang mahina ngunit hindi talaga siya makatingin.

"S-Salamat..."

Pinagmasdan nilang lahat silang dalawa na akala mo ay hindi sila magkakilala. Dahil doon, nainis agad si Claudia dahil ganon lang ang sinabi nila sa isa't isa.

"Anong problema ninyong dalawa?! Isang taon na hindi kayo nagkita tapos ganoon lang sinabi ninyo?!!" Sigaw ni Claudia at sarap na sarap siyang sakalin si Romeo.

Hindi alam ng lahat na sobrang kinikilig si Sandy kaya siya tumalikod. Baka makita siya ni Romeo na namumula sobra ang kaniyang pisngi.

"Maligayang pagbabalik... Matagal na kitang hinihintay, Kuya..." Nagulat silang lahat nang makita nila si Kali na nakasuot ng gown na kulay itim, na akala mo ay galing sa isang kingdom. Matino ang kaniyang posture, pati ang kaniyang pagsasalita. Nakasuot din siya ng ribbon at hairdress na kulay itim.

"Huh!? Kali?! Anong ginagawa mo rito?!" Gulat na tanong ni Romeo sa kaniya dahil ilang taon niya hindi nakikita ang kaniyang kapatid. Ang huling kita niya kay Kali ay bago siyang lumipad papuntang France.

"Kuya... Matagal na panahon noong hindi tayo magkita..." Bat isa kaniya ni Kali na may mahinahon na boses.

Napatameme si Romeo sa surpresa sa kaniya ni Kali. Halos nagdalaga na ang kaniyang kapatid, at mas lalo siyang naging cute. Si Sandy naman ay nainis dahil ang tahimik ni Romeo.

"Anong ginagawa mo? Magsabi ka naman tungkol sa kaniya! Ikaw ang kuya niya, eh!" Bulong ni Sandy kay Romeo at hinampas niya sa balikat nang malakas.

"H-Hindi ko naman inaasahan ito kaya wala akong masabi. Pero, umm.... Kali... Ang cute mo ngayon..." Hiyang sabi ni Romeo at napakamot siya sa kaniyang ulo. Hindi niya alam kung bakit siya nahihiya sa kaniyang kapatid.

Dahil sa sinabi ni Romeo sa kaniya, namula ang kaniyang pisngi at ngumiti siya nang kaunti. Kahit sa simpleng salita, ay masayang-masaya si Kali.

"Alright!! Magkakaroon tayo ng isang malaking welcome party para kay Romeo!!" Sigaw ni Claudia nang malakas, at lahat sila ay sumang-ayon kay Claudia. Parang nakalimutan nila ang mga nangyaring kaguluhan kanina.

Nang pumasok silang lahat sa hotel, maraming gustong ikuwento si Romeo sa kanila. Naiwan sila Sandy at Kali sa entrance, ngunit hindi makapaniwala si Sandy na naging sweet si Kali kapag kaharap si Romeo. Hindi niya alam kung puwede na siyang huminga ng maluwag dahil doon.

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now