Memory #9 ~ For Whom the Wedding Bell Tolls! ~

3 1 0
                                    


"Hindi ko alam kung makakaabot ba ako hanggang bukas..."

"Eh?!! Hindi mo alam kung makakaabot ka pa?!!"

Nagulat sila Romeo at Sandy sa mahinang boses ni Gwen na parang nag-aagaw buhay na. Nakahiga siya sa kaniyang kama, at nakapalibot ang buong pamilya niya. Hindi nila alam kung ano na ba ang mangyayari sa kaniya.

"Ate Gwen, magpagaling po kayo!!" Sabi ng kapatid niya na tila bang umiiyak na siya sa kaniyang harapan.

"Healthy naman ang katawan niya, iho..." Sabi ng doctor kay Romeo at ngumiti pa siya.

"So ano po ba talaga ang problema!?"

"Well, since Gwen's mental capacity has instantaneously condescended to her current pre-adolescent form, the sudden transformation of the former to latter is too foreign a concept for her psyche to comprehend..."

Pakiramdam ni Romeo ay parang masisira na ang kaniyang utak sa mga narinig niya. Wala siyang idea kung anong ibig sabihin ng sinabi ng doctor, lalo na ay nagsalita pa siya ng Ingles.

"Ahh... Ganon po ba...?" Sabi ni Romeo pero wala talaga siyang maintindihan.

"Ano po ba ang dapat nating gawin?" Tanong ni Sandy.

Sobrang nagi-guilty si Sandy dahil pakiramdam niya ay kasalanan niya kung bakit naging ganoon si Gwen.

Gusto mo talaga si Romeo at siya ay naging first love mo. Pero nasaktan ka kasi nagawa mong sukuan siya, at talagang ginusto mong suportahan kami. At ngayon, may sakit ka dahil sa akin... I'm so...

"May isang paraan para maibalik siya sa dati. Minsan kapag ang isang pasyente ay nakamit ang kaniyang hiling o kagustuhan, maaari siyang gumaling..." Masayang sabi ng doctor sa kanilang dalawa.

"..."

"Gusto... Gusto ko..."

Paunti-unting bumangon si Gwen at nilapitan siya ni Romeo. Naisip niya na baka mayroon siyang hiling na gusto niyang mangyari.

"Gwen! Anong gusto mo? Kahit ano, gagawin ko!" Sabi ni Romeo na umaarte na parang astig.

"Rommy... Gusto ko na maging asawa kita..."

"Sige! Tatanggapin kita bilang asawa... ANO!?"

Nagulat silang dalawa dahil nakapa-big deal sa kanila na mangyari iyon. Alam naman na kapag sa usapang kasal ay wala nang kawala.

"Teka lang, Gwen! Baka hindi naman ata yung ibig mong sabihin!!" Sabi ni Sandy at nakakaramdam siya ng kaba.

"So hindi puwede?" Tanong ni Gwen na parang tuta ang kaniyang itsura.

"Um..." Hindi alam ang sasagutin ni Romeo dahil iyon nga ang paraan para maibalik siya sa dati.

"Hoho, relax ka lang. Kapag gumaling siya, makakalimutan niya ang lahat ng nangyayari ngayon, at babalik and dating memory niya." Sabi ng doctor at hinawakan niya ang braso ni Romeo.

Nagtinginan sila Romeo at Sandy dahil hindi nila alam kung anong gagawin. Para sa ikabubuti ni Gwen, hinawakan ni Romeo at kamay ni Gwen at sinabing...

"Gwen... Tatanggapin kita bilang asawa!"

"Talaga? Yehey!! Magpapakasal tayo sa malaking puno!!"

჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ

Masaya ang lahat dahil mangyayari na ang kasal sa araw na iyon. Nagtulong-tulong ang buong pamilya pati ang kanilang mga kasamahan sa paghahanda para sa kasal. Ang kasal ay gaganapin sa itaas ng malaking puno. Namangha si Romeo nang makita nila ang lahat na naghahanda. Mga bata na nag aayos ng mga upuan at altar na gawa sa kahoy, mga ilaw na nakasabit sa mga sanga, pati na rin ang mga suits at gowns na gawa ng pamily ni Gwen.

Love Under Carolyn's DormitoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon