Memory #14: The End of Carolyn's Dormitory Part I ~ Is That You, Sandy?! ~

9 1 0
                                    

One Year Has Passed After Romeo Left to America...

"Ate Sandy! Nakauwi na po kami!!" Bati ni Vanessa at sabay sila ni Sarah na kumaway kay Sandy na pauwi galing sa school.

"Vanessa, Sarah! Nakauwi na pala kayo!" Bati ni Sandy sa kanila habang nagwawalis sa harapan ng hotel.

Sarah McDougall, (Age 10) 5th Grade.

Vanessa Evans, (Age 15) M-High School Freshman.

Sandra Alvarez, (Age 20) Dhalia U Student Sophomore.

Nakasuot si Sandy ng apron ni Romeo na ginagamit niya bilang manager, at may hawak siyang walis. Siya na ang tumutulong sa trabaho ng manager ng hotel.

"Masaya ba kayo sa school?" Tanong ni Sandy sa kanila.

"Ang hirap pala na makapasok sa high school!" Hingal na sabi ni Vanessa habang kinakamot ang kaniyang ulo.

"Dahil ang M-High ang pinakamagandang high school sa lugar natin."

"Oo nga po. Nakapasok po ako dahil sa tulong ninyo!"

"Pero matalino ka pa rin at napasa mo ang exam." Banggit ni Sarah sa kaniya.

"Ikaw, Sarah, kamusta naman ang school mo? May mga kaibigan ka na ba?" Tanong ni Sandy na parang isa siyang nanay.

"Boring... Pare-parehas lang ang nangyari. Pinapasok lang ako dahil sinabihan ako ni Tita Daisy." Sungit na sabi niya dahil wala naman talagang bago para sa kaniya.

"Pero alam ninyo po, gusto ko pong sabihin sa kaniya na nakapasok na ako ng high school. Hindi ko alam kung bakit hindi pa siya bumabalik hanggang ngayon..."

"..."

Napagtanto rin ni Sandy na kung bakit hindi pa siya bumabalik. Ilang buwan na ang nakalipas at marami na ring nangyari.

"Sige po, Ate Sandy at magluluto na po ako. Tara, Sarah!" Sabi ni Vanessa at sila ay pumasok sa loob ng hotel.

჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ

Nang matapos si Sandy maglinis ng labas ay agad siyang pumasok para linisin ang hotsprings. Nang makita niya ang kaniyang best friend na si Claudia na nakahubad, at nakahiga na akala mo ay nasa beach.

"Manager! Pakilagyan mo naman ako ng lotion sa aking makinis na likod! Ang init ngayon pati ako ay naiinitan din! <3" Sabi ni Claudia na may pagka-sexy na boses.

Claudia Dela Cruz, (Age 22) Same as before.

"Hindi ako ang manager! Tumutulong lang ako rito!" Sigaw ni Sandy sa kaniya.

"Parehas pa rin iyon!"

Napadaan si Brianna sa kanilang dalawa at nagbago na rin siya. Nakasuot siya ng jersey at jogging pants, at kung kumilos siya ang parang nalantang gulay. Oo nga pala, nakasuot din siya yung salamin ni Sandy dati at may hawak na libro.

"Puwede po bang tumahimik kayo? Hindi ako maka-concentrate sa pagri-review..." Sabi niya na parang nanghihingalo mula sa kaniyang binabasa.

Brianna Dominguez, (Age 18) Preparing for retaking the test.

"Pasensiya na, Brianna at nakalimutan ko..." Hiyang sabi ni Sandy at napakamot siya sa kaniyang ulo.

"Ah... Ever since na nag-decide ka na i-retake yung test, humina ka na talaga!" Asar ni Claudia at sinuot niya ulit ang kaniyang underwear.

"Isang warrior at isang nerd... Matatawa talaga si Romeo kapag malaman niya ito." Pahabol na asar ulit ni Claudia at siya'y tumawa nang mahinhin.

Shocked!!

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now