Memory #3 ~ A Honest Love! Part 1 ~

3 1 0
                                    



Bumuntong-hininga si Sandy nang malalim dahil naiisip pa rin niya ang mga nangyari sa kanila ni Romeo noong tatlong buwan. Naging busy siya sa kaniyang mga ginagawa dahil isa na siyang estudyante ng Dhalia University, at maraming nangyare sa kaniya. Hindi niya maiwasang isipin na dapat ibigay na niya ang sagot sa pag-amin sa kaniya ni Romeo.

Naglalakad si Sandy palabas ng hotel nang maisip niya ang mga bagay na iyon.

Matagal na panahon na ang nakalipas noong nangyare iyon at naging busy na rin ang mga bagay. Tinupad na rin niya ang pangako na makapasok sa university. Kapag nagpatuloy pa ito, hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko. Pasensiya na, Romeo. May mga dahilan kung bakit ko ginagawa ang mga ito. Pero kung hindi kita sinagot, hindi rin tama.

Pagkapunta niya sa may hagdanan pababa ng hotel ay hindi niya inaasahan na darating ang araw na iyon para sa kaniya. Nagulat siya na halos malapit na siyang maiyak.

"Hi." Masayang bati sa kaniya ni Romeo habang kumakaway siya.

Nakasuot siya ng laboratory gown at may bandage na nakapalibot sa kaniyang ulo. Nahihiya si Romeo sa pagdating niya dahil matagal na panahon na hindi siya sumipot sa hotel at baka magalit sila sa kaniya. Ngunit nabigla pa rin si Sandy at tumulo ang kaniyang mga luha dahil sa sobrang saya.

"Pasensiya na kung natagalan. Marami kase nangyare at wala kaming flight schedule. Mukhang kailangan ko talagang makabawi sa inyo dahil wala ang manager dito, eh..."

Napansin ni Romeo na hindi pa rin nagsasalita si Sandy at nakaramdam siya ng takot nang lumapit sa kaniya ang dalaga.

Patay! Mukhang mabubugbog na naman ako..!!

"S-Sandy! Sorry na..!!"

Pagkalapit ni Sandy sa kaniya ay bigla na lang siyang sinapak nang malakas. Pero napansin ni Romeo na iba ito sa mga suntok na nakuha niya.

"Bakit ngayon ka lang!!!!"

Mukhang naputol ulit ang ribcage ni Romeo nang maramdaman niya ang suntok na iyon. Pero niyakap siya ni Sandy at patuloy pa rin siyang umiiyak.

"P-Pinag-alala mo ako... Kaming lahat... Akala ko... Akala ko hindi ka na babalik..." Sabi ni Sandy habang hinahawakan niya nang mahigpit ang damit ni Romeo.

"Sandy...?" Hindi makapaniwala si Romeo dahil hindi niya inakala na sobrang mag-aalala sa kaniya si Sandy. Umupo siya at nilagay niya ang kaniyang kamay sa ulo ng dalaga para itahan.

Nakarinig ng ingay mula sa bintana si Claudia at nagulat din siya sa kaniyang pagbabalik. Dali-dali niyang tinawag ang buong kasamahan niya at sila'y lumabas para batiin si Romeo.

"Romeo!!"

Tumakbo sila palabas ng hotel at niyakap nilang lahat si Romeo na parang malapit na siya madaganan.

"Guys..."

Hindi rin akalain na na-miss pala siya ng mga kasama niya. Matagal na rin nilang hinatay ang pagbabalik ng kanilang manager ng hotel.

"Mukhang sinulit mo talaga ang oras mo sa America, ha. Buti at nakabalik ka." Bati sa kaniya ni Claudia at tinapik niya ang kaniyang braso.

"Hindi naman masyado dahil naalala ko bigla na may mga taong naghihintay sa akin."

Napaiyak din si Vanessa at si Naomi naman ay sobrang saya dahil nagbalik na ang kaniyang test driver ng kaniyang mga gadgets. Alam naman ni Brianna na babalik siya dahil hindi siya mahinang lalake na nakilala niya.

"Romeo, maligayang pagbabalik sayo." Bati sa kaniya ni Tita Daisy at nginitian siya nito.

"Tita, nakauwi na ako."

Love Under Carolyn's DormitoryKde žijí příběhy. Začni objevovat