Memory #26: Last Arc that Lasts Forever Part III ~ The Train of Dreams ~

5 1 0
                                    


["Eimcester Station! This is Eimcester Station!"]

"Well... This is it..."

Tumayo si Sandy mula sa kaniyang inupuan, at hinintay niyang mabukas ang pintuan. Saglit lang sila nagsama dahil sobrang bilis ng tren. Hindi makapaniwala si Romeo na ganoon lang ang kanilang pagkikita.

"Romeo... Paalam! Hindi na importante dahil hindi naman ako ang babaeng hinahanap mo. Natakot ako na kapag umalis ka, sobrang malungkot sa loob ng hotel dahil mag-isa lang ako roon. Kaya nakapag-desisyon akong umuwi. Pero huwag kang mag-alala... magkikita pa rin tayo para sa mga classes!"

Nang mabuksan na ang pinto, pinilit ni Romeo na labanan ang kaniyang takot. Alam niya na kapag hindi siya nag-salita, hindi na niya makikita si Sandy. Nilakasan niya ang kaniyang loob para kausapin siya.

"Sa... Sandy! Teka lang!"

Tumigil si Sandy mula sa kaniyang paglabas, dahil may sasabihin sa kaniya si Romeo. Ngunit, bumaluktot agad ang kaniyang dila, at hindi siya makapagsalita.

["The doors are now closing..."]

Nagulat si Sandy nang biglang sumara na agad ang pinto. Hinampas-hampas niya nang malakas si Romeo dahil hindi siya nakalabas ng tren. Hindi niya matiis na mainis sa kaniya nang sobra.

"Ano bang problema mo?! Hindi na tuloy ako makakauwi sa amin!" Iyak na sabi ni Sandy at patuloy pa rin niyang hinahampas si Romeo.

"Waahh!! Sorry na!! Tinawag ko lang naman ang pangalan mo, eh!" Sabi ni Romeo at kinamot niya ang kaniyang ulo.

"Bakit mo bang tinawag ang pangalan ko kung wala ka namang rason? Whatever! Bababa ako ng tren kapag nasa Elesgow na tayo!" Inis na sabi ni Sandy at umabang siya sa pintuan ng tren, para makaalis siya agad.

["Elesgow Station! This is Elesgow Station!"]

Nang bumukas ang mga pintuan ay hinarang ni Romeo ang kaniyang sarili, para hindi siya makababa. Pero this time, hindi na siya natutuwa sa ginagawa ni Romeo.

"Sinasadya mo bang harangin ang pinto?" Tanong niya na may halong inis.

"Huh? Ano? Kase trip ko lang tumayo sa harapan ng pintuan..." Sabi ni Romeo at pasimpleng sumipol siya.

Dahil sa sobrang inis ni Sandy na hindi siya makalabas, agad siyang tumakbo nang mabilis para makalabas sa kabilang pintuan. Sinundan ni Romeo si Sandy upang pigilan siya na makaalis.

"Sandy! Hindi ko hahayaan na maghihiwalay tayo nang ganito!" Sigaw ni Romeo habang hinahabol niya si Sandy.

"Huwag mong isigaw ang pangalan ko dahil nakakahiya!"

Sinusubukan ni Sandy na makaalis ng tren, ngunit palagi na lang na hinaharangan siya ni Romeo. Kahit na ipilit niyang isuot ang kaniyang sarili sa butas, hindi pa rin siyang makalusot! Hindi hahayaan ni Romeo na makababa si Sandy kaya to the best effort na hinarangan niya ang mga pintuan, hanggang sa hindi na siya makababa.

["The doors are closing..."]

"Bwiset!"

Hindi talaga nakababa si Sandy sa tren, kaya napaupo na lang siya sa upuan. Hingal na hingal siya dahil sa kakatakbo niya nang todo. Unbelievable! Hindi siya nanalo kay Romeo ngayon.

"Hindi ako mapaniwala na ginawa mo iyon, Romeo..." Inis na sabi ni Sandy at bumuntong hininga siya.

"Makinig ka kasi sa akin..."

"Wala akong paki... Umiikot naman ang tren sa Hedo Line. Kaya mamaya babalik din ako sa Eimcester..."

Umaandar pa rin ang tren at tahimik pa rin silang dalawa. Hindi sila makatingin si Sandy sa kaniya, dahil bigla na lang siyang umalis, at hindi pa siya nakapagpaalam. Pakiramdam niya na ayaw niyang marinig mula kay Romeo ang tungkol sa kaniyang pag-alis.

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now