Memory #6 ~ A Bold Summer Moment! ~

3 1 0
                                    

"[SOS!! SOS!! This ship is passing through typhoon no. 9!!]"

Lahat ng tao ay nakakapit nang mahigpit sa barko dahil napunta ito sa gitna ng karagatan at may naghahagsik na bagyo. Malakas ang hangin ang tumatama sa kanila at may mga malalaking alon. May nakita pa silang malaking balyena na dumaan sa ilalim ng barko. Hindi na maiwasang sumigaw sila Romeo, Sandy, at Gwen dahil hindi nila alam na ganito pala ang mangyayari sa kanilang bakasyon.

"Bakit may balyena roon?!" Sigaw ni Romeo habang nakakapit nang mahigpit sa poste.

"Lulubog na ata tayo!!" Iyak na sigaw ni Sandy habang nakakapit nang mahigpit sa bakal.

Si Gwen naman ay may dala pang payong at mukhang hindi siya natatakot sa nangyayari sa kanila.

჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ

After 1 hour of fighting the beast

"Ang saya naman iyon!!" Ngiting sabi ni Gwen sa kanilang dalawa nang malagpasan sila ang hagupit ng karagatan.

"Anong masaya?!" Sigaw ni Romeo at may isda pang nakapatong sa kaniyang ulo.

"Mahina nga si Gwen pero isa rin siyang taong bakal kanina..." Sabi ni Sandy habang pinupunasan ang kaniyang ulo, gamit ang kaniyang panyo.

Bumalik na sa dating kalagayan ang kanilang barko sa ilalim ng mainit na araw. Tinignan nila Romeo at Sandy ang kagandahan ng karagatan, at bigla nilang naalala ang kanilang naging bakasyon noong isang taon.

"Okia... Isang taon na, noh?" Sabi ni Romeo pagkatapos niyang huminga nang maluwag.

"Oo nga, eh... Sabay tayong hindi pumasa sa exams noon at umalis tayo para mawala lahat ng stress..."

Habang tinitignan nila ang karagatan, hindi pa rin mawala sa isip ni Romeo ang mga nasabi ni Sandy sa kaniya. Hindi siya makapaniwala na si Sandy pa ang nag-aya sa kaniya para umalis at makipag-date.

So ang ibig sabihin... Pwede ko naman gawin iyon, hindi ba..?

Hindi rin makapaniwala si Sandy sa mga nasabi niya. Parang gusto pa niyang bawiin pero wala na siyang kawala.

Bwiset! Since nasabi ko ang lahat ng iyon, kahit may mangyari, hindi ko siya pwedeng sapakin... Magiging okay naman din ang lahat. Hindi naman sa may gagawin siyang kababalaghan dahil nandito kami sa Okia...

"Guys! Nandito na tayo!!" Sigaw ni Gwen sa kanila at itinuro niya ang island na kung saan siya nakatira.

"Wow!!!"

Napansin ni Gwen na sabay pa talaga silang nagsalita. Naiisip niya na bagay na bagay silang dalawa maging mag-jowa.

"Oh my? Sa tingin ko bagay na bagay kayo sa isa't isa. Mainit ba talaga ang araw kaya nagkakaputlaan ang mga pisngi ninyo?"

"A-Ano??" Gulat na reaksyon ni Romeo at bumilis ang tibok ng puso niya. Mas lalong namutla ang pisngi niya noong marinig niya iyon.

"H-Hindi sa ganoon iyon..."

Sa sobrang hiya ni Sandy ay sinapak niya nang malakas si Romeo. Naisip niya na baka may iniisip si Romeo na malisya. Nagsisisi na talaga siya na sabihin sa kaniya ang mga bagay na iyon. 

*HONKK!!*

Nang makababa silang tatlo ng barko ay agad silang sinalubong ng buong pamilya ni Gwen. Kinakaway sila ng kaniyang pamilya at pati na rin ng mga bata.

"Sa wakas at nakauwi ka na, anak." Malambing na sabi ng kaniyang ina.

"Inay! Pocchi!!" Bati ni Gwen sa kanila at niyakap niya ang kaniyang pamilya.

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now