Day 7 - The Big Revelation!

39 16 41
                                    

A girl is going about to kiss me. Paano nga ba ulit nangyare ito? Binigyan niya ako ng sandwich, nahuli niya ang tungkol sa kasinungalingan na student ako ng Dhalia U, binigyan niya ako ng confidence para magsimula ulit, inasar ako, nadulas, and then ayun. Magkalapit na ang mga labi namin. It's still nice na mahahalikan ko siya since hindi pa naman ako nahahalikan dati.

"Sandy.."

*bang!*

"Romeo! Meron kaming dalang pagkain-"

May bumukas ng pinto nang malakas at nang makita namin na lahat sila ay nandoon. Nagkatitigan kaming lahat at may naramdaman kaming apoy na lilibyab sa buong kwarto. Nabitawan ni Vanessa ang sandwich na gawa niya at kumirot ang ulo ng isang babae nang mailabas niya ulit ang kaniyang espada.

"Hoy, Sandy! Anong ginagawa mo diyan?!!" Tanong ni Claudy nang pasigaw dahil sa sobrang inis.

"Wait! Mali ang iniisip mo! Pinatumba niya ako sa sahig!" katwiran ko sa kaniya. Ayoko ulit mag-isip na naman sila nang masama sa akin.

"Hoy! Anong sinasabi mo na ako nagtumba-"

*boing*

Isang maliit na tunog na narinig namin. Hindi ko alam na nakaturo ang aking hinlalaki sa pinakasensitive na parte ng katawan ng isang babae. HIndi na naman ako tumitingin sa paligid kaya hindi ko ito napansin. Dumilim ang paligid nung tumingin ako sa paningin ni Sandy na alam ko na kung anong mangyayari sa susunod.

"Lumayas ka na dito, hinayupak ka!!!" Sobrang galit na sabi niya at nakatikim na naman ako ng malakas at malutong na suntok. Feeling ko lilipad na ako papuntang outer space dahil sa suntok niya.

May isang babae na ang pangalan niya ay Naomi na nakakita ng isang bagay sa sahig. Tinignan niya ito at binasa niya ang nasa loob. Hindi ko matukoy kung ano iyon dahil nagrerecover pa ang paningin ko.

"Hmm? Ano ito? Guys? Anong ibig sabihin nito?" pinakita niya ang bagay na iyon sa aming lahat at nang malaman ko na iyon ang bagay na hindi nila dapat makita. Nakasulat doon ang buong identity ko at educational status.

"Wait! Huwag!!!"

Yes. ID ng aking preperatory school para sa entrance exams. More like ID ng cram school na inaattend ko in order to pass the exams. Pighati na naman ang nararadaman ko dahil ang ibig sabihin iyon at it's the end. Hindi ako makatingin sa kanila nang diretso dahil wala rin akong dahilan para gumawa ng excuses.

⳾*⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*⳾

The next morning...

Siguro alam niyo naman ang susunod na scenario. Nasa labas na ako ng dormitory na dala-dala ang aking mga gamit. Disappointed lahat sila sa akin dahil nalaman nila ang katotohanan na hindi naman talaga ako Dhalia U student. Times 4 ang sakit nang malaman nilang apat tungkol dito.

"Niloko mo kami tungkol sa educational status mo. Mga galawan mo na hindi katanggap-tanggap sa amin. Wala kang excuses." wika ng babae na may hawak na espada.

"Huh? So hindi pala totoo na nag-aaral ka sa Dhalia U!!!" sabat ni Naomi habang nag-babackflip pa siya.

Hindi ako makatingin kay Vanessa dahil nagsinungaling ako sa kaniya. Siguro kinaaayawan na niya ako ngayon...

"According to the rules, kailangan mo nang umalis dito. Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na."

Ito na ang oras para humingi ng tawad sa kanila. Nilakasan ko ang loob kong harapin silang lahat dahil iyon ang dapat gawin.

"Guys, patawad kung niloko ko kayong lahat. Patawad kung pinaniwala ko kayo sa lahat ng sinabi ko. Ang totoo niyan ay hindi naman ako matalino at hindi pa ako nagkakaroon ng experience na ako lang ang naging lalake sa grupo kaya dahil sa sobrang saya ko, hindi ko mailabas ang totoo. Kahit tatlong araw lang ang pag-stay ko rito, masaya pa rin ako at gusto ko pa rin magpasalamat. Paalam." Tumalikod ako sa kanila at wala na silang sinabi pa. Bumalik na sila sa loob ng hotel at ako'y umalis na palayo sa kanila.

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now