Day 5 - Work Hard, Play Hard!

74 22 93
                                    

Sinusubukan kong i-solve itong Math at English problems mula sa reviewer ko. Sino ba naman nagsabi na madali lang makapasok sa Dhalia U? Hindi nga ako makakuha ng mataas na score dito sa mga reviewers na ito.

*knock knock*

Oh.... sino kaya iyon. Binuksan ko ang pinto at si Vanessa pala ang kumatok sa pinto ng kwarto ko. Magpapatulong kaya siya?

"U-Um... ano meron ngayon bakit napapunta ka rito?" Tanong ko sa kaniya na may halong nerbyos. Ano naman kaya ang sadya niya rito.

"R-Romeo...."

Huh? Ano kaya ang gusto niyang sabihin?

"U-Um.... pwede mo ba akong samahan?"

"Huh? O-Okay...."

"Tara!" Masaya niyang sabi nang bigla niyang kinuha ang aking kamay at pumunta kami sa lugar na gusto ni Vanessa na puntahan. 

Tumungtong kami sa rooftop ng pinaka-main building ng hotel. Nabighani ako sa ganda nito dahil nakikita ko ang buong city ng Dhalia at ang dagat na nakapalibot dito. Masarap ang simoy ng hangin na parang liliparin na ako sa sobrang lakas.

"Ang ganda naman dito! Nakikita ko ang buong city ng Dhalia mula dito..."

"Well, ito ang aking favorite place na puntahan." Tumawa nang mahinhin si Vanessa na may halong ngiti sa kanyang mukha. Naglakad-lakad siya sa paligid at sinusubukan niyang balansihen ang sarili niya sa edge ng rooftop. 

"O-Oy! Delikado 'yan! 'Wag mong gawin!" Sigaw ko sa kanya.

"Teacher, gusto kong magtanong ng weird question. Please huwag mo kong tawanan, okay?"

"Ano ba 'yon?"  tanong ko sa kaniya.

"Anong feeling na makapasok ka sa Dhalia U on your first try?" tanong niya na nakatingin siya sa akin at naglalakad palapit.

"Well, I..."

"Siguro sobrang masaya ka na, noh? Pero ako... Hindi talaga ako magaling." Biglang lumungkot ang boses niya. Yumuko siya sa likod ko na parang gusto niyang maglabas ng sama nang loob. "Kahit anong aral pa na ginawa ko, kahit anong hirap ng pinagdaanan ko, hindi talaga ako makakapasok sa DU."

Hindi... Hindi totoo iyan....

"Hindi iyan totoo!!!" biglang sigaw ko sa kanya.

"Bakit?"

"Makakapasok ka!"

Humarap siya sa akin at kitang-kita ko sa mga mata niya na gusto niya talagang makapasok sa Dhalia U.

"Hindi. Matalino ka kasi kaya hindi mo ako maunawaan." Sabi niya na parang malapit na siyang umiyak.

"Wala sa talino ang paraan para makapasok ka! Hindi ka dapat nag-iisip nang ganyan na hindi mo kaya. Kapag sinubukan mo pa, makakapasok ka talaga. Maniwala ka sa'kin kase kahit ako, nakapasok!"

Oh no! Hindi ito maganda!

Ngumiti siya sa akin at hawak niya ang kaniyang mga kamay. "Romeo, maraming salamat talaga! Ang totoo niyan kase ay... mababang grades ang nakukuha ko sa school at kinakabahan ako dati. Pero binigyan mo ako ng hope. Thank you!" sabi niya at bigla na lang siyang umalis. Crap! Nagawa ko na naman!

⳾*⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*⳾

Pagkasapit ng gabi, sinubukan ko ulit mag-aral sa loob ng kwarto. Hindi ko pa rin alam kung anong gagawin, since nagsinungaling na naman ako. Kahit hindi ko naman talaga kasalanan, responsibility ko ito dahil nagsinungaling ako.

"Thank you!"

At nagsinungaling ako sa taong katulad ni Vanessa...

"Man... Ano na ang gagawin ko? Hindi naman talaga ako taga-Dhalia U. Kahit isang matalinong student, hindi rin totoo. Pero wala talaga akong choice, kailangan hindi nila malaman ang tungkol dito. Kailangan ko talagang aralin itong mga ito! Sige, simulan na natin from the start!"

Sinimulan kong aralin mula sa pinakaunang page ng study guide. Pagkabasa ko sa mga tanong, ini-skip ko agad dahil mahirap. And then happened, after one another. 

⳾*⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*⳾

The next morning...

Wala pa rin akong naaaral na matino!!

Kahit isang tanong wala pa rin akong masagot! Pinupukpok ko na ang lapis sa ulo ko para lumabas ang mga brain cells ko. I guess, gagamitin ko na ang aking secret weapon... The Romeo's Energy Booster Drink! Ininom ko ito at biglang nabuhayan ang dugo ko. Sinimulan ko na ulit ang laban! Atatatatatatatatatatata!!

Nakikita ng mga ibang babae kung gaano na akong kasipag mag-aral.  Mukhang kakagising lang nila. Nasa hallway sila na papunta sa may dining area.

"Whoah! Kita mo yan si Romeo? Nag-aaral pa rin mula kagabi pa. Parang wala ngang tulog yan eh." Sabi ni Claudy habang inaayos niya ang kaniyang damit.

"Ako rin! Pagsisikapan ko ring mag-aral!" Sigaw ni Vanessa na may buong puso. Nabuhayan na siya nang loob dahil sa sinabi ni Romeo sa kanya noong isang araw.

"Huh? Anong sinasabi mo?" Napatanong ni Claudia sa kaniya.

Tumahimik na lang siya sa hiya at napakamot siya ng ulo.

"Siguro kailangan ko na magpakababae o baka maiwanan ako ng mga ito!" may binabalak na naman si Claudy sa mga taong nasa paligid niya. Lumalabas na naman ang pagiging cheeky niya.

"Anong sinasabi mo ba?" inis na tanong ni Sandy sa kaniya. Napupuno na siya sa taong ito eh.

"Hindi mo ba napapansin? Ever since nung lumipat siya rito, naging masayahin na ang lugar na ito? Parang dati lang sobrang tahimik dito."

"Hmm..." Napag isip-isip na lang si Sandy sa mga nasabi ni Claudy sa kaniya. Tama nga siya, nag-iba na talaga ang daloy ng araw para sa kanila since nung lumipat si Romeo sa hotel. Hindi niya inexpect na mababago ang mga mangyayare sa kanilang lahat.

⳾*⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*⳾


"Okay tapos na!" Natapos ko na rin ang pagsasagot ko sa mga tanong para sa ngayon. Chineck ko ang aking mga sagot pero mababa pa rin ang mga nakuha kong scores. Argghhh!! Ayoko na!!! Hinagis ko ang mga papel nang malakas sa sobrang inis ko. Nagpuyat pa ako dahil dito pero wala pa rin talaga. Nagsayang lang ako ng oras na gawin ito.

Siguro uuwi na lang talaga ako sa amin para hindi nila ako mahuli. Nilagay ko ang mga gamit sa bag habang nakakaramdam ako ng pighati. Siguro oras na para sumuko na ako na makapasok sa Dhalia U.

*sound*

May nakita akong sandwiches na nakalagay sa plato. Pagkalingon ko, si Sandy pala nasa likod ko. Na-startled ako na baka mahuli niya ako na nagsisinungaling lang pala ako sa kaniya. Hindi siya galit pero iba ang tingin niya sa akin ngayon. Tingin niya na hindi ko pa nakikita mula sa kaniya.

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now