Day 12 - Brianna Dominguez, The Sword Freak!

25 10 20
                                    


"AARRGHHHH!! HINDI ATA AKO MAKAKAPASOK!!" sigaw ko sa dalawa kong kaibigan na nakakuha ng mataas na chance para makapasok sa university na pupuntahan nila.

Sabay kaming tatlong naglalakad pauwi galing sa prep school sa gitna ng ulan. Naglalakad kami sa may downtown sa isang mahabang park na walang tao dahil umuulan. Hindi pa rin ako makahinahon dahil hindi ko alam kung makakapasa pa ba ako sa exam lalo na't hindi ako nag-iimprove.

"Bakit ba hindi ka na-iimprove sa studies mo? Nag-aaral ka ba talaga?" tanong sa akin ni Ed habang kinakalikot ang kaniyang smartphone.

"Bakit mo ba kailangang itanong iyan!?" Hindi ko rin alam ditong sa taong ito. Hindi ko matukoy kung kaibigan ko ba talaga ito o niloloko lang ako, eh. Alam ko naman sa sarili ko na ginagawa ko naman talaga lahat.

"Huwag kang mag-alala. Marami pa namang chances at malayo pa naman yung exam." Wika ni Sean.

Buti pa itong kaibigan kong si Sean, hindi siya katulad ni Ed na suplado at pala-asar. Mabait talaga siya pero may isang bagay na naging weird para sa akin...

"Uy! May tatlong babae sa harapan natin, oh!" May nakita kaming tatlong babae na naglalakad sa malayo. Isang matangkad, isang average height, at isa na parang maliit.

"Hmmmm.... Hindi naman masama!" React naman ni Ed nang napatigil siya sa ginagawa niya.

"Huy! Ano ba kayong dalawa!?"

Hindi ko sila napigilan at pinag-usapan pa nila kung sino ang gusto nila sa tatlo. Dinescribe pa nila yung mga magagandang katawan nila na para bang ewan. May balak silang dalawa na lapitan.

"Ladies! Gyusto ninyo bang makipag-date?" tanong ni Ed nang bigla siyang lumapit sa kanila. Sumabay rin si Sean sa kaniya.

"Uy!" awat ko naman sa kanila.

"Naiirita na ako sa iyo."

"Huh?"

*whack!*

Hinampas ng babaeng iyon ang kaniyang payong sa mukha nila Ed at Sean. Ang bilis! Hindi ko alam kung anong nangyare!  Hindi ko masasabi kung buhay pa bang itong mga kasama ko dahil ang lakas din ng hampas sa kanila.

Yikes! Maling mga babae na nadaanan namin!

"Hey... Kayo pala iyan..."

Sila Brianna, Sandy, at Naomi pala ang nadaanan namin. Bakit sila nandito?

"Romeo!" iritang tawag sa akin ni Brianna. Nakasuot pa siya ng school uniform. Unsual dahil sa bahay nakasuot siya ng robe na pang fencing.

"Hmph! Dalawang beses na bumagsak at nakuha mo pang lumandi sa mga babae."

"Anong klaseng gawain na hahampasin mo yung taong hindi mo kilala ng payong sa mukha, ha!? Sword Freak!" inis na sabi sa kaniya.

"Meron akong pangalan... Brianna Dominguez."

"Gusto mo talaga sa mga babae, Romeo." Asar ni Naomi sa akin.

"Hoy! Minomotivate mo si Vanessa na mag-aral pero ikaw nag-seset ng bad example sa kaniya." Inis na sabi ni Sandy.

"Romeo. Bastos ka at wala kang moralidad kaya sasabihin ko na ito sa'yo! Mga mahihinang katulad mo... Nakakadiri sa lalamunan ko!" 

Ouch... Ang sakit naman nun... Nagpa-iwan si Sandy para samahan akong umuwi. May pasok pala silang dalawa at parehas lang sila ng school. Natapos na rin ang ulan pero malungkot pa rin ako dahil sa sinabi niya. Umupo kaming dalawa ni Sandy sa malaking couch sa labas ng balcony.

"Bakit kaya ayaw sa akin ng sword freak na iyon?" lungkot na tanong ko sa kaniya.

"Ikaw naman ang gumawa nito, eh. Wala lang siyang type sa mga katulad mo." sabi sa akin ni Sandy nang iabot niya sa akin ang bath towel.

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now