Diary Entry #5 ~ HELP! Working Part-timer! ~

14 4 12
                                    

It's been one week since nung nag-away sila pero hanggang ngayon, hindi pa rin sila nag-uusap at hindi pa rin siya makahanap ng trabaho. Pilit niyang umiiwas dahil sa maling nagawa niya at syempre, baka masuntok ulit siya sa mukha.

Tumingin siya sa magazine para maghanap ng trabaho at sa wakas may nahanap siya.

"Hmm? Deliver boy. 5,000 a month, including meals per day?" Sabi ni Claudy na sinisilipan niya yung magazine na hawak niya.

"Waahh?! Anong ginagawa mo, Claudy?" Gulat niya at nang makita niya si Claudy na nasa balikat niya.

"Alam mo, dapat maging committed ka kapag gusto mong magtrabaho."

"Kung hindi dahil sayo, meron pa akong trabaho ngayon!" Sigaw niya dahil hindi pa rin niyang makalimutan ang nangyare sa bar.

"Ganon ba? Pasensiya naman." Sabi niya habang ngumingisi. Naisip ni Claudy na maraming araw na ang lumipas at baka hindi pa rin maasikaso ni Romeo ang tungkol sa entrance exam.

"Pero, June na. Kapag nagkaroon ka ng trabaho, paano na yung plano mo na makabawi sa entrance exams sa DU? Susuko ka na ba roon?"

Napagtanto ni Romeo kung itutuloy pa ba niya ang planong iyon. Nagdalawang-isip siya dahil sa nalaman niya kay Sandy kung bakit niyang gustong makapasok sa DU. Dahil doon, feeling niya na hindi na siya motivated na makabawi.

"Ganon ba? Sa totoo lang... Parang hindi ko na siya nagiging priority." Banggit niya habang kinakamot ang kaniyang ulo.

"Hmm... Okay... Then magtrabaho ka na kung totoo ang sinasabi mo!!!" Sabi niya na parang binibigyan niya ng headstart si Romeo.

"Yes, ma'am!!" Bigla niyang sabi at agad siyang tumakbo palabas ng hotel, wishing him a good luck.

Paglabas ni Romeo ng hotel ay agad niyang tinawag si Sandy na nagtatago sa may hagdanan. Alam niya na nakikinig siya sa kanila kaya niya natanong iyon.

"Malakas ba akong magsalita kanina?" Tanong ni Claudy sa kaniya at umupo siya sa tabi niya.

"Tumahimik ka nga diyan. Hindi mo kailangang maging masaya dahil sa nangyare." Inis niyang sabi. Hindi rin alam ni Sandy kung bakit hindi na naging priority ni Romeo na makabawi sa exams. Baka hindi na ba siya tutupad sa pangako nila?

‧̍̊·̊‧̥°̩̥˚̩̩̥͙°̩̥‧̥·̊‧̍̊ ♡ °̩̥˚̩̩̥͙°̩̥ ·͙*̩̩͙˚̩̥̩̥*̩̩̥͙·̩̩̥͙*̩̩̥͙˚̩̥̩̥*̩̩͙‧͙ °̩̥˚̩̩̥͙°̩̥ ♡ ‧̍̊·̊‧̥°̩̥˚̩̩̥͙°̩̥‧̥·̊‧̍̊

Pumunta si Romeo sa kanto ng Meiriko street para hintayin ang magiging employer niya. Napag-usapan kase nila na roon sila magkikita para sa kung ano ang magiging nilalaman ng kaniyang trabaho. Ang alam niya tungkol sa kaniyang employer ay isa siyang college.

"Nakita mo iyon? Anong meron sa kotseng iyon?" Tanong ng isang tao sa tabi niya at tumingin sila sa kotseng paparating.

Ang kotseng iyon ay tumatakbo palapit sa kaniya sa sobrang bilis. Hindi pa rin tumitigil ang kotse sa pagtakbo at pabilis itong umaandar papunta sa kaniya. Parang may gusto ata itong driver na ito na sagasain si Romeo. Umilag siya sa kotseng iyon at tumigil iyon sa harapan niya.

"!!!!!"

Mabilis ang pagtibok ng puso ni Romeo dahil akala niya ay mamamatay na siya. Mabilis din kase ang nangyare kaya buti na lang ay nakailag siya.

"Ah, pasensiya, pasensiya. Ikaw ba ang nag-apply para sa trabaho?" Tanong ng lalakeng iyon na muntikan na makasagasa sa kaniya, pagkalabas ng kaniyang kotse.

"Huh?" Familliar sa kaniya ang lalakeng iyon. Nakasalamin, nakasuot ng lab coat, at may sigarilyo sa kaniyang bibig. Siya ata yung lalake na nakasalubong sa kaniya sa Carolyn's Hotel.

Love Under Carolyn's DormitoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon