Day 17 - Rain is Not that Bad!

20 8 23
                                    

"Whooooaaahhhh!!!~" Napailag bigla si Romeo nang makita niya na may kotse na paparating sa kaniya. Natumba siya sa tabi nang kalsada at sumakit bigla ang pwet niya.

"Hoy!! Tingin-tingin din sa dinadaanan mo!!" sigaw ng driver ng taxi na nakasalubong niya kanina. Umalis agad ito nang matapos siyang mapagsabihan.

Sa pagpatak ng malakas na ulan, hindi pa rin niya matangal sa kaniyang isipan na hindi siya nakapasa. Hindi niya alam kung paano niyang haharapin ang mga tao sa dormitory, lalo na lumalayo pa siya kay Sandy.

Kailangan ko na talagang umalis. Paano ko ba sila mahaharap ngayon dahil sa nakuha kong grade? Sinabi ko pa sa magulang ko na kapag hindi ako pumasa, uuwi ako sa amin. Siguro... ito na ang huling pagkikita natin. Paalam.

⳾*⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*⳾

"Merry Christmas!!!"

Masayang nagsasalu-salo silang lahat sa event room ng hotel at doon nila ginanap ang kanilang Christmas party. Maraming hinandang pagkain si Vanessa at ang daming Christmas decorations na hinanda nila para sa kanilang celebration. Pinagdiwang din nila ang successful na pagpasa ni Sandy sa kanilang exam.

"Huy Sandy, nakita mo ba si Romeo? Isang oras na nakalipas, wala pa rin siya dito." tanong ni Claudy habang kumukuha siya ng fried chicken.

"Ewan ko. Hindi mo ba siya nakita?" tanong din niya habang umiinom ng juice.

Hindi rin alam ng lahat kung anong nangyare kay Romeo dahil hindi siya nagpapakita sa kanila. Naalala ni Claudy na wala palang dalang payong si Romeo noong nakasalubong niya sa may avenue kanina.

"Nakita ninyo ba si Romeo? Speak up dahil busy ako." Sumulpot bigla si Tita Daisy sa kanilang lahat at nangambala ang kanilang party.

"H-Hindi namin siya nakita. May nangyare ba, Tita Daisy?"

"Meron." May pinakita siyang papel sa harapan nilang lahat na seryoso na may seryosong tingin.

"Test results sa prep school namin iyan." Tugon ni Sandy at tinignan naman ng iba.

"Kaya pala wala pala siya dito eh. Ayaw niyang magpakita dahil hindi siya pumasa sa exam!" Asar na sabi ni Claudy at tumawa siya nang malakas.

"May kasunduan siya sa parents niya, 'di ba?" tanong ni Vanessa.

"Oo. Kapag hindi siya pumasa, uuwi siya ng bahay sa kanila."

Nakita nila na tumahimik si Sandy na parang may malalim na iniisip. Hindi kase makapaniwala si Sandy sa nangyare kahit na nag-improve na siya sa studies.

"Iwanan na lang natin siyang ganiyan. Mas mabuti sa kaniya sa ganitong paraan." Biglang sabi ni Sandy.

"Sandy?"

"Pagkatapos ng isang buwan, meron kaming totoong test. Sa grades na meron siya. hindi talaga siyang makakapasok sa university. Kahit na i-convince natin siya na bumalik dito, hindi makakatulong sa kaniya... Sayang lang sa oras." Paliwanag niya.

"Well..."

"Siguro magiging mahirap talaga sa kaniya, pagkatapos pa naman ng nangyare..." Napalakas ang hinga ni Brianna nang maisip niya iyon.

"Sigurado ka?" Biglang tanong ni Tita Daisy. "Tumaas ang grades niya at nag-improve siya pagkatapos niyang maging manager dito, 'di ba? Sandy, hindi ba naging ganiyan ka rin dati, two years ago?"

"..."

"Kapag nangyare sa iyo iyon, hindi ka ba magiging malungkot?"

Biglang nakaramdam siya ng kidlat nang marinig niya iyon. Naalala niya ang kaniyang mga pinagdaanan upang makarating siya sa sitwasyon niya ngayon. In fact, ayaw niya rin naman na mawala si Romeo sa loob ng dormitory dahil siya ang unang lalake na nakasama niya sa araw-araw, kahit na wala siyang respeto.

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now