Diary Entry #7 ~ A Sudden Resume! ~

15 4 11
                                    

Inutusan si Romeo na dalhin ang mga instruments na gagamitin ni Charles para sa kaniyang lessons sa Dhalia U, na nakalagay sa tatlong box. Kasama niya rin si Sarah pero nagsusungit pa rin ang bata sa kaniya. Hindi naging madali sa kaniya na pagsabayin ang trabaho niya, sa pag-aalaga ng bata. 

Ang room na kung saan naka-schedule si Charles, ay sa Room 301, na kung saan nag-take si Romeo ng kaniyang third entrance exam at kasama niya si Sandy noon. Pumasok silang dalawa at naalala lahat ni Romeo ang mga moments nila doon.

"Wow! Mga memories! Ito ang room na kung saan nag-take ako ng exam noong February."

Pumunta siya sa upuan na kung saan siya nakaupo noon at tinignan niya ang buong paligid.

"Naalala ko na nakaupo ako dito.... Lahat ng notes na sinulat ko dito, nandito pa rin! Naalala ko nung nahulog lahat ng pencil leads ko sa sahig. Atsaka umutot ako dahil sa sobrang kaba at tinawanan ako ng mga tao... 4 months na ang nakalipas... Kahit sinama ko pa si Sandy dito kahit na sabi niya na okay lang, nabigyan ko pa rin siya ng gulo..."

Sa sobrang kaka-day dreaming niya ay hindi niya napansin na tinatawag na pala siya ni Charles, dahil magsisimula na pala ang kaniyang klase.

"Romeo, magsisimula na kami." Ngiting sabi ni Charles sa kaniya.

"Ahhhhh!!!" Nagulat si Romeo dahil hindi niya napansin. Tumawa ang buong klase dahil sa kaniya kaya sila ay tumakbo paalis ng classroom.

‧̍̊·̊‧̥°̩̥˚̩̩̥͙°̩̥‧̥·̊‧̍̊ ♡ °̩̥˚̩̩̥͙°̩̥ ·͙*̩̩͙˚̩̥̩̥*̩̩̥͙·̩̩̥͙*̩̩̥͙˚̩̥̩̥*̩̩͙‧͙ °̩̥˚̩̩̥͙°̩̥ ♡ ‧̍̊·̊‧̥°̩̥˚̩̩̥͙°̩̥‧̥·̊‧̍̊

Sinamahan nila Charles at Sarah si Romeo sa canteen para makapag-lunch dahil part iyon sa kontrata. Inamin ni Romeo kay Charles ang tungkol sa pag-try niyang makapasok sa DU.

"So, susubukan mo ulit ngayong taon?" Tanong ni Charles habang sinisindi ang kaniyang sigarilyo.

"Hindi na siguro. Tatlong beses na ako hindi nakapasa, eh. Kahit na naging goal ko iyon, baka oras na para isuko na lang iyon." Kamot-ulo niyang sabi.

"Talaga?"

"Oo kase, kada practice test ay laging bagsak at nag-alala sa akin yung parents ko. May 0% possibility na makakapasok ako. Maraming nangyare kagaya na noong practice test ay na-stuck ako sa isang truck, nagkasakit, at naligaw na rin ako sa gitna ng dagat..."

Natawa si Charles dahil wala siyang idea kung bakit ganon ang nangyare kay Romeo. Si Romeo naman ay bigla na rin niyang ikinuwento ang mga nangyare sa kanila ni Sandy.

"Ano naman nakakatawa doon?"

"Mga fun experiences iyon!!" Ngiting sabi niya.

Wala rin idea si Romeo kung bakit nasabi niya na mga fun experiences iyon.

"Dati kase Romeo, akala ko na kapag nagsikap ako, makakapasok ako sa DU pero hindi pa rin pala. Tamad ako at hindi ako matalino. Sa lahat ng scholars, ako yung nangulelat pero ang gusto ko lang ay maghukay." Wika ni Charles sa kaniya.

"Ano?"

"Discovery doesn't mean you will find what you desire just by digging."

"Tama..."

"Maghukay ka nang maghuka pero hindi mo pa rin nahahanap. Pero hindi ibig sabihin iyon na masama na. Huwag kang sumuko. Kahit na hindi ka matalino o walang kwenta, okay lang yon. Baka meron kang hidden talent na ikaw lang mismo ang makakahanap!"

Inintindi ni Romeo nang mabuti ang mga sinabi ni Charles sa kaniya at alam niya na tama naman din siya. Baka mayroon talaga siyang hidden talent, hindi ba?

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now