Day 20 - See You In My Dreams!

20 9 20
                                    

Nakaupo sila Romeo at Sandy sa rooftop ng hotel, habang pinagmamasdan niya si Sandy kung siya ba talaga ang babaeng nakilala niya noong bata palang siya. Naghahanda na rin sila para sa final exams sa darating na araw.

"Bukas na ang final exam natin." Sabi ni Sandy sa kaniya.

"Argh... Final exam... Nag-aalala ako para doon." Sabi niya habang nagkakamot ng ulo.

Tatlong buwan na akong nandito sa hotel na ito at parang nagkakasundo na kami ni Sandy. Pero... may gusto akong tanungin sa kaniya na gusto ko talagang malaman.

Ang first love ko from 15 years ago. Ikaw ba iyon, Sandy?

"Aaaacchooo!"

Hindi naging maganda ang pakiramdam ni Romeo at patuloy pa rin siyang binabahing. Inuubo na rin siya nang biglaan at bumigat ang kaniyang katawan.

⳾*⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*⳾

Dinala ni Sandy si Romeo sa kaniyang kwarto, at gumamit siya ng thermometer para matukoy niya kung may lagnat ba siya. Hindi pa rin tumitigil ang pag-ubo ni Romeo pagkalipas ng ilang minuto.

"Argghh... Kung kailan darating na ang exam bukas, ngayon pa akong nagkasakit..."

"39.7 Degrees. Kailangan mo na talagang magpahinga ngayon." Tukoy ni Sandy at nililigpit na niya ang mga gamit na kakailanganin ni Romeo. "Kukunin ko lang ang icebag, ha. Dito ka muna." Sabi niya at umalis na siya ng kwarto.

Hindi pwede kay Romeo na magpahinga siya buong araw dahil kailangan niyang mag-aral para sa exam. Hindi niya alam kung anong mangyayare sa kaniya at baka makalimutan niya ang mga pinag-aralan niya.

Hindi pwede. Mahigit na isang libo ang nag-aaral ngayon, kaya hindi pwede na hindi ako mag-aral...

"Hi Romeo!!!" Biglang pumasok si Naomi sa loob ng kwarto niya pagkadabog ng pintuan. Kasama rin niya si Brianna at si Claudy pagkapasok.

"HI!" Kaway-kaway ni Claudy sa kaniya.

"Anong ginagawa ninyo dito?!" Sigaw niya dahil nabigla siya sa pagpasok nilang tatlo.

"Meron akong dala para sa'yo, Romeo! Itlog at softdrinks." Sabi ni Naomi at nilabas niya ang dalang sinabi niya.

"Bakit may kasamang softdrinks?"

"Nagkakasakit ka bago mag-exam, alagaan mo naman mabuti ang sarili mo. Huwag kang mag-alala, may dinala rin ako para sa'yo." Sabi ni Brianna at nag-labas siya ng isang patay na palaka at butiki.

"Yieck!!!"

"Family recipe ito at pampatanggal ng sipon at lagnat." Nilagay ni Brianna ang palaka at butiki sa mortar at dinurog-durog niya ito nang pinong-pino.

"Ilalagay ko ang itlog sa softdrinks." Pinagsama niya talaga ang itlog at softdrinks sa baso nito.

"Anong ginagawa ninyo?!!"

Hinawakan nilang dalawa si Romeo at pinakain sa kaniya ang ginawa ni Brianna at pina-inom naman sa kaniya ang ginawang inumin ni Naomi. Nilaklak niya lahat hanggang sa hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya.

"Anong nararamdaman mo?" tanong nila.

Bigla na lang napahiga si Romeo na parang mawawalan siya ng malay. Hindi niya alam kung bakit ba siya pinainom ng softdrinks na may itlog at pinakain ng dinurog na palaka at butiki. Hindi nga niya rin alam kung edible ba iyon.

"Guys, body heat lang ang kailangan niyan." Sabi ni Claudy at naghubad siya ng damit. Dinikit niya ang katawan niya kay Romeo na para bang nagbibigay ng body heat sa kaniya.

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now