Memory #5 ~ Kiss, Kiss, Kiss!! ~

3 1 0
                                    



Isa na namang maligayang araw sa hotel. Masarap ang simoy ng hangin na nagpapasayaw sa mga puno sa harapan nito. Napapalibutan ng katahimikan ang loob ng malaking hotel, pati rin ang mga kuwarto ng mga residente nito. Habang sa loob ng reception hall, nandoon sila Romeo at Sandy na may ginagawa na namang kalookahan sa kalagitnaan ng tanghalian.

Magkalapit silang dalawa at parehas silang nakapikit. Palapit nang palapit ang labi ni Romeo sa kaniya, at bigla na lang niyang natapakan ang paa ni Sandy.

"Aray!!!" Sigaw ni Sandy at sinapak niya nang malakas si Romeo sa mukha.

"Puah!!"

Hinimas ni Romeo ang kaniyang namamagang pisngi at napatawa siya nang kaunti. Nasapak na naman siya ni Sandy nang dahil sa kagagawan niya.

"P-Pasensiya na..."

"Ano ba kasing ginagawa mo?" Inis na tanong niya.

"M-May nakita kasi akong langaw sa balikat mo kaya sinubukan ko lang iyon tanggalin..."

Parang hindi naman iyon ang dahilan kung bakit niyang nilapitan si Sandy. May plano siyang halikan ang dalaga dahil baka iyon na ang pagkakataon niya.

Si Sandy naman ay parang kumunot ang noo noong narinig niya iyon. Hindi kapaki-paniwala sa kaniya na may langaw sa balikat niya. Hindi naman siya madaling maloko, lalo na si Romeo pa iyon.

"Ano? Ano bang klaseng excuse iyan? Gusto mo lang akong halikan, eh...! Kahit may balak mo akong halikan, hindi mo ring magawa nang tama." Sabi niya at tumalikod siya sa kaniya. Ibig sabihin ay umasa rin siya na mahalikan ni Romeo.

Bumuntong hininga si Romeo dahil akala niya ay okay na sila noong matapos ang mga nangyari sa pool.

"Akala ko pa naman ay maayos na tayo noong natapos ang usapan natin sa pool noong nakaraang linggo."

Lumingon si Sandy sa kaniya at binelatan siya na parang inaasar. Nagulat si Romeo dahil nalaman niya na umaasa si Sandy na mahahalikan siya nang tama.

჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ

Pumunta si Romeo sa kaniyang kuwarto para magligpit ng kaniyang mga gamit. Gumugulo pa rin sa loob ng isipan niya ang mga sinabi ni Sandy, kaya hindi rin siyang makapagpigil na kabahan.

Argghh!!! Ano ba ang ibig sabihin ang mga sinabi niya? Gusto mo ba ako o hindi?! Ginugulo mo lang isipan ko, eh!!

Nagpatuloy ang kaniyang trabaho bilang manager sa loob ng hotel kaya pumunta siya sa hotsprings para magkuskos ng sahig.

P-Pero ang sabi niya na ayos lang sa kaniya na halikan ko siya. Hindi naman friends ang tawag doon. Okay lang sa akin ang mga nangyayari ngayon. Pero sabi niya na may gusto siya sa akin!!

Dahil sa sobrang inis niya ay bigla siyang nag-power up at kinuskos niya ang sahig nang maigi. Natapos niyang nilisin ang buong hotspings dahil doon.

Kalma lang, Romeo...

჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ

Si Sandy naman ay nagbibihis sa kaniyang kuwarto dahil kakatapos lang niyang maligo sa hotsprings. Inaayos niya ang kaniyang buhok at tumitingin sa kaniyang salamin. Kagaya ni Romeo, hindi pa rin niyang makalimutan ang mga nangyari sa swimming pool noong nakaraang linggo.

Boploks talaga si Romeo. Pero, nang makita ko sila Kuya Charles at Tita Daisy noong nag-kiss sila, sinabi ko kay Romeo na baka gusto ko siya. Hindi ko alam kung magiging okay lang ba ang mga mangyayari sa amin.

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now