Day 16 - A Sudden Farewell!

21 9 19
                                    

"Anong ginagawa mo diyan?" tanong ni Sandy na nasa likod ni Romeo na may pagkagalit sa kaniya. Kinabahan agad siya dahil alam niya na hindi magiging maayos ang mangyayare kapag malalaman niya na binabasa niya ang kaniyang diary.

"S-Sandy!!" Napalingon na lang siya bigla.

"Is that?" Nakita ni Sandy na hawak ni Romeo ang kaniyang diary. Naisip niya na binasa niya ito. "Ang kapal ng mukha mo na binasa mo 'yang diary ko! Paano mo nagawa ito?"

"H-Hindi! Hindi! H-Hindi sa ganon iyon! Nandito ako para ayusin ang sahig!"

"Naisip ko na kahit naninilip ka sa ibang tao habang nagbibihis at nagmumukha kang ewan kapag ginagawa mo iyon, hindi mo magagawa ang mga ganitong bagay!"

Hindi na nakapagsalita si Romeo dahil nakikita niya sa mga mata ni Sandy na totoo ang galit na nararamdaman niya sa kaniya. Hindi niya kayang mag-explain sa kaniya nang maayos dahil nagkamali naman din siya.

"Umalis ka na dito!!!!" Kinaladkad ni Sandy si Romeo palabas ng pinto at tinulak niya nang napakalakas. Binagsak ni Sandy ang pinto nang sa gayon ay malaman ni Romeo kung gaano siya nagkamali sa ginawa niya.

"Ah......" Napakamot ng ulo si Romeo dahil hindi niya alam kung paano na niya kakausapin si Sandy mula ngayon. "Dapat hindi ko na lang ginawa iyon".

Pero.... Siya ba talaga yung babae from 15 years ago? Dapat mag-sorry ako sa kaniya bukas. Kasalanan ko naman talaga.

Nakita niya bigla na may sugat ang kaniyang binti. Nanakit ito pero nilagyan na lang niya ng band-aid yung sugat.

⳾*⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*⳾

The Next Day

"Aalis na ako!" Sigaw ni Romeo sa kanilang lahat habang papalabas na siya ng pintuan.

"Good luck!" Bati ni Claudy sa kaniya.

Binigyan din siya ng supporta ng mga kasama niya sa loob. Napansin niya na hindi niya nakikita si Sandy. Naisip niya pa rin ang nangyare kagabi nung nagkaroon sila ng hindi magandang pagkakaintindihan.

"Guys, nakita ninyo ba si Sandy?"

"Ah. Maaga siyang umalis kanila." Napansin ni Claudy na parang may nangyare na naman sa kanila. "Ano na naman ba ginawa mo?" tanong niya na may pagka-inis.

"W-Wala!!!"

Nakapunta na siya sa prep school at kasama na naman niya ang kaniyang dalawang kaibigan. Bilib na bilib pa rin sila kay Romeo na nag-iimprove na yung grades niya.

"Romeo... gumagaling ka na ha." Sabi ni Sean sa kaniya.

"Pero, yung grades mo na tumataas, hindi ba't parang late na nangyare?" Asar naman ni Ed sa kaniya.

Dumating bigla ang kanilang proctor at nagsimula na ang kanilang exam. Tinignan niya kung nandoon na ba si Sandy at nahanap na niya. Tumingin si Sandy sa kaniya ngunit hindi niya ito pinansin.

Malamang galit pa rin siya sa akin. Pero... Iniisip ko pa rin tungkol sa nakasulat sa kaniyang diary. Si Sandy na ba ang aking first love? Hindi ito ang oras para sa ganiyan! Kailangan kong mag-focus dito at mag-sosorry na lang ako sa kaniya mamaya.

Hindi naging madali kay Romeo na sagutan ang exams pero naniniwala siya na makakapasa siya kaya ibibigay niya ang best niya para mapasa ito at para hindi siya aalis sa hotel.

⳾*⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*⳾

2 Weeks Later

Tumatakbo si Romeo papuntang prep school dahil ngayon na ang araw para malaman ang grades niya. Nanggaling kase si Romeo sa mall para bumili ng Christmas gift at gusto niyang ibigay ito kay Sandy.

Bigla niyang nakasalubong si Sandy na galing grocery store para sa kanilang celebration. Sa loob ng dalawang linggo, hindi niya nakausap si Sandy para hihingi ng tawad sa kaniya.

"Romeo! Saan ka pupunta?"

"Oh, Claudy! Ngayon na kase ilalabas ang mga test scores." Hingal na sabi ni Romeo.

"I see. Well, ngayon na ang Christmas part kaya bilisan mo na para makauwi ka nang maaga! Oo nga pala, ano na pala nangyare sa inyong dalawa ni Sandy? Hindi ko kayong nakita na magka-usap, ha."

"May maliit na problema."

Pagkatapos nilang mag-usap ay nagmadaling tumakbo si Romeo papunta ng prep school. Excited na siyang makita ang scores niya at para makahingi na rin siya ng tawad kay Sandy.

Confident ako na mataas ang makukuha kong grades at alam ko na sinuswerte ako kaya there's no way na hindi ako babagsak. Kailangan ko nang makauwi at balitaan si Sandy sa progress ko. Alam ko na magbabati rin kami!

Nang makarating na siya sa prep school, tumakbo siya nang mabilis papunta sa may registrar para makuha ang report card niya.

"S-Sir! Si Romeo Mercado po, Sir!" Sigaw niya.

Nang maibigay na ang kaniyang report card, masaya niyang binasa ito.


Name

Mercado, Romeo M.

Grade
49

Percentage
0%

Rating
F

Comment:

We recommend you try out for another college... Your courage is commendable but you won't do.


Binagsakan siya ng langit at lupa nang makita niya ang kaniyang report card. Hindi pa rin siyang makapaniwala na hindi siya pumasa sa exam kahit binigay niya lahat. Masyado siyang nag-expect na mataas ang makukuha niyang grade dahil inaral niya lahat.

⳾*⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*⳾

Masayang nagtipon-tipon ang mga babae sa loob ng hotel para sa kanilang Christmas party. Nakahain ang lahat ng pag-kain at hinihintay nila si Romeo na makauwi para magsimula ang kanilang salu-salo.

Pumatak nang napakalakas ang ulan ngunit walang dalang payong si Romeo. Naglalakad-lakad lang siya sa daan at parang ulan din ang kaniyang nararamdaman.

Malas naman. Hindi ko alam kung bakit ganito nangyare. Baka dapat... umalis na lang ako sa hotel at umuwi na lang sa bahay?

Nang tatawid na siya sa daan, hindi niya napansin na nakatapat na sa kulay berde ang traffic light. Bigla na lang niyang napansin na may dumaan ng napakalakas na ilaw at paparating ito sa kaniya.

Love Under Carolyn's DormitoryWo Geschichten leben. Entdecke jetzt