Day 21 - Together Forever!

17 8 17
                                    

February 24

"Finally, ngayon na araw... Bukas na pala ang exam! Hindi exam sa prep school, kundi ang totoong exam...!"

Pagkatapos ng dalawang buwan na paghahanda ni Romeo, sa wakas! Dumating na ang araw bago mag-exam, ngunit hindi pa siya nagkakaroon ng progress dahil mababa ang nakukuha niyang scores sa mga quizzes na ginawa ni Sandy para sa kaniya.

Pumunta siya sa balcony para magpahangin pero nauuna pa rin talaga siya ng kaba niya.

"Waaaaahhhhhh Hindi pa ako handa! Bakit ko kase kinuha ang Literature 1A course para sa exam!" Sigaw niya nang sobrang malakas na abot hanggang sa dulo ng mundo.

Literature 1A ang pinakamahirap na exam sa buong courses.

"Romeo? Kakain na!" Biglang sumulpot sila Naomi, Brianna, at  Vanessa sa kaniyang kwarto para tawagin siya. 

Sumabay si Romeo sa kanilang tatlo at sabay silang magsikain ng tanghalian. Nawawalan ng ganang kumain si Romeo dahil hindi maganda ang pakiramdam niya para sa susunod na araw.

"Anong meron, Romeo? Wala ka atang ganang kumain ngayon, ah." Sabi ni Claudy sa kaniya habang naglalagay siya ng toyo sa kaniyang ulam.

"Hindi... Na-tetense lang kase ako kaya hindi ako makakain nang maayos..."

"Bukas na kase ang exam kaya nagiging ganyan siya." Banggit ni Sandy.

Kinuha ni Naomi sa bag ni Romeo ang kaniyang examinator's ID. Natawa sila dahil sa picture niyang mala-duck ang itsura.

"Hahaha! Ano iyan?!" Tawa ni Claudy sa sobrang lakas.

"Nakakatawa naman ang itsura mo diyan..." Tugon din ni Vanessa sa picture.

"Ibalik ninyo nga sa akin iyan!!" Sigaw niya at kinuha agad ang kaniyang ID at itinabi sa wallet niya. "Hindi ko kase alam ganiyan pala ang magiging smile ko sa picture..." Nalugmok ang kaniyang mukha dahil nakita na nila ang kaniyang nakakahiyang picture sa ID niya.

"Who knows? Malay mo mag-boost ang self-confidence mo dahil diyan! 'Wag ka nang malungkot!" Mala-sarcastic na sabi ni Claudy at tinapik niya nang malakas ang braso ni Romeo.

"Romeo! May tawag ka." Sabi ni Tita Daisy sa kaniya nang biglang sumulpot siya sa hapag-kainan.

"Okay!" Tumakbo si Romeo papuntang Reception Hall para isagot ang tumatawag sa kaniya sa telepono. Nang sinagot na niya ang telepono, sila Sean at Ed pala ang tumawag sa kaniya at may sasabihin si Sean na good news.

"Huh? Nakapasok ka sa first choice mo?" Gulat na tanong ni Romeo.

"Akala ko nga hindi ako makakapasa, eh. Buti na lang at naging epektib ang cramming. Wala na ring exams sa wakas..." Masayang sabi niya dahil natapos na rin ang exams na naging torture sa kaniya. Subalit si Ed naman ay hindi siya nakapasa sa exams.

"Well, congrats sa'yo, Sean."

"Salamat. Bukas na pala ang exams mo, noh? Well, kayang-kaya mo iyan!" Kinuha bigla ni Ed ang telepono at kinausap niya si Romeo.

"Romeo!! Sana bagsak ka para may karamay ako!!!!" Sigaw niya sa telepono sabay ang pag-iyak niya.

"Huwag mong sabihin iyan!!!"

⳾*⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*⳾

Pagkatapos ang tawag, pumunta si Romeo sa may balcony para magpahangin at para mapakalma ang sarili. Kinakabahan pa rin siya dahil baka hindi siya makapasa sa kaniyang exam.

Sabi ko na nga ba... Maling decision na subukang makapasok doon.... Ano bang point para sabihin iyon? Oo nga pala... Hindi ko pa natatanong kay Sandy ang tungkol sa diary. Sigh....

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now