Memory #15: The End of Carolyn's Dormitory Part II ~ The Uprising! ~

8 1 0
                                    


"Kalista Mercado. Nice to meet you. At ako na ang bagong manager ng hotel na ito."


Nagulat ang lahat nang ipinakilala niya ang kaniyang sarili, pati ang kaniyang pagbanggit bilang bagong manager ng hotel. Wala naman sinabi sa kanila na may papalit na bilang manager nito.

"ANO?! BAGONG MANAGER?!" Gulat nilang lahat.

"Oo..." Sabi ni Kalista at nilayo niya ang kaniyang nakakamamatay na tingin mula sa kanila.

"Anong mayroon dito?!" Sigaw ni Claudia.

"Anong ibig mong sabihin na hindi na babalik dito si Romeo?!" Gulat na tanong ni Sandy at lumapit siya kay Kalista.

"Namatay ba siya?" Out of nowhere na tanong ni Naomi.

"Ang Carolyn's Hotel ay pagmamay-ari ni Romeo. Paano mo nasabi..."

Ipinamukha agad ni Kalista kay Sandy ang titulo ng hotel, na nakapangalan na sa kaniya ang buong lupa, at ang hotel mismo. Nagulat ang lahat, kahit din si Claudia ay napabasa sa mga nakasulat doon sa titulo.

"Ako na ang bagong may ari ng hotel na ito. Nakasulat dito sa titulo ng lupaing ito na dating pagmamay-ari ni Grandma Carol. At hindi na itong girls' dormitory."

Hindi pa rin makapaniwala si Sandy na napalitan na ang manager ng kanilang dormitory. Lalo na parehas sila ng apelyido ni Romeo. Gusto niyang itanong iyon sa kaniya.

S-Sino ba itong babae? Mercado ang apelyido niya... So kamag-anak ba siya ni Romeo?

"Kung hindi na ito ang dormitory, ano na ito?!" Galit na tanong ni Claudia, nang napigilan niya si Sandy sa pagtatatanong.

"Ito na ang..."

Rumbling... Rumbling...

Naramdaman nilang lahat na yumayanig ang buong hotel, na parang may paparating na malaki. Biglang nagsipasukan ang mga malalaking buldozer sa lugar ng hotsprings, at nasira ang buong pader na humaharang doon. May mga dumadaan din na mga truck, na may dalang semento at bato.

"A-Anong ginagawa ng mga buldozers dito?! Gusto mong ipa-demolish itong hotel? Oo, maraming sira at luma na ito pero hindi iyon ang dahilan para..." Gulat na tanong ni Claudia, at pati silang lahat ay nagulat din.

"Pasensiya na po, madam at na-late po kami! Puwede na ba kaming mag-umpisa para matapos na namin?" Tanong ng isang construction worker na nagpapaandar ng buldozer.

"Sige. Gawin ninyo kung ano ang makakaya." Sabi ni Kalista at umalis na siya sa lugar na iyon.

Nakita nila Claudia at Vanessa ang mga construction workers na sinisira ang mga kahoy ng gusali. Pinipigilan nila ito pero hindi sila pinapakinggan. Tumingin lahat sila kay Sandy dahil siya ang tinuturing nilang Assistant Manager ng hotel.

"Ano nang gagawin natin, Sandy?!" Tanong sa kaniya ni Claudia.

"Ate Sandy!!!" Sabi ni Vanessa na parang paiyak na siya.

"Uhh..." Hindi rin alam ni Sandy ang gagawin niya dahil wala naman siyang karapatan na pigilan si Kalista.

Dumaan si Daisy at hindi niya alam kung anong nangyayari. Lalo na't may mga buldozers at trucks na nakapaligid sa kanila.

"Anong mayroon dito?" Tanong ni Daisy sa kanilang lahat.

"Tita Daisy! Mayroon isang babae na sinabi niya na siya raw ang bagong manager ng hotel!" Sabi ni Vanessa at malungkot pa rin siya.

"Huh? Anong sinasabi mo?" Biglang dumilim ang mga mata ni Daisy nang maisip niya ang taong iyon. Isang tao lang ang kilala niya na gagawin ang lahat ng ito.

Love Under Carolyn's DormitoryΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα