Final Memory: EpiLast ~ Everything Starts Here! ~

15 1 0
                                    

Year 2015 – 8 years after the wedding!!

*Kring!! Kring!!*

Narinig si Romeo na may tumatawag sa kaniyang telepono, at sumisira ito sa kaniyang mahimbing na tulog. Malakas ito na parang isang wang-wang na sumisigaw. Sumakit ang kaniyang tenga kaya tinakpan niya ang kaniyang ulo, ng malaking unan.

"Mmmm..."

Ayaw niyang magising dahil pakiramdam niya ay inaantok pa rin siya. Palakas ito nang palakas sa kaniyang tenga.

"Darling... Patayin mo iyang smartphone mo..." Sabi ni Sandy at kinalabit niya ang braso ni Romeo. Nasisira rin ang mahimbing niyang tulog dahil sa lakas ng tunog nito.

"Mmmm..."

Pagkatapos ng ilang segundo ay tumigil na ito sa pagri-ring. Bumalik ang kanilang peaceful na pagtulog. Mahimbing silang natutulog sa malaking kama, at yakap nila ang malalambot na unan.

"Mama!! Papa!!" Sigaw ng isang batang babae at binuksan niya ang mga kurtina. Nasilawan silang dalawa dahil nakatutok sa kanila ang araw. Tinago nila ang kanilang sarili sa isang malambot na kumot.

*Kring!!!!!! Kring!!!!!*

Tumunog ulit ang smartphone ni Romeo, at bigla na lang siya nairita. Nang maabot niya ang smartphone, bigla na lang tumalon ang batang babae sa kanilang dalawa.

"Ugghhh!!!!"

Sumakit bigla ang katawan nila Romeo at Sandy, nang napansin nila na may dumagan sa kanilang dalawa.

"Mama!! Papa!! Gising na!! Male-late na tayo!!" Sigaw ng batang babae na may pagkainis sa kaniyang mukha.

"Waaaah!! Rosemary!!" Sigaw ni Sandy at nabuhay na ang kaniyang diwa. Napansin ni Sandy na tumutunog pa rin ang smartphone ni Romeo. "Honey... Silipin mo nga kung sinong tumatawag." Sabi niya at kinusot niya ang kaniyang mata.

"Eh? Tumatawag si Claudia." Sabi niya at sinagot niya ang tawag. "Hello---"

["Romeo! Nasaan na kayo?!!"] Biglaang tanong ni Claudia na parang sinisigawan na siya. Nainis si Romeo dahil ang boses ni Claudia ang unang maririnig niya sa umaga.

"Nasa bahay... Bakit ka ba tumatawag sa akin...?" Tanong ni Romeo at humikab pa siya nang malakas. Pakiramdam niya ay pagod pa rin siya dahil sa trabaho.

["Huh?! Hindi mo ba natanggap ang mga messages at calls ko?!"]

Tinignan ni Romeo ang kaniyang smartphone at bumilog ang kaniyang mata. Pati rin Sandy ay nagulat sa nakita niya.

"37 missed calls at 30 unread messages?!" Sabay pa silang dalawa sa pagsigaw. Natawa nang kaunti si Rosemary dahil nagmumukha silang ewan.

["Sabay pa kayong mag-asawa! Dalian ninyo dahil aalis na ang eroplano natin!"]

"Ano bang mayroon ngayon at galit na naman at tambucho mo, Claudia?" Tanong ni Sandy nang narinig niya rin ang tawag sa smartphone ni Romeo.

["Ate Sandy? Ikaw po ba iyan?"] Tanong ni Vanessa na mukhang kinuha niya ang smartphone mula sa kamay ni Claudia. ["Ate Sandy, Kuya Romeo, nakalimutan ninyo po ba na pupunta tayo ng Maldives?"]

"Anong Maldives? Anong gagawin natin doon?" Tanong ni Romeo na wala siyang ideya sa sinasabi nilang dalawa.

["Nakalimutan ninyo na bang mag-asawa?! Magkakaroon tayo ng Carolyn's Dormitory Beach Party sa Maldives!!"] Sigaw ni Claudia mula sa smartphone, na masayang-masaya pa ang kaniyang boses.

Inisip nilang dalawa kung may naiplano ba silang Beach Party sa Maldives. Pagkatapos ng ilang segundo, bigla nilang naalala na mayroon pala silang ganoon! Tinignan nilang dalawa ang oras, at 8:25 AM na!

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now