Memory #12 ~ The Time for the Truth! ~

4 1 0
                                    


Morning...

"Phew! Sa wakas at naayos ko na rin ang bubong! Susunod naman ang boiler!" Sabi ni Romeo at pawis na pawis siya sa kakaayos ng mga sira sa hotel.

Napansin ni Romeo na bumalik na ulit sa dati ang lahat. May training si Brianna sa pond, nagliligpit ng damit si Vanessa, at yung iba naman ay may ginagawa sa loob ng hotel. Pero hindi alam ni Romeo kung sasabihin na ba niya sa kanilang lahat ang tungkol sa plano niyang pag-alis.

Nang matapos niyang ayusin ang boiler, ay napadaan siya kay Vanessa.

"Romeo! Nakakuha ako ng mataas na grades sa exams namin!" Masayang sabi ni Vanessa at ipinakita niya ang kaniyang test paper sa kaniya. Nakakuha siya ng 98.

"Wow! Ang galing mo naman!" Bati sa kaniya ni Romeo.

"Hindi naman po kung hindi dahil sa inyo. Kaya maraming salamat!!"

"Umm... May sasabihin sana ako sa'yo, Vanessa..."

"Ano iyon?" Kuminang ang mga mata ni Vanessa pero hindi kaya ni Romeo sabihin sa kaniya ang tungkol doon. Alam niyang made-depress siya.

Alam ko na!!

"Dalawang taon na akong manager dito sa hotel. Dahil sa sinuportahan ninyo ako, mayroon akong exclusive request certificate para sa inyo. Kung pag-aayos man iyan ng sirang gamit o ano pa, isulat na lang dito." Sabi ni Romeo at nilabas niya ang certificate kay Vanessa.

Biglang kuminang ang mga mata ni Vanessa at naging wild ang isipan niya.

Bibigyan niya akong ng request certificate?! Reward ba ito dahil nakakuha ako ng mataas na grades sa exam?! Pwede ko bang ilagay dito na mag-date kami?! Wha!! Bakit mo ba iniisip iyon, Vanessa?!

"Wow! Anong ibibigay ni Romeo sa'yo?" Biglang sumabat sila Naomi at Sarah sa usapan nila.

"A-Akin na iyan!!" Kinuha agad ni Vanessa ang certificate mula sa kaniya at bigla siyang tumakbo palayo.

"Er..."

"Naomi, Sarah, huwag kayong mag-alala dahil mayroon din ako para sa inyong dalawa."

Naisip ni Romeo na magandang idea iyon para hindi sila magalit sa kaniya. Dumaan siya sa ibang tenants at tinanggap nila ang mga request certificates niya. Naging wild din ang isipan ni Brianna dahil hindi niya alam bakit gusto niyang ilagay doon na mag-date sila. Si Claudia naman ay lasing na lasing na naman sa lounge at nakaupo siya sa binti ni Romeo. Nang dumaan si Sandy galing trabaho, hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanilang dalawa.

"Anong mayroon sa'yo at may paka-request certificate ka pa? Susukuan mo na ba si Sandy? Sige, payag ako na maging jowa mo <3" Sabi ni Claudia at hinawakan niya ang labi ni Romeo. Mukhang nilalandi na naman niya si Romeo sa harapan ni Sandy.

"Ano?! Anong sinasabi mo, Claudia?!" Galit na tanong ni Sandy sa kaniya.

"Sandy... Hindi moa lam pero mayroong request certificate si Romeo... Ang ni-request ko sa kaniya ay bilhan niya ako ng mamahaling wine <3" Lasing sabi ni Claudia at ipinakita niya sa kaniya ang mga wine na binili ni Romeo.

"Kung alam ko lang na iyon ang ire-request mo, dapat yung hindi kinakailangan ng pera! Pero Sandy, mayroon din ako para sa'yo." Sabi ni Romeo at ibinigay niya ang certificate kay Sandy.

Hindi niya alam kung anong mayroon at nagbibigay si Romeo ng certificate kaya nagtanong siya kay Brianna.

"Bri, anong nangyayari at nagbibigay siya ng ganoon?"

"Ate, kanina inayos niya ang rooftop, pati ung boiler. Ang sipag niya ngayong araw. Ngayon nagbibigay siya ng certificates. Mukhang ginagawa na niya ang kaniyang trabaho bilang manager." Masayang sabi ni Brianna at tumawa pa siya.

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now