Day 3 - Cheeky, White, Claudia!

86 22 84
                                    

Ako ulit si Romeo Mercado. Pumunta ako sa Dhalia City dahil tinignan ko kung nakapasa ba ako sa entrance exam ng Dhalia U pero hindi pala. Pangalawang beses na akong nakakuha na mababang grade at hindi qualified bilang student sa Dhalia U.

Pumunta ako sa hotel ng aking lola, at nagkaroon ng maraming masamang situations. Binugbog ako ng mga tenants na puro babae, dahil sa accusation nila sa akin na ako ay isang manyak. Ang hotel na pagmamay-ari ng aking lola ay naging isang girl's dormitory na.

Sabi raw ng mga nakakatanda na ang pagsisinungaling ay isang malaking kasalanan na ikasisisi nang malaki. Crap, nagsinungaling ako sa kanila, lalo na kay Tita Daisy na student ako ng Dhalia U. Laking gulat ng mga tenants nang malaman nila nito. Hindi ko masabi sa kanila na bumagsak ako sa entrance exam dahil kapag nalaman nila iyon, wala na akong mapupuntahan at magtatanim talaga sila ng loob sa akin.

Law ang gusto kong course na ikukuha ko at mas lalong nagulat sila, lalo na ang best friend ni Gorilla. 70% ang passing grade sa Dhalia U pero halos 37% lang ang nakuha ko. Dahil sa kasinungalian kong iyon, ay walang choice si Gorilla na pumayag siya mag-stay ako rito.

"Welcome to the Carolyn's Dormitory!!"

"Maligayang bati rin sa inyong lahat."

Hindi ko maisip kung ano magiging reaksyon nila kapag nalaman nila na kuro-kuro lang ang mga sinabi ko.

⳾*⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*⳾

Phew. Naging komplikado na lahat ng bagay. Naka-stay in ako sa kwarto ni lola dahil ito ang binigay sa akin ni Tita Daisy. Tanghaling-tapat at nakahiga ako dahil pagod sa mga nangyare nung mga nakaraang araw.

Pumunta ako sa may balcony at nakita ako ng napakagandang view. Mga bahay na halos magkakadikit, at isang beach na nakakasilaw sa mata.

"Ang breathtaking naman ng view na ito. Grabe talaga ang influences ng Dhalia U sa ibang tao. Ang tagal na nung huling kumausap ako sa mga babae. Ever since, hindi ko na nakita ang first love ko pagkatapos ng 15 years. Ano kaya ang nangyari sa kaniya?"

"Tungkol saan yung kinakausap mo Tungkol ba sa first love mo?" Bigla akong napalingon na makita ko si Claudia na bumulong sa aking tenga. N-Narinig ba niya ang sinabi ko?!

"A-Ano ba, Claudia!?" Napaiwas ako sa kanya dahil sa sobrang gulat. Mahilig talaga siyang mang-gulat ng tao.

"Uy! Naalala mo ang pangalan ko! Ang buong pangalan ko ay Claudia Dela Cruz. Pwede mo akong tawaging Claudy kung gusto mo." Ngiting sabi niya sa akin habang nakaturo sa mga mata ko ang daliri niya. Shorthaired, maganda, at mahilig mang-asar. Nakasuot siya ng sando na kulay itim, at jogger shorts na kulay Beige. Minsan tomboyish ang galawan niya pagdating sa akin. Almost magkasing edad lang kami ni Claudy.

"Uhh.. N-Nice to meet you. Ako nga pala si Romeo Mercado." Nerbiyos na pakilala ko sa kanya.

Bigla siyang lumapit sa akin at kumabog nang sobra ang puso ko. Gusto ko na sana sabihin sa kanya yung totoo. "Uhhhh, tungkol sa pagiging student sa Dhalia U, ang totoo niyan ay...."

"Oh, alam ko na ang tungkol don."

Ano? Alam niya na hindi totoo lahat ng sinabi ko?

"Ang pagiging isang Dhalia U student ay normal lang sa mga lalaki na manilip, magnakaw ng mga underwear, at gumawa ng kalokohan. Bastos." Bulong niya sa akin na may pang-aasar.

"H-Hindi totoo iyon!!!" sigaw ko sa kaniya.

"Isipin mo nga. Ang suplada niya talaga noh?" Napatanong siya bigla habang tinititigan namin ang magandang view sa labas ng balcony area.

"Huh? Sino yung sinasabi mo?"

"Sandra Alvarez. Yung babae na nasilipan mo sa may hotspings noong isang araw. Siya rin yung babae na gustong sipain ka palabas ng dorm."

Sandra Alvarez. Sandy ang tawag ni Claudy sa kaniya. Maganda, mahabang buhok, cute, pero ang kaibahan lang, hindi siya babae. Isa siyang gorilla. Makasapak kase siya sobrang wagas at may pwersa pa.

"Yung babae na may mahabang buhok?"

"Oo, siya." Tumingin na naman siya sa akin nang seryoso. "Ikaw, Romeo... gusto mo sa babae na mahaba yung buhok, ha?" Ngiting sabi niya at tinitigan niya ako nang may pagkamalambing.

"Hindi! Hindi sa ganon!" Napasigaw ako sa sobrang hiya. Tumawa siya nang mahinhin na may naaamoy ako na may madilim siyang binabalak sa akin.

"Romeo, may girlfriend ka na ba?"

"Huh? Wala!" Laking gulat ko sa tanong niya.

"Tamang-tama. Alam mo ba? Pangarap ko talaga na magkaroon ng boyfriend na nag-aaral sa Dhalia U?"

Yieekk!!! Ano ba ng pinag-sasabi niya?! Nagiging pabebe na ang ugali na pinapakita niya sa akin. Hinawakan pa niya ang akin kamay!

"Hays, nagawa ko na naman... Hindi ko pa nga nalalaman kung ano ang nararamdaman mo pero sinasabi ko na ito sayo." Malambing na pagkakasabi niya habang ako ay ninenerbiyos sa mga pinagsasabi niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at nakatitig sa akin ang mga magagandang mata niya. Pawis na pawis sa dahil sa mga nangyayari.

"Ano ang naiisip mo sa akin?" Tanong niyang malambing.

"U-Um... Uh... Ano bang sinasabi mo?"

"Hindi sapat ang mga salita. Pero pakiramdam mo na tumitibok nang malakas ang puso ko sayo..."

Wah!! Nilagay niya ang kamay ko sa kanang dibdib niya!!

"Hoy!! Anong ginagawa ninyong dalawa?!" Binuksan ni Sandra ang pinto na may pwersa, at nakita niya na nakahawak ang kamay ko sa dibdib ni Claudy. Kasama niya ang isang babae na may hawak na espada at isang foreigner na high schooler.

Yarii!!! Patay ako dito!!! Sinumpa ko sa sarili ko na hindi na ulit mangyayari yung ganitong sitwasyon pero ganon pa rin!!!

"Hindi ka na ba natuto?!" Galit na tanong sa akin ni Sandra at gustong-gusto niya akong sakalin.

"Mali iniisip mo!! Claudy! Sabihin mo sa kanila na hindi totoo yung iniisip niya!"

"Sandy, sabi niya kanina kung pwede ba raw niyang hawakan yung kaliwa habang hinahawakan niya yung kanan..." iyak na pakunwari na sabi niya para maniwala sila. Pinapamuka niya sa kanila na sinesexual harassment ko siya. Naisahan niya ako doon!!!

"Ano?!"

"Sandra, pwede ko na ba siyang patayin?" Bulong ng isang babae habang nakapalupot sa leeg ko ang wooden sword niya.

"P-Pasensya na talaga..." Hindi ko na kayang bukahin ang bunganga ko dahil sa sobrang takot na baka pugutin niya ang ulo ko.

"Claudy, umalis na tayo rito. Wala tayong mapapala sa lalakeng iyan!" supladang sabi ni Sandra kay Claudy habang palabas na sila ng pinto ng kwarto. Tinitigan niya ako nang masama na parang seryosong galit na siya talaga. 

"Bastos ka talagang lalake ka. Hindi ko alam kung bakit ka pa nabuhay sa mundong ito." Sinarado niya ang pinto palabas nang malakas dahil sa sobrang galit niya sa akin.

Ano bang ginawa kong masama para mangyari sa akin ito? Grabe! kailangan ko talagang i-deal ang mga ganitong sitwasyon. Matuto talaga mag-adjust para sa iba, sabi nila.

Love Under Carolyn's Dormitoryحيث تعيش القصص. اكتشف الآن