Memory #20: The End of Carolyn's Dormitory Part VII ~ Be For You, Be For Me! ~

13 1 0
                                    


A while ago...

Pumunta si Sandy sa cafe para kausapin si Daisy, tungkol sa Forbidden Annex. Habang umiinom si Sandy ng mainit na kape, binagsak ni Daisy sa harapan niya, ang mga lumang record books.

"Ano po iyan, Tita?" Tanong ni Sandy at nagulat siya nang kaunti dahil ang daming record books.

"Ito ang mga guest registries na galing sa annex. Bakit naging interesado ka rito?"

"Hindi ko alam. Anong klaseng lugar po ba iyon?"

"I supposed matatawag mo siyang 'magical hot spot'."

"Huh?!!!"

Hindi inakala ni Sandy na isang hot spot ang annex, dahil hindi naman siya naniniwala roon. Paano naging magical hot spot ang annex na matagal nang nakatambak sa gitna ng gubat.

"From time immemorial, libo-libong mga couples na nagkaroon ng masayang relasyon, dahil sa kapangyarihan ng annex. Kahit na dalawang lalaki ang nag-stay sa loob, nagkakaroon din ng epekto. Natakot ang mga tao na baka gamitin iyon para sa political motivated marriages. Kaya noong dalawang henerasyon, sinara iyon hanggang sa hindi na magamit." Wika ni Daisy at uminom siya ng tsaa.

"P-Pero isang alamat lang po iyon, hindi ba?"

"Hindi ako sigurado. Well, ang susi sa annex ay nakatabi rito kaya walang makakapasok doon. Kaya huwag~~"

Nagulat si Daisy dahil hindi wala sa kaniyang cabinet ang susi ng annex. Matagal na niyang binabantayan iyon pero ngayon lang ito nawala. Nang malaman ni Sandy ang tungkol sa Forbidden Annex, na-realize niya ang rason kung bakit gusto ni Romeo na makipagkita sa kaniya roon sa annex. Agad siyang tumakbo papunta roon, ngunit mukhang naunahan siya ni Kali.

჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ

Hindi alam ni Sandy kung nasaan siya. Pero ang alam niya ay naglalakad siya, at hawak ang kaniyang kamay ng isang batang babae. Nasa isang madilim na lugar sila, at may mga dilaw na ilaw sa bawat korte ng kisame.

"Anong lugar ito? Nasaan tayo?"

Habang masayang hinahatid ng babaeng iyon, unti-unting bumabalik sa pagiging bata si Sandy, noong 15 years ago. May mga clock gears na nasa paligid nila, na ito ay ang pinakataas na lugar sa annex. Nakita nila si Romeo, na isinuot ang singsing sa daliri ni Kali. Masaya silang dalawa, at noong hahalikan ni Romeo si Kali, hindi kinaya ni Sandy iyon kaya balak niyang pigilan.

"Hindi!!" Tumakbo si Sandy papunta sa kanilang dalawa, ngunit sila'y nawala.

Nadapa si Sandy at siya'y nagsimulang umiyak. Iyak siya nang iyak na parang pinapatay siya. Ngumiti sa kaniya ang batang babae, na nasa harapan niya.

"Huwag kang mag-alala, Sandy. Nandito lang ang singsing..."

"............................"

"Hindi ko alam kung bakit ko napaginipan iyon..."

Nang gumising si Sandy mula sa panaginip na iyon, bigla siyang nagtaka dahil may something na nawawala sa kaniya. Agad niyang tinignan ang kaniyang damit, ang kama, kahit siya'y naghubad ng damit.

"Nawawala!!!"

"Good morning, Sandy!" Bati sa kaniya ni Romeo, nang lumusot siya sa butas ng kaniyang kuwarto.

"R-Romeo...!!" Kabadong sabi niya at tinakpan niya ng kumot ang katawan niya.

"Yung tungkol sa kagabi, mayroon kasi akong singsing. Yung binigay ko sa'yo kagabi?"

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now