Diary Entry #12 ~ The Two Destined For Each Other! ~

7 1 0
                                    

Madalas na napapadalaw si Gwen sa Carolyn's Hotel mula noong unang punta niya roon. Ilang beses na rin siyang nakakapunta roon dahil sa kaniyang mga bagong kaibigan. Ngunit, hindi maiwasan ni Sandy na mainis kapag magkasama silang dalawa ni Romeo.

Magkatabi sila Romeo at Gwen sa lamesa habang kumakain sila ng tanghalian. Si Sandy naman ay lagging nakatitig sa kaniya na parang gusto niyang sakalin si Romeo. Hindi pa rin niyang makalimutan na ang tipong lalake ni Gwen ay parang si Romeo.

"Grrr..." Inis na tingin ni Sandy habang nakikita niya na nakangiti silang dalawa na parang mag-jowa.

Napapansin din ni Claudia na laging nasa bad mood si Sandy kapag nakikita silang dalawang magkasama. Mukhang interesado siya sa mga nangyayare sa pagitan nilang tatlo.

"Mukhang bad mood ka ngayon, ha?" Napasabi ni Claudia sa kaniya na parang asar habang umiinom ng tubig.

"Ganon?" Mataray niyang sabi pero naiisip na ni Claudia na nagseselos talaga siya.

"Guys, tulungan ko na kayong magligpit ng mga plato." Sabi ni Gwen nang tumayo siya at isa-isa niyang nililigpit ang mga plato.

"Tulungan na kita." Sabi rin ni Romeo at tinulungan niya si Gwen na magligpit.

"Tutulong din ako!" Napasabi rin ni Sandy nang siya'y tumayo.

"Huwag na. Kami na bahala rito atsaka may mga gagawin ka pa, 'di ba?" Bigla niyang pigil na sabi dahil trabaho naman niya iyon bilang manager.

Hindi na kumibo si Sandy at kinalimutan na lang niya ang pag-liligpit. Ever since na dumalaw si Gwen sa kanila ay hindi na niyang nakakausap si Romeo at hindi na niya alam kung ano ang iniisip niya.

Baka may gusto si Gwen sa kaniya. Maganda naman siya pero... feeling ko na hindi ko kaya na iwan sila nag anon lang...

"W-Wala akong nararamdaman sa lalakeng iyon...!" Napasigaw niya nang biglaan at nang narinig nilang tatlo. Hindi niya napigilang mag-isip nang ganon at bigla na lang namula ang mukha niya.

"Anong sinasabi mo?" Nabigla rin si Claudia sa kaniya at siya'y ngumisi. Mukhang alam na niya kung anong nangyayare.

Naalala ko na sinabi niya sa akin na magiging mas ayos kapag kasama niya akong makapasok sa university. Pero noong dumating dito si Gwen ay parang bumalik na naman siya sa pagiging weirdo. Kahit na mukhang adult at mas maganda siya kaysa sa akin...

‧̍̊·̊‧̥°̩̥˚̩̩̥͙°̩̥‧̥·̊‧̍̊ ♡ °̩̥˚̩̩̥͙°̩̥ ·͙*̩̩͙˚̩̥̩̥*̩̩̥͙·̩̩̥͙*̩̩̥͙˚̩̥̩̥*̩̩͙‧͙ °̩̥˚̩̩̥͙°̩̥ ♡ ‧̍̊·̊‧̥°̩̥˚̩̩̥͙°̩̥‧̥·̊‧̍̊


Habang naglalakad siya sa hallway ay nakasalubong niya si Romeo. Pero sa tuwing nakikita niya ang lalake, ay bigla na lang umiinit ang kaniyang dugo. Si Romeo naman ay hindi niya alam kung bakit galit na naman siya sa kaniya.

"Sandy, pwede ba tayong mag-usap?" Tanong niya.

"Ayoko!" Sungit niyang sabi at siya'y nag-walk out.

"Meron lang akong sasabihin sayo!" Sabi niya habang sinusundan niya ang babae.

"Sabi ngang ayok~~!"

Bigla na lang siya natapilok dahil hindi niya napansin ang dinadaanan niya.

"Ow....."

Yumuko si Romeo sa kaniya at kinuha niya ang kaniyang kamay para tulungan siyang makatayo.

"Hay... Kailangan mong tumingin sa dinadaanan mo, ha?" Abiso niya at dahan-dahan niyang binitawan ang kaniyang kamay.

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now