Day 1 - Welcome to Carolyn's Hotel!

230 36 213
                                    

Year 1983

Sa taong 1983, ang tagsibol ay nagdulot ng kasiyahan at kulay sa paligid. Ang malambot na hangin ay nagdadala ng sariwang amoy ng mga bulaklak at pag-asa sa bawat paghakbang. Mayroong isang maliit na babae at isang maliit na batang lalaki na masayang nagtatakbuhan sa hagdanan patungo sa parke.

"Halika na, Romeo!" masiglang sabi ng maliit na babae sa kanyang kasamahan. Walang takot nitong hinaharap ang mundong puno ng kagandahan. Tugon naman ni Romeo, "Hintayin mo ako!" puno ng pag-asa at determinasyon sa kanyang mga mata.

Nang makarating sila sa parke, sa silong ng malalaki at makukulay na puno, naroon ang isang magandang parke na puno ng buhanginan. Isang simpleng palaruan kung saan naglalaro ang dalawang bata. Punong-puno ng kasiyahan sa kanilang mga mata habang nagtutulungan sa pagbuo ng mga kastilyo at laruan sa malambot na buhanginan. Dama ang kasiyahan at tuwa sa bawat pagkakataong magkasama. Nagtawanan at nagkulitan habang tinatapos ang mga obra nilang kastilyo at laruan.

At pagkatapos ng masayang laro, sa ilalim ng maaliwalas na araw, may isang importanteng bagay na gustong ipabatid ang maliit na babae kay Romeo."Alam mo ba... kapag ang dalawang taong nagmamahalan ay sabay na pumasok sa Dhalia University... magiging maligaya sila magpakailanman?"

Nagulat si Romeo at sinabi, "Ano ang ibig mong sabihin?" Tumingin nang masusing si batang babae kay Romeo at sinabi, "Ipangako mo sa akin, Romeo. Ipangako mo sa akin na balang araw pagtanda natin, pumunta tayo sa Dhalia University ng sabay." Ngumiti ang batang babae at hinalikan niiya sa pisngi si Romeo.

Ngunit biglang nagtapos ang kanilang kaligayahan nang magdesisyon ang pamilya ng batang babae na lumipat sa ibang lugar. Noong araw na ang pamilya ng batang babae ay aalis na, tumakbo si Romeo nang mabilis hangga't kaya niya at nakita niya ang batang babae sa loob ng sasakyan. Naiiyak ang batang babae at sinabi, "Paalam, Romeo. Pagtanda natin, kailangan tayong magkita ulit! Pangako mo sa akin, ha?"

Binati ni Romeo ng paalam ang batang babae at biglang natisod sa isang bato. Habang unti-unting nawawala sa harap niya ang sasakyan, may pag-asa sa boses ni Romeo, "Gagawin ko! Tutuparin ko ang pangako ko sa iyo!"

Naisulat ang kanilang unang tagpo, ang simula ng kanilang pag-iibigan at pangakong magkasama sa hinaharap, sa Dhalia University.

⳾*⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*⳾

After 15 years...

Nakatayo ako sa harap ng billboard ng Dhalia University. Napagtanto ko na hindi ako pumasa sa entrance exam ng paaralan. Sa isang katawa-tawang pagkakataon, napaluha ako habang hawak-hawak ang isang papel kung saan nakasulat ang aking application number.

"Hindi na naman ulit ako nakapasa?!" sigaw ko sa harap ng school billboard ng Dhalia U na hindi ko makita ang pangalan ko sa listahan.

Ako si Romeo Mercado at ako ay 19 years old. Nang dahil sa pangakong iyon, dalawang beses na akong hindi makapasa sa entrance exams. Dahil sa mga nangyari, pinalayas ako ng parents ko kaya ako ngayon ay nagliliwaliw sa lungsod ng Dhalia.

Nakita ko ang mga tao na aking nadadatnan sa tuwing ako'y naglalakad. Mga kotse na dumadaan sa kaliwa't kanan ng daanan. Punong-puno ng mga puno ng cherry blossoms ang pumapalibot sa bawat daanan at ang mga tanulot nito ay sumisibol. Matagal na panahon na akong hindi nakapunta dito kaya hindi ko masabi kung may mga nagbago sa lugar na ito.

May nakapagsabi sa akin na dito nakatayo ang hotel ni Grandma Carol. Ang pangalan ng aking lola ay Carolyn Mercado. Sobrang init ng lugar na ito na halos pinagpapawisan na ang aking mukha. Pinunasan ko pa ang aking salamin dahil natutuluan din ito ng pawis.

Pagkatapos ng mahabang paglalakad at paghahanap, sa wakas at nakarating na ako sa pinakamalaking hotel sa lungsod ng Dhalia. Ang hotel na pagmamay-ari ng aking Grandma. Ang Carolyn's Hotel.

"Hmm..."

Parang ito isang lumang castle na napapaligiran ng maraming magagandang Cherry Blossoms. Halos may limang palapag itong hotel. Para lang akong langgam kapag tumuntong ako sa pinakatuktok nito.

Pagkapasok ko sa loob, nagtataka ako parang walang tao sa loob. Ganito na ba nangyare sa hotel ni lola? 

"Lola, nandito na po ang apo ninyo na si Romeo. May nangyari lang po sa bahay kaya pwede po bang makitira muna ako dito habang naghahanda para sa exams?" 

Walang tao. May nakita akong limang tsinelas na nakapatong sa shelf. Akala ko ay magiging maingay itong hotel dahil may mga nagsabi sa akin na maraming pumupunta rito.

Bakit parang wala yung bellboy at si lola dito? Well... pumunta na lang ako sa kwarto ni lola para hintayin siya.

"Hello, may tao ba dito?" sigaw ko pero ang tahimik pa rin ng buong lugar. Ang laki naman ng kwarto ni lola parang ang sosyal! Naka-aircon, maganda ang ceiling, wood yung flooring, ang laki ng kama at TV! Hayss... Kung nandito lang talaga ako nakatira...

Binaba ko muna ang aking bag sa gilid ng lamesa, at umupo muna ako sa sahig. Malapit nang bumigay ang aking mga paa, dahil sa kakalakad ko nang matagal kanina.

Jeez, hindi ko alam kung bakit iniisip ng mga magulang ko na bobo ako. Wala talaga silang tiwala sa akin. Kahit na sinabihan ako na kapag nagunaw na ang mundo, hindi pa rin ako makakapasok ng Dhalia U. Bah!

Totoo naman na ang average ko lang ay 48. Hindi naman ako magaling sa English. Ganoon din naman ang Math, Literature, History, at Biology.

Sa madaling salita, hindi talaga akong magaling!! 

Sa bagay, wala naman kase akong magandang talent. Hindi rin ako magaling sa sports, kaya siguro walang nagkakagusto sa akin. From kindergarden to senior high, lahat ng mga babae lagi ako pinagtatawanan kaya yung photobook ko, puno yung laman ng puro pictures ko.

Arggghhhh!!!! Kailangan kong makapasok sa Dhalia U para magkaroon ng girlfriend. Wait, ano na pala nangyare doon sa babae dati? Sa loob ng 19 years ng buhay ko, siya lang ang kumausap sa akin. Nagmuni-muni muna ako sa loob ng hotel dahil wala ata si lola. Huh? Wow! Meron ditong hotspring?!

Pumasok ako sa loob at sinubukan kong maligo sa hotspringa. Ganda naman nito, hindi ko alam na may ganito si lola sa hotel niya. Well, may hope naman din pala kaya gagalingan ko na mag-aral dito!

*sfx*

May narinig ako na may nagbukas ng pinto. May tao pala dito? Sino kaya siya? 

Wait...

Nako!!!! Isang babae!!!!!

"Ang sarap talaga rito sa hotsprings!" Sabi ng isang magandang babae habang nakangiti siya sa sobrang tuwa nang nagbanlaw siya sa hotsprings at naging katabi ko pa!!! Sino siya??!!!!

H-Hindi niya ako napansin?! Nakapikit ang kaniyang mga mata, at masyado ring mausok ang buong lugar. Umupo siya sa tabi ko at nilagay niya ang kaniyang tuwalya sa gilid.

"Ang sarap talaga maligo kapag tanghali! Nakakawala ng stress!!" Pahabol na sabi niya habang inuunat ang kaniyang mga braso. Hindi ako makatingin sa kaniya dahil sa sobrang kaba ko!! Siguro hindi pa naman niya napapansin na nandito ako kase nakapikit siya nung pumasok siya dito.

S-Sino siya?!!

"Tingin mo ba na parang lumalaki na ang dibdib ko? Tignan mo, oh..."

Wow! Ang laki nga! Teka... Delikado ako!!! Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko, dahil 'pag nalaman na hindi babae ang kasama niya dito, patay ako!!!

"Pero hindi ko rin makompara yung sa iyo," Bigla niya akong kiniliti ang nahawakan niya ang kaisang-isang bagay na hindi dapat hawakan ng kahit sinuman. 

"Huh? Ano to bakit parang lalong tumitigas?" bigla niyang natanong.

Kinuha niya ang kaniyang salamin at sinuot niya ito. Tumitig siya sa akin nang mabuti, at ito na nga ang araw kung kailan ako mamamatay. Goodbye, paradise... Hinding-hindi kitang malilimutan.

"Eh miss, kaya kong mag-explain..."

"Waahh!! Tulong!!!"

Sa loob ng 19 na taon ng aking buhay, maraming nangyari sa akin ngayong araw. Hindi nakapasa sa entrance exam, nakarating sa isang malaking hotel, at nakasalubong ng isang magandang babae. Ngayon ay hinahabol niya ako na may hawak na dos por dos sa kaniyang kamay.

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now