Diary Entry #14 ~ A Lost Lamb of the Holy Night! ~

3 1 0
                                    

"Kayong dalawa ang itinadhana dahil kayo ang gumawa ng pangakong iyon..."

"S-S-Sandy?!!!"

"Masaya ako para sayo, Romeo. Yung nakita mo na ang babae na laging nasa memory mo at yung babaeng iyon ay gusto rin makapasok sa university..."

"T-Teka! Anong ibig mong sabihin?"

Bigla na lang pumasok sa kaniyang isipan ang pangakong iyon at nang makita niya na may luhang tumutulo mula sa kaniyang mata. Kahit may mga luha ay nakangiti pa rin si Sandy sa kaniya.

"Paalam!!" Sabi niya at siya'y tumakbo palayo sa kaniya.

"Sandy!!!!!!!"

Bakit ka umiiyak? Anong ibig mong sabihin? Mali ang iniisip mo...

"Romeo, tignan mo ito. Naiwan ni Sandy ito noong tumakbo siya..." Sabi ni Gwen at ipinakita sa kaniya ang litratong hawak niya.

Nagulat siya nang bigla niyang nakita ang picture niya noong bata siya noong nasa siya'y nasa hotel.

"Ako ito! Ito yung time noong pumunta ako sa hotel noong bata palang ako..!"

At itong sandpit na nasa picture ay itong lugar na ito. At itong batang babae na may-ari sa manika. Parehas na parehas ang nagiging panaginip ko sa picture na ito.

"Gusto atang pag-usapan ni Sandy ang tungkol sa picture na ito!! Aaaa!!!!! Pero nakapunta ka na bito noong bata ka?"

"Hmm... Hindi ko alam pero naalala ko na ito ang suot ko na damit dati at meron din akong manika na katulad nito..."

"Pero wala namang ebidensiya na sayo talaga iyang manika..."

Bigla na lang nakita ni Romeo ang manika sa sandpit at itinignan nila ang ilalim nito. Nagulat siya na may nakasulat na pangalan ni Gwen sa ilalim ng manika.

"B-Bakit may pangalan diyan?!!" Gulat niyang tanong.

Teka... Kung ang batang iyon ay may manika na kaprehas nito at ang may-ari iyon ay si Gwen, isa lang ang ibig sabihin ng iyon... Si Gwen nga ang babae na nasa memory ko!!!

Hindi alam ni Romeo ang kaniyang gagawin dahil naguguluhan pa rin siya sa nangyayare. Kung ano-ano na lang mga bagay ang tumatakbo sa kaniyang isipan.

"Romeo, hindi mo ba siya hahabulin? Nakita ko siyang umiyak kanina..." Ngiti niyang sabi.

Siguro ayon ang dahil kung bakit siya umiyak. Nalaman niya kase na si Gwen pala ang babaeng hinahanap ko at nakita niya na hinalikan ako ni Gwen.

Nilakasan ni Romeo ang kaniyang loob at siya'y tumakbo nang mabilis para hanapin si Sandy. Si Gwen naman ay naiwan pero siya'y ngumiti sa kaniya habang tumatakbo.

Tee hee! Hindi ka pa rin talaga nagbabago...

‧̍̊·̊‧̥°̩̥˚̩̩̥͙°̩̥‧̥·̊‧̍̊ ♡ °̩̥˚̩̩̥͙°̩̥ ·͙*̩̩͙˚̩̥̩̥*̩̩̥͙·̩̩̥͙*̩̩̥͙˚̩̥̩̥*̩̩͙‧͙ °̩̥˚̩̩̥͙°̩̥ ♡ ‧̍̊·̊‧̥°̩̥˚̩̩̥͙°̩̥‧̥·̊‧̍̊

Nilibot ni Romeo ang mga mararaming lugar sa lungsod ng Dhalia, para mahanap lang si Sandy. Pagkatapos ng maraming minuto ay nakita niya si Sandy sa may riverbank na nakaupo't nakayuko ang ulo. Tingin niya ay umiiyak pa rin siya.

"Sandy!!"

Lumingon si Sandy at nang makita niya si Romeo na hingal na hingal siya dahil sa paghahanap. Nagulat siya at nang maraming bagay ang pumasok sa isipan niya.

Romeo??! Anong gagawin ko? Ibig sabihin ba iyon ay pipiliin niya ako?

"Sandy, wait!"

Tumakbo siya palapit kay Sandy at ihinawakan niya ang kaniyang kamay.

Love Under Carolyn's DormitoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon