Day 24 - A Miserable Youth!

20 8 20
                                    

"This train is now boarding to Leiden. Please board immediately..."

Pumili ako ng magandang araw ngayong buwan para mag-travel... At para mahanap ko ang aking sarili...

Pumasok si Romeo sa loob ng isang bullet train na papuntang Leiden. Nag-decide siya na magsusulat na siya ng diary at kakalimutan niya ang mga nangyare noong gabing iyon. Pupunta siya ng Leiden para makapagpahinga at ma-relax.

"Mas matanda ka sa akin pero para kang bata!"

Whatever! Mas bata siya sa akin pero hindi siya cute! Ano ba talaga ang gusto niya?!

Sa sobrang inis niya kay Sandy, ay pinagsasapak niya ang upuan na nasa harapan niya na hindi niya alam ay may tao palang siga roon.

"Anong ginagawa mong bata ka?" Tanong ng isang lalakeng siga na nasa harapan niya.

"P-Pasensya!!"

Napabuntong-hininga na lang siya at naisipan na matulog. Naisip niya na walang mangyayareng maganda kapag siya ay gising.

"Cheer up, Romeo! Kayang-kaya mo iyan!"

Pucha! Ayoko na makita ang pagmumukha mo!

Pinatong niya ang kaniyang diary sa mukha niya at pinikit na niya ang kaniyang mga mata, at nagsimulang matulog ang binata.

⳾*⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*⳾

Tumunog ang bell ng tren nang may pumasok na isang magandang babae na nakasuot ng sumbrero at magandang dress, na may pink na scarf sa kaniyang balikat.

"14C...." sabi ng babae habang hinahanap niya ang kaniyang upuan. Nang makita niya ang kaniyang upuan, ay nagulat siya dahil walang masyadong tao, ngunit may katabi siyang lalake na may nakapatong na notebook sa kaniyang mukha.

Umupo ang dalaga sa kaniyang upuan at nang tinanggal niya ang kaniyang sumbrero, ay si Sandy pala ang babaeng iyon na katabi ni Romeo.

Kahit sabihin ko na hindi ako aalis, umalis pa rin ako. Bahala na... Magsusulat na lang ako sa diary.

Nilabas niya ang kaniyang diary at nagsimula siyang magsulat ng mga nangyare noong nakaraang araw. Biglang uminit ang ulo niya dahil naalala niya ulit ang nangyare sa kanilang dalawa ni Romeo.

Bwiset talaga ang lalakeng iyan! Kasalanan niya talaga! Kasalanan niya! Kasalanan niya! Kasalanan niya! Kasalanan niya!

Sa sobrang inis niya ay piangsasapak niya ang upuan na nasa harapan niya nang hindi niya alam na may lalakeng siga na nakaupo pala roon.

"Ate... Anong ginagawa mo?" Tanong ng sigang lalake na nasa harapan niya.

"P-Pasensya!!"

Nalungkot ang sigang lalake dahil gusto lang niya makatulog pero ginugulo siya ng mga tao na nasa likod niya.

⳾*⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*⳾

Pumunta muna si Sandy sa telephone booth sa labas ng tren para tawagin sila Tita Daisy at yung iba pang nasa hotel dahil umalis siya na walang paalam.

Bigla na lang napagising si Romeo mula sa kaniyang pagtulog dahil napaginipan na naman niya si Sandy.

Bwiset! Natakot ako roon kahit panaginip lang iyon! Hanggang sa panaginip ay sinisigawan ako ni Sandy!

Pero hanggang sa panaginip ay iniisip ko pa rin siya. Para ba akong sinumpa na lagi ko siyang iniisip pero hindi ko alam kung bakit. Kailangan ko na ring magtawag sa hotel baka magtawag pa sila ng pulis dahil umalis ako na walang paalam.

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now