Day 27 - Oh my! She Appears!

19 8 29
                                    

Romeo's Travel Diary,

Pagkatapos mag-stay sa Leiden ng isang gabi, sumakay kami ng cruise ship. Syempre, kasama ko ngayon si Sandy.

It's seems kapag kasama ko siya...

"Wow! Ang ganda ng sunset! Feeling ko nasa Titanic ako!" Sigaw ni Sandy habang nakangiti sa sunset at nilalasap ang hangin.

Napatitig na si Romeo sa kaniya dahil tingin niya ay mas maganda talaga siya kapag nakangiti.

"Magiging masaya rin ito kapag may kasama akong boyfriend ngayon!"

"Ehh? B-Boyfriend?"

Napatingin si Sandy sa kaniya na baka may iniisip na naman si Romeo na kalokohan.

"Hindi ka namang nag-iisip ngayon ng kalokohan, 'di ba?" tanong niya at hinubad niya ang kaniyang salamin.

"A-Anong kalokohan?" Tanong niya at napakamot siya ng ulo. Bigla namula ang mukha ni Romeo nang nakahalata si Sandy sa kaniya.

"Bakit namumutla ka?"

"W-Wala nga!!"

"Kahit na pinatawad na kita at humiga tayo sa iisang kwarto, hindi ibig sabihin iyon na meron na tayong status, ha!" Sabi ni Sandy at itinuro niya ang kaniyang daliri sa kaniya.

"A-Ano? Status? Kahit na sabihin mo na walang status eh... Paano ko ba sasabihin?" Hiyang sabi niya pero nakanoot ang noo ni Sandy dahil sa inis.

"Sabi ko na nga ba at may iniisip ka na kalokohan!" Bigla niyang hinabol si Romeo dahil gusto niyang gulpihin ang lalake.

"Waaa!! Anong meron sayo? Bakit ka ba galit?" Sigaw niya habang hinahabol siya ng dalaga.

"Tumahimik ka! Kapag hindi mo lilinawin yung sinasabi mo, mayayari ka sa akin!"

"At anong ibig sabihin iyon?!"

"Umm~~~"

Hindi napansin ni Romeo na bigla siyang nakabangga ng isang babae sa daan. Bigla itong natumba ay napansin nila na may dugong lumabas sa bibig niya. Biglang nagulat silang dalawa dahil baka ang babaeng iyon ay patay na.

"M-Miss! O-Okay lang po ba kayo?!" Sigaw ni Romeo habang inaalog niya ang braso ng babae.

Tinignan ni Sandy kung may pulso pa ba ang babae ngunit wala siyang maramdaman.

"Wala na siyang pulso."

"Ano? Ibig sabihin iyon ay... PATAY NA SIYA!?"

Mystery News

"Leiden Cruiseship Murder Mystery"

Kapag may nababangga siya na babae, bigla na lang mamamatay. Napakamalas niya talaga.

Bigla na lang nataranta ang dalawa dahil hindi nila alam kung ano ang gagawin nila sa babae. Ayaw nila makulong dahil lang sa 'nakapatay' sila habang sila'y nagbabakasyon.

"I-Innocent po ako!!"

"Tumawag kayo ng ambulansiya!!"

"Umm... Magandang hapon!" Biglang sabi ng babae pagkatapos ng kaniyang biglang pagbangon.

Napatumba ang dalawa dahil akala nila ay patay na ang babae. Napabuntong-hininga na lang sila at walang nangyareng masama. Kung hindi, sa kulungan ang magiging kalalabasan.

⳾*⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*⳾

Umupo silang tatlo sa may lamesa at binigyan nila ng tubig ang babae. Nakahinga ng maluwag ang magandang dalaga pagkatapos niyang uminom at inayos ang kaniyang buhok. Naka-braids ang kaniyang buhok at nakasuot siya ng dress na kulay blue. Sa tingin ni Romeo sa kaniya ay hindi naman masyadong halata na ang dalagang iyon ay sakitin.

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now