Memory #13 ~ Ready for the Take-off! ~

5 1 0
                                    

Zoom~~~

"Ayoko talaga sa mga ganitong lugar." Inis na sabi ni Brianna sa kanilang lahat habang nakatayo sa loob ng airport.

Naiinis kasi siya dahil sinama siya sa airport para ihatid si Romeo papuntang America. Hindi niya suot ang kaniyang usual na uniform, at naka-casual attire siya. Nakaabang silang lahat sa loob ng airport para sa kaniya.

"Tumahimik ka nga diyan! Baka magtampo pa sa atin yung tao, eh. Pero sabi ni Romeo na mahirap ang exams para makapag-aral sa abroad. Hindi ako makapaniwala na mapapasa niya iyon. Sa tingin ko hindi na siya bobo na katulad dati." Banggit ni Claudia at ipinasok niya ang kaniyang mga kamay sa kaniyang bulsa ng pantalon.

"Hindi naman siya bobo..." Tawang sabi ni Gwen habang kinakamot ang kaniyang ulo.

"Kahit na sinulat ko sa certificate na 'Kaya mo iyan!', ang galing din talaga niya!" Banggit ni Brianna na halos napabilib siya sa nangyari.

"Brianna, mukhang may gusto ka kay Romeo, noh?" Asar na tanong ni Naomi sa kaniya.

"Naomi, anong sinasabi mo?

Hindi na lang pinansin ni Brianna si Naomi kaya pinipingot na lang niya ang pisngi ni Brianna.

"Huh? Nandiyan na sila!" Sigaw ni Vanessa at itinuro niya ang kaniyang daliri sa mga taong pumasok sa gate.

"Pasensiya na at natagalan kami!!"

Pinaputok nilang lahat ang confetti nang pumasok sa gate sila Romeo at Sandy. Hindi makapaniwala si Romeo na ihahatid siya hanggang sa kaniyang pag-alis.

"Salamat, guys at hinatid ninyo ako rito!" Masayang sabi ni Romeo.

"Romeo! Tandaan mo na magsikap ka roon!"

Napansin ni Sandy na magulo nang kaunti ang kwelyo ni Romeo dahil sa mga confetti na sumabog.

"Romeo, yung kwelyo mo..." Sabi ni Sandy at inayos niya ito.

"Salamat."

Tinitigan nilang lahat silang dalawa at napansin na parang mayroon silang relasyon sa isa't isa. Ngumisi silang lahat na at may balak na asarin.

"Uy... Mukhang magha-honeymoon sila..." Sabi ni Claudia nang napakalakas.

"Tumahimik ka nga diyan!" Ganti ni Sandy.

"Naalala ko noong inaasikaso niya lagi si Romeo kapag nag-aaral siya. Parang silang mag-asawa!" Sabi naman ni Naomi habang nakataas ang kaniyang banner para kay Romeo.

"Hoy!"

"Guys! Nandito ako dahil sa inyo kaya maraming salamat. Gagawin ko talaga ang lahat kapag makapunta ako sa America." Masayang sabi ni Romeo habang nakapatong naman si Miyuu sa kaniyang ulo.

Hindi matiis na maiyak si Vanessa dahil matagal silang hindi magkikita. Sigurado na ganoon din ang nararamdaman nilang lahat kaya binigyan nilang lahat si Romeo ng regalo.

Binigay ni Naomi ang kaniyang mga latest gadgets para sa kaniyang protection. Protection symblets naman ang ibinigay ni Brianna sa kaniya na galing sa isang temple. Si Claudia naman ay isang mini-bottle ng brandy na kahit ayaw niya ito ibigay. Si Sarah naman ay isang wood-carved na utensil. Si Gwen naman ay watermelon na galing Okia at si Vanessa naman ay isang scarf na tinahi niya noong mga nakaraang araw. Dahil sa mga regaling iyon ay masayang-masaya si Romeo.

"Charles, ikaw na bahala sa pinsan ko." Utos ni Daisy sa kaniya habang nagsisigarilyo.

"Alam ko, Daisy. Gusto mo bang mag-honeymoon sa America kasama ko...!"

Biglang sinapak nang malakas si Charles at tumama ang kaniyang likod sa pader.

"Romeo! Alagaan mo nang mabuti ang sarili mo!" Sabi ni Tita Daisy sa kaniya na parang binabantaan siya.

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now