Memory #28: Colorful and the Ultra-Romantic Ending Part I ~ After Six Years! ~

9 1 0
                                    


Lumipas ang oras, at pati na rin ang mga panahon.

Ang Dhalia ay isang makulay na lungsod. Ang mga mamayan nito ang may kaniya-kaniyang ginagawa, sa kanilang buhay. Mga kotseng ay dumaraan sa maluwag na kalsada, maging mga cable cars ay patuloy sa paghatid-sundo sa mga tao.

Ang mga Sakura flowers ay namumukadkad, at ang mga talulot ay eleganteng nagsilaglagan. Sumayaw ito kasabay ng hangin, maging ang mga puno.


Anim na taon nang nakalipas sa lungsod ng Dhalia...

Anong nangyari sa kanilang lahat pagkatapos?


Sa makulay na lungsod ng Dhalia, may isang babae na umaakyat sa mahabang hagdanan, na punong-puno ng mga makulay na Cherry Blossoms. Sa bawat pag-akyat niya sa hagdanan, sinasalubong siya ng mga talulot, na sumasayaw sa kaniyang mga mata.

Maitim ang buhok, katamtaman ang katawan at tangkad, nakasuot ng school uniform na kulay ng dagat, at hingal na hingal siyang umaakyat. Dahil sa sobrang taas ng kaniyang inaakyat, pati dala-dala niya ang kaniyang mga mabibigat na bagahe, na nandoon ang lahat ng kagamitan niya. Lumalabo ang kaniyang mga mata dahil sa hingal, kahit na nakasuot siya ng salamin.

Ako ay si Sassa Lily Annesley. "Sally" for short. Ako ay fifteen years-old this year. At ngayon, naka-focus ako sa pag-aaral, para makapasok sa Dhalia U! Hindi madali pero nagsisikap ako!

May narinig ako na may isang fantastic na girls' dorm sa lugar na ito... Kailangan mo lang na tumira roon. At whatever kung anong uri kang bobo, hindi ito hadlang para makapasok sa Dhalia U...

Masaya si Sally dahil sa wakas! Nakaapak na rin siya sa pinakatuktok ng burol! Mukhang worth it ang kaniyang pag-akyat, dahil nakarating na siya sa kaniyang munting destinasyon. Huminga siya nang maluwag at pinagmasdan niya ang lugar na iyon.

Ahh... Pagkatapos ng mahabang paghahanap... Nahanap ko na rin ang misteryoso pero magandang girls' dorm! At ang pangalan ng girls' dorm ay... Carolyn's Dormitory!


The ending at last...

Finally... There are only three chapters left!

In the Spring of 2007, after Romeo came to Carolyn's Dormitory...

A girl also made her way through the falling Sakura Blossoms!


჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ


"Hello... Excuse me... May... May tao po ba rito?"

Kumatok siya sa entrance gate, ngunit walang sumasagot. Maging at doorbell ay pinindot na rin niya. Sinilip niya ang loob galing sa glass door, ngunit walang tao sa paligid ng hotel. Bigla siyang kinabahan dahil pumunta siya sa dorm, para baguhin ang kaniyang sarili. Naisip niya na nagmumukha siyang scaredy-cat, sa kaniyang ginagawa.

Yaahh!! Hindi dapat ganoon! Dapat ako maging direct! Hindi ba't gusto kong magbago rito?!

Kinamot niya ang kaniyang ulo na pagkalakas-lakas, dahil sa sobrang inis niya sa kaniyang sarili. Nilakasan niya ang kaniyang loob, para ipakilala ang kaniyang sarili.

"Excuse me! Ako po yung tao na gustong tumira sa dorm na ito!"

Tahimik pa rin ang buong paligid. Mukhang wala rin nangyari ang pagsigaw mo.

Love Under Carolyn's DormitoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon