Day 25 - Romeo, Sandy, and the Runaway Vacation Part 1!

20 8 19
                                    

"Hindi pa nakakabalik sila Sandy at Romeo..." Alalang sabi ni Claudia dahil dalawang araw na ang nakalipas noong hindi sila nagpakita. Nasa lobby sila dahil hindi pa rin nila ang gagawin tungkol sa nangyare. Wala pa silang natatanggap na tawag mula sa kanila

"Nagtanan na ba talaga sila?" Tanong ni Brianna habang inii-swing niya ang kaniyang wooden sword.

Habang nag-uusap sila, sila Naomi at Vanessa naman ay nagtatago sa likod ng lamesa na naka-suot ng pang-alis dahil may balak silang hanapin ang dalawa sa Leiden. Ayaw nilang magpakita sa iba dahil alam nila na hindi sila papayagan.

"Hindi na importante iyon. Hindi na sila bata kaya hindi na natin kailangan na mag-alala sa kanila." Sabi ni Tita Daisy habang ginagalaw niya ang kaniyang toothpick gamit ang kaniyang bunganga.

Habang nakatalikod sila, biglang tumakbo ang dalawa nang tahimik, palabas ng hotel. Nakalabas na rin sila sa main gate at nakababa na rin ng mahabang hagdanan.

"Ayos! Nakatakas na rin tayo!" Masayang hiyaw ni Naomi habang nakataas ang kaniiyang kamay.

"Okay lang ba na hindi natin sasabihin sa kanila na umalis tayo?" Tanong ni Brianna.

"Huwag kang mag-alala. Nag-iwan ako ng note sa ibabaw ng lamesa sa kwarto ko."

Ang note na iniwan ni Naomi sa kwarto niya ay parang sinabi rin niya na aalis sila at hahanapin ang dalawa. Walang kwenta ang pagtakas nila dahil nakasulat naman din doon kung anong gagawin nila.


"Umalis lang kami para hanapin sila.

-Naomi

PS: Kasama ko rin si Vanessa :3"


"Okay! Ang mission natin ay hanapin sila Romeo at Sandy!" Masayang sabi ni Naomi at excited din siya kase pupunta sila ng Leiden, habang si Vanessa naman ay kinakabahan at nag-aalala kila Romeo at Sandy.

⳾*⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*⳾

Nagpapakasaya si Romeo sa kaniyang bakasyon sa Leiden at marami na siyang napuntahan na tourist spots. Sa Post Office, sa napakalaking Leiden East Mountain, at naglakad siya sa mga makalumang villages na nandoon. Kilala ang Leiden sa masarap na hangin dahil maraming nature ang nakapaligid doon. Nakapagpicture rin siya sa isang photo booth na ang camera na gamit ay 3rd generation pa. Tinabi niya sa kaniyang wallet ang picture na nakuha niya.

Pagkatapos iyon ay bumili siya ng mainit na chocolate drink at umupo sa bench sa ilalim ng puno.

Nakakarelax naman dito... Parang ayoko nang pumunta pa ng school...

Nakita niya ang mga high school students na magkakabarkada, na masayang nag-uusap. Isang field trip iyon at matagal na rin noong naranasan niya iyon. Pag-alis ng mga estudyante ay nakita niya si Sandy na nakatingin sa bahay at sinuot ang sumbrero.

"GACK!!!"

Napasuka si Romeo dahil nakita niya ang babae at bigla siyang nagtago sa likod ng puno. Lumingon si Sandy dahil may narinig siya pero hindi siya nakita

Anong ginagawa ng babaeng ito dito? Kahit na may mga bagay na gusto ko talagang makita dito sa Leiden, yung pagkita ko ba sa kaniya lagi ay sobrang coincidence? Ugh... Kalimutan na nga... Hindi ko naman siya makikita ulit.

Umalis na si Romeo at pumunta siya sa isang malaking temple ng Leiden na nasa itaas ng bundok na kung saan maraming tao ang pumapasyal. Ito ay pinangalang, 'Pure Spring Temple'.

Pumunta si Romeo sa pinakadulo ng temple na kung saan ay napakataas kapag tinignan nito sa ibaba.

So ito na talaga iyon!! Sabi daw nila, pwede ka pang mabuhay kahit tumalon ka galing dito...

Love Under Carolyn's DormitoryHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin