Final Diary Entry ~ A Happy Ending is With You! ~

14 1 0
                                    

Morning Arrives

Pagkamulat ng mata ni Romeo ay nakita niya si Gwen na natutulog sa tabi niya. Mas lalo siyang nagulat nang makita niya na nakasuot lang siya ng underwear.

Dumilat ang mga mata ni Gwen nang makita niya si Romeo pagkagising ng umaga. Ngumiti na lang siya sa kaniya ngunit napasigaw na lang nang malakas si Romeo at nang marinig ito ng buong tao sa loob.

"Anong meron?!" Gulat na tanong ni Sandy nang lumabas siya sa butas ng trapdoor.

"Anong meron?! May magnanakaw?!" Gulat din na tanong nila Claudy nang sumugod silang lahat sa kaniyang kwarto.

Tumawa na lang nang mahinhin si Gwen nang makita nilang dalawa silang lahat. Pero ang mga mukha nila ay parang gulat na gulat talaga dahil baka may nangyari sa kanilang dalawa.

"Pasensiya na kung may nagawa akong scandal. Ang sakit mo kagabi, Romeo, ha." Ngiting sabi ni Gwen at siya'y lumabas na ng kwarto.

Nang marinig nila iyon ay bigla na lang sinara ni Sandy ang butas ng kanyang trapdoor at nilagyan na niya ito ng pako.

"Teka, Sandy! Iba ang iniisip mo!"

Lumabas na lang ng hotel si Sandy kaso sinusundan pa rin siya ni Romeo. Dahil sa nakita niya, ay hindi niyang akalain na aabot sa puntong iyon na may mangyayare sa kanilang dalawa ni Gwen.

"Sandy! Mali nga ang iniisip mo!"

Hindi pa rin siya pinansin ng dalaga at nagwalis na lang si Sandy sa kanilang tapat.

"Hindi ko maalala kung anong nangyare kagabi!"

"Anong hindi mo maalala? Examinee ka. Atleast naman dapat may privacy ka, hindi ba?" Iritang sabi niya habang winawalis ang mga kalat na nasa paligid niya.

Pumasok ulit si Sandy ng bahay at kinuha niya yung mop at nilampaso niya ang sahig. Sinundan pa rin siya ni Romeo para magpaliwanag. Hindi pa rin siya pinapansin ni Sandy.

"Wala pa nga akong nagagawa. Bakit ba ayaw mong makinig?"

Patuloy pa rin siyang naglalampaso ng sahig. Nakasalubong din nila sila Claudy at Brianna, nang makita na nag-aaway pa rin sila.

"So, paano mo aakuin ang responsibilidad, Romeo?" Tanong ni Claudy sa kaniya at si Sandy naman ay parang sasabog na ang kaniyang ulo dahil sa inis.

"Responsibilidad sa?"

"Sa pagiging ama! Ano ka ba?! Manager ka rito kaya dapat magpaliwanag ka sa amin!" Sermon niya at inakbayan niya si Romeo bilang pagiging proud niya sa kaniya.

"Papatayin ka talaga kita, Romeo!" Inis din na sabi ni Brianna at hinahanda na niya ang kaniyang balisong.

"Inosente ako, Bri!!"

Tinignan ni Romeo si Sandy kung wala na baa ng galit niya pero nakangiti lang siya. Akala ni Romeo ay bati na sila pero...

"Walang hiya ka talaga!!!" Sigaw niya at sinapak niya nang malakas si Romeo. Lumipad siya palabras ng kanilang hotel. Tumakbo si Sandy palabras ng hotel dahil ayaw na niyang makita si Romeo.

Nakakainis ang lalakeng iyon! Pati rin si Gwen! Gumawa sila ng baby kagabi! Teka... Baby? Ano bang iniisip ko?!!

"Bakit ganyan ang mukha mo, Sandy?" Tanong ni Tita Daisy sa kaniya nang makasalubong niya si Sandy sa labas ng hotel.

‧̍̊·̊‧̥°̩̥˚̩̩̥͙°̩̥‧̥·̊‧̍̊ ♡ °̩̥˚̩̩̥͙°̩̥ ·͙*̩̩͙˚̩̥̩̥*̩̩̥͙·̩̩̥͙*̩̩̥͙˚̩̥̩̥*̩̩͙‧͙ °̩̥˚̩̩̥͙°̩̥ ♡ ‧̍̊·̊‧̥°̩̥˚̩̩̥͙°̩̥‧̥·̊‧̍̊

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now