Chapter 89

1.7K 116 365
                                    

Months have passed, and I decided to finally file a divorce. That way ay natahimik na si Leni, naging stranger na rin kami ni Sara kahit na iisang bahay pa rin kami nakatira.

Hindi kami gaanong nagpapansinan dahil hindi rin kami gaanong nagkikita dahil sa parehong busy schedule and now, I'm happy to see her wearing her toga.

I even talked to her mom na tawagan at batiin siya sa mismong graduation niya para kahit papaano ay mabawasan ko manlang yung sakit na naiparamdam ko sakaniya.

She's finally a graduate, kung naalis ko lang sana sa buhay ko si Leni, sana ay nakapag-propose na ako nang maayos kay Sara, ngayon na sana magsisimula ang bagong chapter sa buhay namin but, sad to say, hindi umayon ang tadhana.

Maybe we're not really meant for each other.

"Congratulations." bati ko nang magkalakas ako ng loob na i-approach si Sara. Tipid siyang ngumiti sa akin kaya napangiti rin ako.

"Thank you."

"Sara, your phone's ring—" Hindi naituloy ni Win ang sasabihin nang mapansin niyang kasama ako ni Sara.

"Mauna na ko, sir." paalam sa akin ni Sara bago lumapit kay Win at kunin ang bag niya.. Napangiti na lamang ako nang pilit at tinanggap nang hindi na mapapasakin ulit si Sara.

Tinawag ko pa sana siya ulit pagkatapos niyang kausapin ang Mommy niya. Gusto kong sabihin sakaniya lahat kung bakit nagawa ko 'yon, na mahal ko siya pero nang makita ko kanina kung paano siya yakapin at himasin ni Win ang likod niya para patahanin siya sa pag iyak dahil sa pag tawag ni Mrs. Duterte ay mas pinili ko nalang na hindi na mag salita, I just nod at her.

Pagkatapos ng graduation ay dumiretso na rin ako nang uwi and since nag-celebrate pa si Sara kasama sila Manang ay nag-decide akong pumasok sa kwarto namin kahit hindi na ako roon natutulog.

"W-What are you doing here?" tanong ni Sara nang pumasok siya ng kwarto at magulat na naabutan ako roon.

"I will leave the house in two weeks." sabi ko dahil kailangan niya iyong malaman. We can't continue living like this, mahihirapan akong panindigan ang desisyon ko. Huminto na sa panggugulo si Leni kaya hindi na ako pwedeng gumawa ng bagay na ikaiinis pa niya.

"I see, saan ka na titira?" nabigla ako sa tanong ni Sara, sa maigsing oras ay naramdaman kong may kaunti pa siyang pakialam sa akin.

"No, sorry. Forget that I ask that." aniya at ngumiti lang ako nang tipid, sinubukan ko siya ayaing mag-celebrate but she refused my invitation. Pumasok na lamang siya ng banyo para makaligo habang ako ay nanatili lang sa kwarto, I still want to talk to her. Gusto ko sulitin ang dalawang linggo na magkasama pa kami sa iisang bahay.

But I know that's impossible to happen. Matapos ang ilang minutong pagmuni-muni sa loob ng kwarto habang inaalala ang mga memories namin ni Sara ay tumayo na rin ako at balak na sanang umalis ngunit napalingon ako nang makarinig ng kalabog.

Nakita ko ang bag ni Sara sa sahig kaya naman lumapit ako roon at pinulot ang ilang gamit na lumabas dahil nakabukas iyon pero natigilan ako nang makita ang ilang gamot na naroon. Lumingon ako sa pinto at binalik ang bag sa dati noong pwesto pero hindi nilagay ang gamot na hawak ako sinearch kung ano iyon. It's a prenatal vitamin. A vitamin for a pregnant woman.

"What's this?" tanong ko nang saktong lumabas si Sara. Halatang nagulat siya at dali-daling kinuha ang gamot sa kamay ko. I already knew the answer to my question but I wanted to hear it directly from her.

"Bakit pinakikialaman mo ang gamit ko?"

"Your bag's open and it fell, pinulot ko lang."

"Don't touch my things, bakit ba kasi nandito ka?" inis na tanong niya.

"What? Bahay ko rin 'to, Sara. Am I not allowed to be here just because we broke up?"

"You're smart, Bong. Why don't you answer your own question?"

"Sara." Tawag ko sa kanya pero hindi niya ako nililingon.

"Can you just leave the room-"

"Are you pregnant?" tanong ko. Now that explains everything, kung bakit nahilo siya noon sa faculty ang kung bakit siya nagsuka noong araw rin na 'yon. I knew she's hiding something from me but I didn't expect her to be pregnant. I mean, since when? Huling may nangyari sa amin ay noong hindi kami gumamit ng proteksyon. That was two months ago.

"Look at me, Sara. Answer my question." Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa braso para marahang iharap sa akin pero tinabig niya ang kamay ko. Maya-maya lang ay kusa na rin siyang humarap sa akin.

"Sara, answer me. Are you pregnant?"

"What if I am?" tanong niya at hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon. Napahilamos lang ako sa mukha dahil sa katangahan ko, bakit hindi ko man lang napansin?

"Kailan pa? Bakit hindi mo sinabi sa 'kin?" tanong ko.

"Why would I tell you? You're not even father." Parang may kung anong matinis na ingay akong narinig matapos iyong sabihin ni Sara. What did she just say? I am not the father? No, I must be hearing it wrong. Impossible.

"What do you mean?" kalmadong tanong ko.

"Hindi ikaw ang ama ng dinadala ko, don't concern yourself with."

"Sinong ama?" tanong ko, hindi ko alam pero parang may na-trigger sa loob ko. I wanted to be calm as much as possible but failed.

"Answer me! Sinong ama?!" sigaw ko. I could feel myself raging in anger to the point that I'm scaring Sara. Gusto kong kontrolin ang emosyon ko dahil buntis si Sara pero hindi ko magawa. Gusto ko nang malinaw na sagot.

"Sara! Goddamnit, answer me!"

"Si Win!" sigaw ni Sara and that breaks me into pieces pero wala akong magawa dahil alam kong kasalanan ko.

"So, you really have a relationship with him?" madiin kong tanong, "Kaya ba kating-kati kang makipag-divorce?"

"Ikaw ang unang gustong makipag-divorce, bakit binabalik mo na naman sa 'kin 'yong sis—"

"You fucking cheated on me! Tangina, Sara. Iniputan mo ako sa ulo!" sigaw ko.

"You can't blame me! Sinabi ko sa 'yo noon na okay lang kahit 'wag mo akong mahalin pabalik itrato mo lang ako gaya ng dati, handa na akong tanggapin na hindi ako mamahalin pero anong ginawa mo?" Huminga siya nang malalim dahil pareho na kaming out of control.

"Sinabi mo mahal mo ako, you promised that you won't hurt me again, you promise you won't abandoned me but bullshit, Bong! Anong ginawa mo? What did you do? Kinain mo lahat ng pangako mo. Pinaasa mo ako!"

"Sapat na rason 'yon para lokohin mo ako? You're fucking unreasonable, just admit that you're a fucking whore!" Gusto kong ipreno ang bibig ko pero masyado na akong kinain ng galit at nakapagsalita ng mga bagay na hindi ko naman talaga gustong sabihin. Pumikit ako nang mariin at kinuyom ang mga kamao ko. Ramdam kong maluluha na rin ako sa sobrang frustration pero pinigilan ko ang sarili ko.

"See? This is why cheated on you, Bong." mapait na ngumiti si Sara kasabay nang pagtulo ng luha niyang kakapunas niya lang, "You can't see my worth but Win did."

Hindi ko alam kung ano ang nangyari but realization hit me. This is the consequence of my actions, hirap akong tanggapin iyon but I just slowly walk away as if I'm already defeated. This is my karma, I deserve this, and it's breaking me.

FakedWhere stories live. Discover now