Chapter 22 | R18+

4.1K 135 284
                                    

This chapter is not suitable for young readers or sensitive minds. Contains sex scenes, adult language and situation intended for mature readers only.

***

"Kailan ka pa natutong mag-club?" tanong sa akin ni Bongbong nang makasakay na ako ng sasakyan. Mabuti na lang at hindi na nagpumilit si Win na ihatid ako mismo sa kotse dahil medyo malayo-layo ang pinag-park-an ni Bongbong.

"Ngayon lang." seryoso kong sagot pero tila nagmukhang namimilosopo ako.

Napatingin ako kung nasaan si Win at nakitang sumakay na rin ito sa dala niyang motor at umalis na, dahil doon ay pinaandar na rin ni Bongbong ang sasakyan. Isinandal ko ang ulo ko sa upuan para mabawasan ang nararamdaman kong hilo. I hope I don't throw up on his car.

"Do you have a relationship with that bastard?" mabilis akong napalingon nang tanungin niya iyon sa akin.

"Are you serious?" tanong ko na ikinagulat niya. Miski ako ay nagulat sa tono ng boses ko, siguro ay epekto ito ng alak sa sistema ko dahil nagkaroon ako ng lakas ng loob para maipakita kung ano talaga ang emosyon na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Gusto kong itikom ang bibig ko pero parang may kung ano sa loob ko na hindi ko maintindihan, para akong bulkan na nagbabadyang sumabog.

"Gano'ng klaseng ba talaga ng babae ang tingin mo sa akin?" Kinuyom ko ang mga kamao ko dahil sinasabi ko sa sarili ko na huminto sa pagsasalita pero nawawalan na ako ng kontrol sa sarili kong emosyon.

"Masisisi mo ba ako? You hate men and yet, you're letting him touch you." aniya nang hindi lumilingon sa akin dahil naka-focus siya sa pagmamaneho.

"Kung ikaw ang tanungin ko. May relasyon ba kayo ni Ms. Leni?"

"Are you insane?" balik tanong niya sa akin, unti-unti ko na ring nararamdaman na nagagalit siya kaya nakagat ko ang labi ko. Why? Why is he so unfair? Gusto kong magalit sa kanya, gusto ko siyang sumbatan pero kapag ganitong nagagalit siya sa akin, pakiramdam ko ay ako ang may kasalanan.

Or maybe, nakalakihan ko na kasi na laging sarili ko ang sinisisi ko sa mga bagay. My childhood experiences really ruined my self-respect, my self-worth. I'm well aware of that pero hindi ko magawang itama, hindi ko magawang baguhin ang nakasanayan ko na dahil nakatatak na iyon sa isipan ko sa murang edad pa lamang.

Kinagat ko nang madiin ang labi ko at iniwas ang tingin kay Bongbong para mapigilan ko na ang magsalita, natatakot ako na baka kapag pinagpatuloy namin ang pag-uusap ng mayroong alak sa sistema ko ay may masabi ako sa kanya na pagsisisihan ko habang buhay.

"If you don't have a relationship with him, why are you still wearing his jacket?" Napahawak ako sa leather jacket na suot at doon lang na-realized na hindi ko pala iyon naibalik kay Win.

"Can we stop talking about this? Ayokong mag-away tayo, I will explain myself tomorr-"

"No, I want to talk now. I clearly told you that I don't like seeing you flirting with another guy." Pumikit ako nang mariin dahil kumirot ang ulo at sinabayan pa ng hilo.

"Why?" simpleng tanong ko, hoping na makakatanggap ako nang maayos na sagot. Na sasabihin niya na nagseselos siya, but of course hindi iyon mangyayari dahil in the first place, sa aming dalawa ay ako lang naman ang nagmamahal.

"Because you're making a fool out of me."

"I didn't flirt with him, and I never will. May asawa ako, bakit ko gagawin 'yon? And..." I trailed off. "You how much I love you. I already confessed my love to you long ag-"

FakedWhere stories live. Discover now