Chapter 23

2.1K 117 143
                                    

Natapos ang unang dalawang klase ng wala ako sa sarili. Hindi ko alam kung bakit pero hindi maalis sa isip ko ang nangyari sa amin ni Bongbong kagabi, although wala namang pinagbago sa relasyon namin. Masaya pa rin ako knowing that we did it while he's sober, ibig sabihin ay nasa tama siyang pag-iisip nang gawin namin 'yon. Usually kasi ay kapag lasing lang siya may nangyayari sa amin.

"Girl, may hangover ka pa ba?" tanong ni Jill habang binubuksan ko ang locker ko. Sobrang blooming at fresh niya ngayon na para bang hindi siya wasted kagabi.

"Wala na. Hindi naman ako gaano nalasing dahil napawisan ako."

"Napawisan? Bakit ka mapapawisan? Wait! Don't tell me nakipag-one-night st—" Mabilis kong tinakpan ang bibig niya para hindi na niya masabi ang kung ano mang kalokohang pumasok sa isip niya.

"No! It's not what you think! Uminom ako ng mainit na sabaw pag-uwi ko." pagsisinungaling ko bago alisin ang kamay ko sa bibig niya at isinara na ang locker ko.

"I see, and here thought nabinyagan ka na." mahina niyang sabi at napailing na lamang ako, "Then kung hindi dahil sa hangover, bakit kanina ka pa wala sa sarili?"

"Maybe because... Lack of sleep?" hindi siguradong sabi ko nang magpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami ng cafeteria. Agad kaming pumila para um-order ng makakain pero parang malilipasan kami dahil sa haba ng pila.

"Sa ibang stall na lang tayo, gusto mo? Ako na lang ang o-order sa ating dalawa, hanap ka na lang ng mauupuan natin since sobrang crowded ng cafeteria today." ani Jill nang lingunin niya ako. Balak ko pa lang sanang sumagot pero naramdaman kong may lumapit sa gilid ko.

"Binilhan na kita ng pagkain. 'Wag ka na maghintay d'yan." Agad akong napatingin nang abutan ako ni Win ng plastic, kahit hindi ko silipin ay halata namang galing 'yon sa isang restaurant sa labas ng campus at kahit hindi ako lumingon sa paligid ay alam kong pinagtitinginan na kami ng mga kapwa namin estudyante.

Kaninang umaga kasi ay kumalat na ang rumors tungkol sa kanya. Nagkataon pa na pinatawag siya ng dean kahapon kaya mas marami ang naniwala sa rumors na muntik siyang makapatay sa dati niyang school at iyon ang dahilan kung bakit fourth year na siya ay nag-transfer pa rin siya.

"Hindi mo ba kukunin?" tanong ni Win at lalo ko lang naramdaman na maraming mata ang nanunuod sa amin ngayon. Hindi ko alam kung si Win ba mismo ang dahilan o ang pakikitungo niya sa akin ngayon. Malamang sa point of view ng ibang tao ay nagde-date kami dahil sa gesture na ipinakita niya.

"Hey, how about me? Where's mine?" tanong ni Jill at nakahinga ako nang maluwag nang makitang may inabot din sa kanya si Win that way mare-realize ng mga nakakita sa amin na hindi lang gano'n makitungo sa akin si Win, and in the first place... Why is he acting this way?

"Is it okay if I sit with you?" tanong ni Win nang makahanap kami ng pwesto. Kumunot ang noo ko dahil sa pagiging considerate niya ngayong araw. Is this the effect of rumors on him? Or maybe, lasing pa rin siya?

"Why are you asking that? We're friends, of course you can sit with us." sambit ko nang iiwas ko ang tingin sa kanya at ilapag ang hawak na plastic sa lamesa bago maupo. To be honest, after my fight with Bongbong last night, naisip ko na iwasan si Win para lang maiwasan naming mag-asawa ang pagkakaroon ng misunderstandings.

Isa nga iyon sa dahilan kung bakit hindi ako nakatulog nang maayos. I want to stop talking to him and at the same time I don't want to. Pakiramdam ko kasi ay mali na gawin 'yon and so far, maayos naman ang naging pakikitungo sa akin ni Win. He's surprisngly nice and caring, kahit na sinusungitian ko siya simula noong malaman ko na siya si Sherwin ay naging mabuti pa rin siya sa akin. And also, I don't want to be dictated to who I should be friends with and who I shouldn't. Wala na nga akong sariling boses sa sarili kong buhay, pati ba naman sa pagpili ko ng kaibigan ay ganoon pa rin?

FakedΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα