Chapter 69

1.1K 113 105
                                    

"Ma'am Sara, congratulations po." bati ni Ana nang makauwi ako ng bahay.

"Thank you." nakangiting sabi ko bago iabot sa kanya ang take out na binili ko para sa kanya, siya lang kasi ang narito sa bahay ngayon. "Here, eat this. Pinili 'yan ni manang since favorite mo raw."

"Ay, maraming salamat po." Tumango ako at naglibot ng paningin sa bahay. Since nasa labas ang kotse ni Bongbong ibig sabihin ay nakauwi na rin siya. From today onwards, he no longer a professor. Itinago ko ang labi ko at nagpaalam na kay Ana na aakyat na ako ng kwarto.

Bahagya akong napapitlag nang pagpasok ko sa loob ay naroon si Bongbong at nakahiga sa kama.

"W-What are you doing here?" tanong ko dahil hindi na siya rito nagkakwarto. Nasa guestroom na rin ang lahat ng mga gamit niya, so why? Why is he here?

"I will leave the house in two weeks." aniya, dahilan para mapalunok ako nang marahas. For a moment, hindi ko alam kung nakaramdam ba ako ng lungkot o panghihinayang.

"I see, saan ka na titira?" tanong ko at huli na nang ma-realize ko na hindi ko na dapat iyon tanungin. Dapat ay wala na akong pakialam doon pero minsan ay hindi ko pa rin maiwasan ang alalahanin ang whereabouts niya. Old habits are scary, hindi basta-bastang mawawala dahil lang gusto mo. Once na nakasanayan mo nang gawin ang isang bagay, kahit gusto mo nang ihinto ay minsan magugulat ka na lang na ginagawa mo na pala ulit yon nang hindi sinasadya.

"No, sorry. Forget that ask that." sabi ko bago tumungo sa cabinet at kumuha ng damit pangbahay.

"What's your plan?" tanong niya ngunit hindi ako lumingon.

"What do you mean?"

"Are you going to work for your company?" Sinara ko ang cabinet at doon lang tumingin kay Bongbong. Nakaupo na siya at nakasandal sa headboard. Now that I think about, ito na yata ang pinakamahaba naming conversation simula nang mag-file siya ng divorce.

"No, don't think my dad still wants me to work for our company. Not after what did." Bahagya akong ngumisi nang maalala ko ang ginagawa kong pag-threaten kay dad. Until now, nasa akin pa rin ang kopya ng video kahit nasa kanya na iyong cd. I need to make sure na may panglaban pa rin ako kay dad so needed to play dirty.

"What did you do? May kinalaman ba sa divorce?"

"Yeah." tipid kong sagot bago hawakan ang doorknob ng banyo. Balak ko na sana iyong buksan ngunit napahinto ako nang maramdaman ko ang presensya ni Bongbong sa likuran ko. Bumilis ang tibok ng puso at tila walang lakas ng loob na lumingon. He's so close.

"Do you... Do you want to celebrate?" tanong niya at iyon ang naging dahilan para humarap ako sa kanya at mapasandal sa pinto. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at buong tapang siyang tiningnan sa mata.

"Celebrate what?"

"Your graduation."

"Kagagaling ko lang sa celebration, Bong." diretso kong sabi.

FakedWhere stories live. Discover now