Chapter 78 | R18+

2.4K 117 335
                                    

I'm burning with jealousy. When I saw Sara being playful with Win, it annoys the hell out of me. Wala pang isang linggo nang magkakilala sila pero ang close na nila agad. I never saw her being comfortable with a guy beside me, but I can't blame her for that I don't have the right to get angry because I knew full well that sooner or later, may lalaking magtatrato sa kanya ng tama and worst, umagaw sa kanya sa akin.

Win became a threat to me, and since then... Totoo nang nag-iinit ang ulo kay Sara, hindi ko alam kung bakit siya ang pinagbubuntunan ko ng inis ko. I must be insane.

"Are you ready-"Hindi ko naituloy ang sasabihin nang pagpasok ko ng kwarto ay makikita kong nagbibihis pa lang si Sara, nakadamit na siya pero kitang-kita ko pa rin ang bare back niya. She's struggling to close the zipper of her revealing dress.

"I'm sorry, I'm not done getting dressed yet." nahihiya niyang sabi saktong pagsara ko ng pinto, "Uhm, c-can you help me zip this up?"

Saglit akong natigilan nang hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon. She's getting bolder these days, noong nakaraan lang ay in-approach niya kami ni Leni. Halatang nagseselos siya dahil madalas kaming magkasama, as much as I want to end my relationship with Leni, hindi ko magawa.

Marahas akong napalunok nang tumama ang kamay ko sa balat ni Sara. Binilisan ko na lamang ang pagsara ng zipper dahil baka kung ano pa ang mangyari.

"Thank you. S-Shall we go?" tanong niya nang bigla siyang umalis sa harap ko bago ko pa subukang i-compliment na bagay sa kanya ang dress, kinuyom ko ang kamao ko dahil muntik na akong magkamali. "What's wrong?"

"Nothing, let's go." aya ko na lang bago tuloy-tuloy na maglakad palabas nang hindi man lang siya hinihintay. Simula nang pumasok si Win sa buhay ni Sara, nahihirapan na akong kontrolin ang sarili ko. Pakiramdam ko ay konti na lang ay tuluyan na akong bibigay.

At dumating na nga ang kinatatakutan ko.

Nagkakasiyahan ang mga kapwa ko professor sa private room ng nightclub. Kung ako lang ang papipiliin, hindi ako pupunta rito but Leni kept on pestering and threatening me. Hindi ko na tuloy nagawang ihatid si Sara pauwi, I felt so bad. She's wearing a revealing dress, what if something happens to her? Punong-puno ako nang pag-aalala kaya naman nagmadali akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa couch.

"Where are you going?" tanong ni Leni pero nagpanggap akong hindi siya naririnig since maingay ang mga kasama namin. Tuloy lang ako sa paglakad pero hindi ko inaasahan na sa pagbukas ko ng pinto ay bubungad sa akin si Sara. She's blushing as if she's drunk.

"What are you doing here?" seryosong tanong ko kasabay nang pagsalubong ng kilay ko nang mapansing ang malaking leather jacket na nakasabit sa balikat niya.

"Bong, sino kausap mo?" Hindi ko pinansin ang tanong ni Leni sa likuran ko. "Oh, Sara. What are you doing here?"

"I-I'm-"

"Sara! Seriously, don't wander off on your own-" Mas lalong nagsalubong ang kilay ko nang dumating si Win, what did he just call my wife? Sara? Huh, seriously? I wanted to punch this delinquent but can't do it. Not that have the right to do that. It's my fault that this is happening anyway.

"I told you to stay-" Hindi ko na siya pinakinggan at tuluyan nang lumabas ng kwarto niya, nagmadali akong umuwi sa pag-aakalang nakauwi na si Sara pero hindi ko nadatnan doon. Ilang beses ko siyang tinawagan ngunt hind sinasagot, paulit-ulit akong naglakad nang pagbalik-balik, hindi alam ang gagawin kapag may nangyari sa kanyang masama. Damn it!

FakedWhere stories live. Discover now