Chapter 9

1.8K 103 128
                                    

"Manang, papasok na po ako!" paalam ko nang magmadali akong bumaba ng hagdan at pumasok sa kusina kung saan siya naroon. Kumuha ako ng tinapay na nasa pinggan at sinubo iyon sa bibig ko. As usual, wala ang parents ko sa bahay. They rarely come home, minsan nga ay iniisip ko na hindi na sila rito nakatira kaya si manang na ang nagsisilbing guardian ko.

"Ayan lang ba ang aalmusalin mo?"

"Opo." tipid kong sabi habang nilalagyan ng tubig ang tumbler ko. Nang malagyan iyon ng laman ay hinawakan ko na ang tinapay at inalis iyon sa bibig ko para makabeso ako kay manang na abalang nagluluto. "Una na po ako."

"Oh sige, mag-ingat ka. Good luck sa exams mo, hija."

"Thank you po." Ngumiti ako nang tipid at mabilis na lumabas ng bahay. I didn't expect na aabutin ako ng madaling araw kaka-review, kung kailan finals ay saka pa ako kinapos ng oras. It's been a week already since I turned 18. My debut was successful, but I wasn't that happy.

Naghintay ako ng video call o message man lang galing kay Kuya Bong pero wala akong natanggap at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpaparamdam sa akin. I'm starting to worry, what if something happened to him? Did he overworked himself? Is he sick? Umiling-iling na lamang ako at pilit inalis ang negative thoughts na gumugulo sa isip ko.

Tiningnan ko na lamang ang phone ko at nakitang may message sa akin si Jinggoy. We exchanged contact number that night on my debut and somehow became friends, also... Naging interesado siya kay Jill noong ipakilala ko sila sa isa't isa and now-he's still pestering me to give him Jill's number. Hindi ko na lang muna iyon pinansin at nag-review ulit habang nasa byahe.

"Ma'am Sara, nandito na po tayo." Tumingin: ako sa labas ng bintana at nakitang nasa tapat na kami ng school kaya naman inayos ko na ang mga gamit ko at isinabit ang bag ko sa balikat.

"Thank you, Manong. You don't need to pick me up later." nakangiti kong sabi bago mabilis na bumaba ng kotse.

Pagdating na pagdating ko sa classroom ay naroon na si Jill at abalang nagre-review, imbes na batiin siya agad ay naupo na lang muna ako dahil ayoko siyang maistorbo pero nang makaupo ako at lingunin ko siya ay halos masamid ako nang makitang nakatago sa reviewer niya ang cellphone niya at nagbabasa siya ng boy's love na comic.

"Oh, nandyan ka na pala." puna niya nang mapansin niya ako. Ang tingin ko naman ay nasa screen ng phone niya dahil nagse-sex ang dalawang bidang lalaki na naka-drawing doon. Pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko kaya iniwas ko na ang tingin doon at inayos ang buhok ko.

"I-I thought nagre-review ka." utal kong sambit.

"Oh girl, don't get me started. Alam mo bang-" Hindi na niya naituloy ang balak na pagkukwento nang pumasok ang teacher namin. Simula noon ay hindi na kami nakapag-usap pa dahil nag-focus kami sa final exam namin. Ilang linggo na lang kasi ay ga-graduate na kami and since pareho kami ng course na kukunin ni Jill at same college rin kami ng papasukan sigurado akong magiging magkaklase pa rin kami. That's one the reasons kung bakit naka-focus kami, we need to study hard in order to pass the entrance exam once we take them.

"Ah, grabe! Gamit na gamit ang utak ko ngayon." ani Jill habang nag-uunat ito at magkasabay kaming naglalakad sa hallway. Tiningnan ko ang cellphone ko at chineck kung nag-message na ba sa akin si Kuya Bong ngunit na-disappoint lang ako nang makitang wala pa rin.

"shit! I forgot, may lakad nga pala kami ni kuya." Nilingon ko si Jill at nakitang nakatingin ito sa cellphone niya habang mabilis na nagt-type. "Sorry, Sara. I need to go."

FakedWhere stories live. Discover now