Chapter 5

1.9K 94 68
                                    

"Class dismissed." 

Mabilis akong tumayo at excited na lumabas dahil alam kong naghihintay sa akin si Kuya Bong sa labas ng building. Dalawang linggo na ang nakalipas noong magkakilala kami at simula noon ay lagi na niya akong hinihintay para makasiguradong wala nang mangbu-bully sa akin. And surprisingly, tinigilan na ako nila Mans.

Although may times pa rin na hina-harass ako ng iba, at least nabawasan na sila.

"Kuya Bong!" sigaw ko nang makita siyang nakaupo sa bench at nagbabasa ng libro. Tumakbo ako at nag-angat naman siya ng tingin sa akin, medyo napahinto pa ako nang makitang may suot siyang salamin. I know he's already handsome but he's more attractive when he's wearing glasses. I don't know how to put it but he's giving me a sexy nerd vibe.



"Why are you running? Be careful, baka madapa ka." aniya nang isara niya ang librong binabasa niya at itago iyon sa bag niya. Ngumiti ako nang malawak at saka naupo sa tabi niya.



"You look happy, did something happen?" Umiling ako dahil wala naman talagang nangyari. Masaya lang talaga ako na makita siya siya dahil siya lang ang tangi kong kaibigan, siya lang din ang nakakakwentuhan ko maliban kay manang. Gano'n pa rin naman kasi ang sitwasyon ko sa bahay, halos araw-araw nagtatalo si mom and dad-they're arguing about how my dad's cheating and mom wanting a divorce whenever we eat dinner together. Wala silang pakialam kahit naroon ako o wala. My presence and mental health didn't matter to them. Kaya kahit hindi dapat pag-usapan sa harap ko ay pinag-uusapan nila na tila ba hindi ako nag-e-exist.

"Oh, now you look sad." Ipinatong ni kuya Bong ang kamay niya sa tuktok ng ulo ko kaya naman napangiti ako nang bahagya. Besides manang, he's the only person who looked after me. Hindi ko pa siya ganoon katagal kakilala but I'm really happy that I met him. He's my savior, and I will cherish what we have now because if it wasn't for him-baka hanggang ngayon, mag-isa pa rin ako.

"Are you sure nothing happened?" paninigurado niya.

"Yeah, nothing." Malawak akong ngumiti, but I regretted my actions when I noticed how careless I was. Mabilis akong napayuko nang makitang pinagtitinginan kami ng mga kapwa ko grade 6 na kalalabas lang din ng building, ang iba pa roon ay kaklase ko.

"Flirting with adult so openly? You sure are shameless." komento ni Kris nang dumaan sila ng mga kaibigan niya sa bench kung saan kami nakaupo. Kinuyom ko ang mga kamao ko at madiing kinagat ang pang-ibabang labi ko habang nakayuko.

"What the he—"

"No, i-it's okay. Don't mind them, Kuya Bong." Pinigilan ko ang braso niya nang makitang patayo na siya, nag-angat ako ng tingin at nakitang sinusundan niya ng tingin sila Kris bago ibalik sa akin ang tingin. Tinanggal niya ang suot na salamin at isinabit iyon sa uniform niya.

"How is that okay?" Malalim siyang bumuntong hininga bago sinuklay ang buhok niya gamit ang kanang kamay niya. "Kids these days sure act like bullying and gossiping are cool."

"C-Can we just go somewhere else?" nahihiyang tanong ko. Ayoko kasi na pati ang una kong kaibigan ay madamay sa mga rumors. Kung ako lang, wala akong pakialam dahil sanay na ako pero kung pati siya ay madadamay, baka mawalan ako ng kaibigan. Alam ko hindi ito ang unang beses na pumunta rito nang ganito si Kuya Bong because apparently, dito siya nag-aral noon at isa pa, dito rin nag-aaral ang pamangkin niyang nasa grade 1.

Kung lagi kaming makikita ng mga ka-batch ko na magkasama, baka iba ang isipin nila. Lalo na't nasa senior high na si Kuya Bong. He's already 18, and I'm just eleven years old. Hindi ganoon kalaki ang age gap namin but since I'm still underage, people might think he's a weirdo or worse, a pedophile even though he's not.

FakedWhere stories live. Discover now