Chapter 19

1.6K 104 122
                                    

Tiningnan kong maigi ang sarili ko sa vanity mirror para makasiguradong maayos ang pagkakalagay ko ng make up ko sa mukha ko. Sa ilang taon kong panunuod ng mga make up vlogs ni Jill ay natuto na rin ako kung paano ayusan ang sarili ko, iyon nga lang ay hindi pa rin ako ganoon kagaling pagdating sa fashion sense. lyon nga siguro ang dahilan kung bakit laging damit ang inireregalo. sa akin ni Jill, sabi niya kasi ay outdated ang mga damit ko. They're out of style.

At totoo naman iyon dahil karamihan ng mga nakita niyang damit ko ay mga napaglumaan ko na. Kapag nag-aaya kasi siyang magpunta sa bahay ay roon ko siya dinadala sa dati naming bahay.

Doon pa rin kasi umuuwi ang parents ko at nagsasama pa rin sila sa iisang bubong kahit na ang toxic na ng relasyon nila. In the end, hindi natuloy ang kagustuhang makipag-divorce ni mom. Si dad naman ay nakipaghiwalay na sa sekretarya niya ngunit nagkaroon siya ng bago, kung hindi ako nagkakamali ay isa sa mga producer ng television network ang bago niyang karelasyon.

Napabuntong hininga na lamang ako tuwing naiisip ko ang current state ng pamilya ko. We're really messed up, and now after ng ilang months ay makikita ko na naman kung paano silang um-acting na affectionate sa isa't isa.

Tumingin na lamang ako sa digital clock na nakapatong sa side table at nang makitang 6:15 na ay naisip ko nang magbihis since sabi ni Bongbong ay 6:30 kami aalis. Nakaayos naman na ako, okay na ang make up ko at gano'n din ang buhok ko na itinali ko into high ponytail. Lagi na lang kasing naka-side ponytail ang style ng buhok ko kaya this time ay iniba ko.

Paglapit ko sa cabinet ko ay kinuha ko agad ang iniregalo sa akin ni Jill na Black Choker V Neck Bodycon Dress. Medyo revealing lang iyon nang kaunti pero fit naman sa occasion kaya iyon na lang ang naisip kong suotin dahil never ko pa siyang nasusuot. Hinubad ko na ang bathrobe ko at sinimulang magbihis ngunit hindi pa man ako natatapos ay napalingon na ako sa likod nang marinig kong bumukas ang pinto.

"Are you ready-" Hindi naituloy ni Bongbong ang sasabihin nang makita niyang nagbibihis pa lang ako. Naisuot ko naman na ang dress pero hindi ko maisara ang zipper sa likuran dahil hindi ko iyon abot.

"I'm sorry, I'm not done getting dressed yet." nahihiya kong sabi, "Uhm, c-can you help me zip this up?"

Tinitigan niya ako nang ilang segundo kaya pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko. I can't believe I ask him that! Balak ko na sanang bawiin ang sinabi ko ngunit lumapit na siya sa akin. Wala akong ibang naririnig kung hindi ang bilis at lakas ng tibok ng puso ko.

Kinuha ko na lamang ang buhok ko at tinanggal iyon sa pagkakaharang sa likuran ko. Napapikit pa ako nang mariin matapos maramdaman ang marahang pag-angat ni Bongbong sa zipper ng likuran ng dress ko. Tila nakuryente pa ako nang dumaplis ang kamay niya sa balat ko.

"Thank you. S-Shall we go?" tanong ko bago kuhain ang small flap bag ko at isabit iyon sa kanang balikat ko. Aalis na sana ako dahil nag-iinit ang pisngi ko kapag nakikita ko kung gaano kagwapo si Bongbong pero napahinto ako nang mapansing nakatayo pa rin siya kung nasaan siya kanina. "What's wrong?"

"Nothing, let's go." aya niya bago tuloy-tuloy na maglakad palabas nang hindi man lang ako hinihintay. Pagsakay namin ng sasakyan niya ay para akong masu-suffocate sa sobrang tahimik. Sinubukan kong buksan ang radyo pero pinagalitan ako ni Bongbong dahil ayaw raw niya ng maingay kapag nagmamaneho dahil hindi siya makakapag-focus.

Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana dahil hindi ko alam ang gagawin ko, ngayon na lang kami nagkasama ulit sa loob ng iisang kotse. Natatakot ako na baka marinig ang pagtibok ng puso dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin iyon kumakalma.

FakedWhere stories live. Discover now