Chapter 73

1.7K 120 569
                                    

My head hurts, ayoko pang idilat ang mga mata ko ngunit nakakarinig ako nang nag-uusap kaya naman marahan numulat at kahit malabo ay unti-unting nag-adjust ang paningin ko hanggang sa makita ko si Jill at Win.

Tiningnan ko ang kamay ko at nakita ang nakakabit na swero. Now, I'm having a sense of deja vu.

"W-What happened?" tanong ko, dahilan para makuha ko ang atensyon ng dalawang kaibigan. Agad silang tumayo at lumapit sa akin na tila nag-aalala.

"You passed out because of stress, how are you feeling? Are you hurt anywhere?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Win at dahil doon ay naalala ko iyong nangyari at awtomatikong napahawak sa tiyan ko.

"Don't worry. The baby's fine, Sara." ani Win dahilan para magpakawala ako nang malalim na buntong hininga.

"Sabi ng doctor kailangan mo raw ng bed rest for at least one week." sabi ni Jill nang maupo siya sa kama at hawakan ang kamay ko. Nagulat pa ako nang bigla siyang umiyak kaya naman napabangon ako at inalalayan ni Win nang sa gano'n ay mayakap ko si Jill.

"W-What's wrong?"

"Sorry, didn't mean to cry." aniya, "Nag-alala lang ako."

Sabay kaming kumalas sa yakap at saka ngumiti. Pinunasan ko ang luha sa mata ni Jill bago mapatingin kay Win.

"Are you okay?" tanong ko.

"No, Sara. I am far from okay. Muntik na kayong mapahamak ng baby mo dahil sa asawa mo." Ramdam na ramdam ko ang galit sa boses ni Win dahil bawat salita ay mayroong diin. Naitago ko na lamang ang labi ko at naalala ang kissmark sa leeg ni Bongbong at Ms. Leni sa leeg.

"Sorry" paghingi ko ng tawad.

"Why are you apologizing?" sabay na tanong nila ni Jill. Ngumiti ako at umiling, nakasanayan ko na talaga ang mag-sorry kahit wala naman talaga akong kasalanan.

"Ano nang plano mo?" tanong ni Win. Humawak ako sa tiyan ko at tipid na ngumiti. "I'll still go home."

"Girl, come on." ani Jill, halatang hindi siya sangayon sa sinabi ko and I can't blame her. Alam ko na nag-aalala sila sa akin, pagtapos ng nangyari ay natural lang na umiwas na ako kay Bongbong pero pinili kong umuwi pa rin sa bahay once na ma-discharge ako.

I wanted a clean break up, I wanted to have a closure with Bongbong, para na rin sa peace of mind ko.

"Paano kung awayin ka ni Sir Bongbong?" tanong ni Jill at umiling naman ako.

"Don't worry. He's not going to do that, not after what happened." nakangiti kong sabi bago tingnan si Win para makita ang reaksyon niya. And as expected, hindi rin siya sangayon sa desisyon ko but still-nirespeto niya kung ano man ang gusto ko kaya naman nang makalabas din ako ng hospital kinubukasan ay hinatid niya ako ng bahay gamit ang kotse ko.

"Call me if something happens." aniya nang huminto kami sa mismong gate namin. Tipid akong tumango at tiningnan siya, halatang wala pa siyang tulog. Hindi ko tuloy maiwasan ang makonsenya, I literally dragged him into my problems.

"Sorry for drag-"

"Don't apologize, Sara. You didn't drag me into your problems. I meddled." aniya bago hawakan ang tuktok ng ulo ko. "Uuwi na ako, sabi ng guard nakatago raw 'yong motor ko. Kukunin ko na lang,"

"Okay, ingat ka." Ngumiti ako nang tipid at nang hawakan na niya ang pinto sa driver's seat ay hinawakan ko ang damit niya, dahilan para mapalingon siya sa akin at magtaas ng dalawang kilay.

FakedWhere stories live. Discover now