Chapter 43

1.4K 102 101
                                    

"Sara Duterte!" Awtomatiko akong napatakip sa mukha ko nang isigaw iyon ni Jill sa hallway. Sinubukan kong bilisan ang paglakad ngunit naabutan niya ako at niyakap ang braso ko. "Why are you ignoring me?"

"Who wouldn't?" tanong ko, dahilan para ngumuso siya at magtampo na parang bata. Minsan talaga ay iniisip ko kung gaano katagal siyang nakapayong noong sumabog ang salitang kahihiyan. Ni wala man lang siyang pakialam kahit na pagtinginan siya ng tao.

"Rude." aniya, "By the way, 'wag mo kalimutan mamaya ha? Tutulong tayo sa booth ng group nila Jinggoy. Last day na nila ngayon."

Paalala niya sa akin at tumango naman ako dahil noong isang araw pa niya iyon sinabi sa akin. May project kasi sila Jinggoy kung saan kailangan nilang ibenta 'yong product na napili nilang ibenta. Imbes na mag-alok kada tao, napili ng group nila ang magtayo ng booth. Ayon kay Jill, successful naman daw ang naisip nila na 'yon pero dahil last day na ngayon-gusto nila na mas marami ang mabenta kaya tutulong kami sa pagbenta habang sila Jinggoy ay nag-a-advertise.

"What... Are they doing?" tanong ko habang pinapanuod kung paanong sumayaw si Jinggoy at ang dalawa niyang kaibigan na kasama namin sa nightclub noon. If my memory serves me right, Migz at Harry ang pangalan nila.

"Ganyan sila humatak ng customer." natatawang sambit ni Jill at talagang effective yon dahil talagang may lumalapit sa booth para bumili ng leche flan.

"Bibili lang ako ng tubig." paalam ko nang halos maubos na ang tinda, nag-overtake na rin sila Jinggoy sa booth dahil pagod na silang sumayaw.

"Samahan na kita." ani Jill ngunit tinanggihan ko siya dahil malapit lang naman ang tindahan pero hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ay napaatras na ako nang may humarang sa daraanan ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ang dalawang lalaki na nakaaway ni Win noon, what are they doing here?

"Sara!" sigaw ni Jill nang saktong hawakan ako ng lalake pero sa isng iglap lang ay mabilis silang nakatakbo, kasabay noon ay ang pagdaan sa gilid ko nila Jinggoy at ng dalawa niyang kaibigan.

"Sara, are you okay? Did they hurt you?" nag-aalalang tanong ni Jill at sunod-sunod naman akong umiling. "Are you sure?"

"Y-Yeah."

"Okay, hold this. Kapag may lumapit sa 'yo, i-spray mo sa mata nila. Susundan ko lang sila Jinggoy." aniya bago magpatong pepper spray sa palad ko.

"Wait, don't go. Baka mapano ka pa." Pigil ko sa kanya.

"I need to go, Sara. Iba makipag-away si Jinggoy, mahirap na baka kung saan pa mauwi kapag nahuli niya 'yong dalawang kumag na 'yon. Mas matindi pa makipagsuntuka kay Win 'yon. And oh, speaking of Win, wait for him-he's on the way na." sabi ni Jill at sinubukan ko pa siyang kumbinsihin na manatili na lang but in the end, umalis pa rin siya.

Napakagat na lamang ako sa labi ko at bumalik sa booth.

Magsasampong minuto na ang lumipas ng umalis sila ngunit ni isa sa kanila ay wala pa ring bumabalik. Nag-uumpisa na akong mag-alala, sana naman ay okay lang sila ni Jill. Halos hindi na ako mapakali kahihintay sa kanila. Lakad dito lakad doon, mabuti at wala ng customer na bumibili dahil sold out na rin naman na ang mga paninda.

Mukhang hindi ako patutulugin ng konsensya ko kapag may nangyaring masama sa mga kila Jinggoy at kay Jill. If I had just been more attentive, sana ay napansin ko na ia-approach ako noong dalawang lalaking nakaaway ni Win noon.

Ano ba kasing problema nila? Akala ko naka-move on na sila? Why are they attacking me all of a sudden? Ayoko ng ganito, ayokong tumunganga lang kahit alam kong may dapat akong gawin. I mean, ako ang pakay nila pero dinamay ko pa pati sila Jinggoy at ang dalawa niyang kaklase.

"Saan mo balak pumunta?" tanong ng pamilyar na boses. Mabilis akong lumingon at nakitang papalapit sa akin ang lalaking bumugbog kay Win noon. Why is he here? Wait, pinlano ba nila 'yon? Sinadya ba ng dalawa na i-approach ako kanina para mahabol sila nila Jinggoy? At ngayong mag-isa na lang ako, ay lumabas na ang isa pa nilang kaibigan?

Tinignan ng masama ang lalake at kinapa ang pepper spray na binigay iniwan sa akin ni Jill.

"W-What do you want?"

"I want—!" Napasigaw at napahawak siya sa mata niya nang spray-an ko siya roon. Tumakbo ako at naghanap ng pwedeng ipamalo sa kanya pero nahatak niya ang buhok ko at marahas akong hinawakan sa leeg. At that exact moment, bumilis ang tibok ng puso ko at pinagpawisan ako.

"You're better off dead!" sigaw niya, dahilan para kilabutan ako at mas lalong pagpawisan. Naramdaman kong nanginginig ang katawan ko at tila nawalan nang lakas para magpumiglas sa pagkakahawak niya sa leeg ko. For a second, nakita ko ang image ni mommy na nagmamakaawang mamatay ako.

"N-No." I cried. "M-Mom, ple-"

"Are you insane?" tanong ng lalake, dahilan para bumalik ako sa reyalidad. What did just happen? I'm scared, someone please... Save me.

"Let go of her, Kiko." sabi ng pamilyar na boses. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at tiningnan kung saan nakatingin ang lalaking nag ngangalang Kiko.

"Why would I listen to you? You ruined my life!" sigaw ng lalaking hanggang ngayon ay nakahawak pa rin sa leeg.

"Let go of her while I'm still saying it nicely." ani Win ngunit hindi nakinig ang lalake. Napapikit na lamang ako nang mariin dahil humigpit ang paghawak niya sa leeg ko na tila pino-provoke si Rige, pero agad ko ring hinabol ang paghinga ko nang sa wakas ay bumitaw sa akin ang lalake. Minulat ko ang mata ko at nakitamg nakalayo na ito sa akin.

"You fucker!" sigaw ng lalake pero hindi ko na siya nakita dahil biglang humarang si Win.

"Step aside, Sara." mahinang niyang sabi at kahit gusto kong sundin ang inutos niya ay hindi ko magawa. I'm petrified, I'm having a panic attack. It's been a while, I thought okay na ako dahil pinutol ko na ang ugnayan ko kay mom pero hindi hindi pa rin ako okay. The past is still haunting me.

"Hey, narinig mo ba ko?" tanong ulit ni Win ngunit nanginginig ko lang na hinawakan ang damit niya sa likuran. I can't move.

"Sara! Pull yourself together." sabi pa niya at nabigla na lang ako nang buhatin niya ako at ilagay sa isang sulok. Tiningnan niya muna ako sa mata bago hawakan ang magkabilang balikat ko. "Hey, breathe. Sara, it's okay! I'm here."

Sinunod ko ang sinabi niya at kahit paano ay unti-unti akong nakapag-relax ngunit nanlaki ang mata ko nang makitang susugod na sa likod ni Win ang baliw na lalaking 'yon. Halatang under influence siya ng drugs.

"Yuko!" sigaw ko at pagyuko ni Win ay ini-spray ko sa mata ni Kiko ang pepper spray. Pagtapos noon ay isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Win na naging dahilan para mag-pass out si Kiko.

FakedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon