Chapter 83 | R18+

2.5K 105 247
                                    

"Mr. Marcos." Tawag sa akin ng isa sa mga professor na kasama ko rito sa faculty.

"Yes, Mr. Ejercito?"

"Balita ko babalik na si Mr. Bautista," aniya, dahilan para saglit akong makaramdam ng disappointment. Sa loob nang maigsing panahon ay napamahal na ako sa klase nila Sara. Iyon na lang ang dahilan kung bakit ginaganahan akong magturo. Alam ko kasi na kapag papasok ako sa klaseng 'yon ay makikita ko ang asawa ko. Gabi-gabi kaming magkasama sa bahay, sabay na kumakain ng dinner at magkatabing natutulog pero parang hindi pa rin iyon sapat para sa akin.

I want to see and be with her 24/7.

"Really? Hindi niya yata ako nabigyan ng head's up?" sabi ko, pilit tinatago ang pagkadismaya.

"Baka nakalimutan lang niya, oo nga pala. Ang daming nakakapansin na parang hindi na kayo nagpapansinan masyado ni Ms. Gerona. Nag-away ba kayo?" Bahagya akong tumawa at umiling, kahit lalake ay nakiki-tsismis na rin. Mabuti na lang at sa ilang buwan na nakalipas ay walang nakahalata sa relasyon namin ni Sara lalo na't napadalas ang pagbisita niya sa office ko tuwing tugma ang breaktime namin.

Minsan, hindi ko maiwasan ang mag-isip dahil parang panaginip lang ang lahat. It's too god to be true, parang ano mang oras ay may magiging kapalit ang lahat ng iyon and it scares me.

"No, we're just really busy."

"Is that so?" Tumango na lamang ako at binalik ang tingin sa mga papel na nasa harapan ko. Malapit nang mag-finals, two months na lang ay gagraduate na si Sara. Kailangan ko nang makaalis sa pangba-blackmail sa akin ni Leni. Kayang-kaya kong kunin sa kanya ang flash drive na naglalaman ng s*x tape kung gugustuhin ko pero alam kong may iba pang kopya si Leni so, that would be out of the option.

Ang tanging paraan na lang na nakikita ko ay makahanap ng bagay na maipangba-blackmail ko sa kanya. That's the only solution I could think of.

"Bakit kanina ka pa tahimik, Sara?" tanong ko nang mapansing wala na sa pinapanuod niyang documentary ang isip niya. "Should we go to sleep?"

"Uh no, may iniisip lang ako."

"What is it? Tell me." sabi ko bago isara ang librong binabasa ko at ilagay iyon sa side table. Matapos noon ay hinawakan ko ang baba niya nang sa gano'n ay mapa-angat ang tingin niya sa akin.

"I heard, babalik na si Mr. Bautista. Does that mean hindi ka na magtuturo sa section namin?" tanong niya nang hawakan ang kamay ko. Bakas na bakas sa boses niya ang lungkot, narinig na rin pala niya ang tungkol doon. No wonder kung bakit parang ang tahimik niya simula noong umuwi ako.

"Most likely. I'm just his substitute after all, why? Do you want me to keep teaching your class?"

"Yeah. To be honest, mas madaling maintindihan ang lessons mo compared kay Mr. Bautista." seryoso niyang sagot at medyo tumaas ang isa kong kilay.

"That's your reason?" tanong ko at natawa naman si Sara. I can't believe she's teasing me.

"Of course not. Gusto kita makitang magturo, mas ginaganahan akong mag-aral." aniya. "Pero totoo rin ang rason ko kanina. Mas madali talagang maintindihan ang way mo ng pagtuturo. Bukod sa malinaw ay detalyado, lalo na kapag nagbibigay ka ng examples."

"Gwapo pa ang nagtuturo—" Hindi ko hinayaang ituloy ni Sara ang sasabihin at mabilis siyang hinalikan sa labi. Pakiramdam ko ay uminit ang pisngi ko sa mga compliments niya, hindi ko maiwasan ang ngumiti.

FakedUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum