Chapter 87

1.3K 105 257
                                    

"Where have you been?" tanong ko pagkauwing-pagkauwi ni Sara, nauna pa akong makarating ng bahay gayong mas maaga siyang umuuwi sa akin.

"I took a breather, kasama ko si Jill and—"

"Win, right?" Putol ko sa sasabihin niya.

"Y-Yeah." nauutal niyang sagot, "They just tried to cheer me up because looked down."

"Really?" Ngumisi ako bago hubarin ang suot kong salamin at ilapag iyon sa center table. Matapos noon ay lumingon ako sa kanya, halatang kinakabahan siya and felt bad that I'm the reason why she's like this again. "Was it my fault that you looked down?"

"D-Dahil sa divorce. I mean, can we fix—"

"You can't fix what's already broken, Sara." matabang kong sabi.

"They said it's not broken until you can't fix it again, Bong. We can still fix our relationship, just give me a chance to do it." Desperada niyang sabi bago maupo sa couch at tabihan ako. Gusto kong maluha pero kusang ngumisi ang mga labi ko para maiwasan ang kahit anong bagay na magpapa-confuse sa kanya. I need to shut down my emotion to save her.

"Let me tell you a fact, Sara. would rather replace than work on fixing things."

Since that day, puro away na ang nangyari sa amin ni Sara, kept getting angry and jealous kahit ako naman ang may kasalanan. Hinanda ko na ang sarili ko sa mga pwedeng mangyari pero naninibago pa rin ako tuwing nag-a-argue kami. Dati ay laging one-sided lang kapag nagtatalo kami pero ngayon marunong nang lumaban si Sara.

I knew sooner or later ay magbabago ang pakikitungo niya sa akin, alam kong darating araw na hindi na niya ako iintindihin at hahabulin. Eventually ay mapapagod din siya, prinepare ko na ang sarili ko para roon pero hindi ko pa rin maiwasan ang masaktan na makita siyang unti-unting lumalayo sa akin at sumasaya kahit na hindi maayos ang relasyon namin.

"You look happy." puna ko nang maabutan si Sara sa kusina, sumandal ako sa ref at inangat niya ang tingin sa akin.

"Do I really look happy to you?" tanong niya bago mapangiti nang mapait, "You don't even know what feel inside, Bong."

"Do you even love me?" tanong niya, for a moment I waver. Muntik ko nang sabihin ang totoo pero mabuti na lang ay napigilan ko ang sarili.

"Makikipag-divorce ba ako kung oo?"

"I see. So, everything's a lie, huh?" Iniwas ko ang tingin nang makita kong tumulo ang luha niya.

"You can live without me now, right? Hindi ko na kailangan magtiis sa kadramahan mo sa buhay." sabi ko bago tuluyang lumabas ng kusina at pagkarating ko sa kotse ko at tinawag ko si Ana na nagdidilig ng halaman.

"Yes po sir?"

"Mag-stay in muna kayo habang wala ako, two days ako sa seminar kaya walang kasama si Sara. Make sure na naka-lock lagi ang pinto at gate." Bilin ko at sunod-sunod naman siyang tumango kaya naman sumakay na rin ako sa kotse at tuluyang umalis.

***

"Mr. Marcos, Are you still with us?" tanong sa akin ng isa sa mga kasama ko sa mesa, lumilipad na naman ang isip ko. Mula nang makarating ako sa hotel ay hindi ko na magawag mag-focus, ni isang word ay wala akong maintindihan sa seminar.

"Ah yes, sorry. May iniisip lang." sabi ko dahil hindi ko maiwasang mag-alala. Paano kung may gawin na naman si Leni kay Sara habang wala ako? Kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko pero isang video ang nagpa-trigger sa akin para umuwi.

Leni send a video of Sara and Win, kung ibang tao ako ay aakalain kong mag-boyfriend girlfriend sila na naglalandian sa parking lot. Napahigpit na lamang ako ng hawak sa cellphone ko at agad na nag-ayos ng gamit, bukas pa ang uwi ko pero pinili ko nang umalis ng mas maaga.

Inaasahan ko nang sa pag-uwi ko ay magtatalo lang kami ni Sara. Siya lang ang nasa isip ko habang magkahiwalay kami, halos hindi ako makatulog sa pag-aalala sa kanya. Alam ko wala na ako sa posisyon para magalit pero hindi ko pa rin maiwasan knowing na kasama niya si Win habang wala ako.

"We didn't do anything wrong."

"Really?" nakangisi kong tanong bago ipakita sa kanya ang cellphone ko at ipanuod sa kanya ang video.

"You look like a teenager flirting with her boyfriend, and you're tell me you didn't do anything wrong?" nakangising sabi ko, hindi maiwasang ipakita sa kanya na galit ako. I know I'm scaring her but I can't control my emotion, para akong sasabog. Naiinis ako sa sarili ko, ako ang may kasalanan ng lahat. Karma ko 'to.

"So? Where did you go? Nag-hotel kayo?" tanong ko kahit alam ko naman sa sarili ko na hindi ganoong klase ng babae si Sara, but at this point -sarado na ang utak ko, kinain na ako ng galit.

"We're not, kumain lang kami." sagot niya nang mag-iwas siya ng tingin, ayoko sa lahat ay hindi ako tinitingnan sa mata kapag nakikipag-usap kaya without realizing it ay hawak ko na pala ang pisngi ni Sara gamit lang ang isa kong kamay. Para akong demonyong sinapian.

"I'm telling the truth, kumain lang kami after naming maglaro sa arcade." She pursed her lips, trying to stop herself from sobbing. "Please, believe me."

"Why would I believe you? You obviously like him. Hindi na ko magugulat kung isang araw, malaman ko na nakikipag-sex-" Inalis ko ang kamay ko sa pisngi ni Sara at humawak sa panga ko matapos niya akong sampalin.

"I-I'm sorry, I didn't mean-" Sinubukan akong hawakan ni Sara ngunit tinabig ko ang kamay niya, maging ang sariling lakas ay hindi ko na makontrol kaya napaupo siya sa sahig. Imbes na tumayo ay lumuhod pa siya sa harapan ko at hinawakan ang suot kong sweatpants. "Bong, forgive me please... Nabigla lang ako. Hindi ko sinasadya."

"I'm done with you, Sara. I'm tired of all this bullshit!" Kinuha ko ang dalawang kamay niya at marahas iyong inalis sa pagkakakapit niya sa akin.

"Bong" malalim akong napabuntong hininga at humawak sa sintido bago mapahilamos sa mukha. Tiningnan ko si Sara ng walang ka-emo-emosyon at saka umiling, ayoko nang magpatuloy ng ganito. I'm exhausted.

"If I only knew this would happen, I wouldn't have married you."

Since then, mas pinili kong mag-stay sa hotel. Sara and I need space, patuloy lang namin masasaktan ang isa't isa kapag nagsama pa kami sa iisang bubong.

Umuuwi lang ako sa bahay kapag may kukuning paperworks at tuwing umuuwi ako ay sinusubukan akong kumbinsihin ni Sara na bumalik ngunit hindi ko siya pinapansin, I won't even look her way. Natatakot ako na baka kapag nagtama ang paningin namin ay mag-waver ako. Gustong-gusto ko iparinig sa kanya ang voice record at i-explain na hindi ko gustong gawin ang lahat ng ito but I feel like it's already late to do that. Hindi na ako pwedeng umatras pa, I already decided to end things with Sara.

FakedDär berättelser lever. Upptäck nu