Chapter 14

1.7K 111 222
                                    

"Hey! Sara to earth!" Sunod-sunod akong kumurap nang pumalakpak sa sa mismong mukha ko si Jill.

"Are you sure you don't want to go home? You're spacing out." tanong niya bago balatan ang saging na kinuha niya sa pinggan ko. Masyadong naging okupado ang isip ko dahil sa pag-iisip ko sa mga nangyari sa nakaraan. I don't even know why I'm having those flashbacks. And now that I think about it, ang laki na nang ipinagbago ko.

"Okay na ako, nakainom naman na ako ng gamot. Sapat na rin 'yong pagpapahinga ko sa infirmary." sagot ko bago kuhain ang saging na inabot niya sa akin. "Thank you."

Napasandal ako sa inuupuan at hindi maiwasang isipin pa rin ang nangyari kanina sa infirmary. Hanggang ngayon, wala pa rin akong ideya kung bakit ganoon ang naging kilos ni Bongbong. Ayaw nga niyang hinahalikan ko siya sa pisngi tapos siya pa itong nag-initiate kanina, and the fact na nasa school kami? There's really something wrong with him or maybe he's just being territorial.

Isa sa mga ugali ni Bongbong na natuklasan ko noong ikasal kami ay ang pagiging ma-pride niyang lalaki. Ayaw na ayaw niyang natatapakan ang pagka lalaki niya, kaya nga noong sinuggest ko sa kanya na kung hindi ko mapakiusapan ang parents ko ay ang mga magulang na lang niya ang kukumbinsihin ko na wag kaming pilitin magpakasal ay nagalit siya sa akin.

Magmumukha raw na ni-reject ko siya at siya ang magmumukhang kawawa kapag ginawa ko iyon, in the end-itinuloy pa rin namin ang kasal kahit alam ko naman na ayaw niya sa akin.

Sa tuwing matutulog kami ay para siyang may katabing pulubi, malayo at laging nakatalikod sa akin. Kung minsan pa nga ay hinaharangan niya ng unan ang gitna para lang makasiguradong hindi magdidikit ang kahit anong parte ng katawan namin.

Minsan naman ay uuwi siya ng late at lasing, pagtapos noon ay may mangyayari sa amin pero kinabukasan balik kami sa dati. Naging okay ako sa ganoong set-up naming mag-asawa dahil kahit paano ay naibibigay ko ang pangangailangan niya bilang lalaki.

Pero minsan, iniisip ko na baka iyon lang talaga ang turing niya sa akin. Mahirap man tanggapin pero baka parausan niya lang ako. Napapikit ako sa naisip kong iyon but I lost all my train of thought when I heard Jill, calling Win's name.

"Come and join us."

Awtomatiko akong napalingon sa tabi ko nang maupo roon si Win, dahilan para panlakihan ko ng mata ang kaibigan. She's really pushing me to get a boyfriend, palibhasa kasi'y going strong sila ni Jinggoy. Dalawang taon na rin ang lumipas noong maging sila.

"Hey." awkward kong bati kay Win at tipid naman itong tumango bago ibaling ang tingin sa pagkaing nasa tray niya. Dahil doon ay napansin ko ang maliit niyang tattoo sa may bandang likuran ng kanyang tainga. STG, What does that mean? S stands for Sherwin and G stands for Gatchalian? Then what do T stands for?

"Have we met before?" tanong ko dahil pamilyar sa akin ang pangalan niya pero hindi ko matukoy kung saan ko iyon narinig.

"Yeah, guess you really don't recognize me." Naningkit ang mata ko sa sinabi niyang iyon at pilit inalala kung saan ko nga ba siya nakita.

"Sorry, what's your full name?" tanong ko ulit.

"Sherwin Ting Gatchalian. Does that ring a bell?"

Mabilis pa sa kidlat nang lingunin ko si Win matapos niya iyong sabihin at ituro siya. "You... Ikaw 'yong isa sa mga bully no'ng elementary!"

Tumango-tango siya na tila ba proud siya roon, balak ko pa sana siyang awayin ngunit nagsalita si Jill. "Aw, you're destined to be together!"

FakedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon