Chapter 34

1.6K 115 180
                                    

"Sara, why do you look happy these days? Did something good happen again?" tanong ni Jill habang sabay kaming naglalakad sa hallway papunta sa susunod naming subject.

It's been five days already since Bongbong and decided to start over again. He's been treating me the way he used to treat me before we knew we were getting married. Sweet and caring na siya makitungo sa akin, sabay na rin kaming kumain ng dinner at paminsan-minsan ay gumagawa siya ng paraan para magkita kami rito sa campus.

"Yeah, naalala mo 'yong kaibigan ko sa America na hindi ko naipakilala sa 'yo kasi nagkaroon kami ng problema?" tanong ko dahil ang dinahilan ko sa kanya noon ay nawalan kami ng contact ng kaibigan ko kaya hindi ko siya maipapakilala.

"Yeah, what about him?"

"We're talking and seeing each other again, but he said that we should keep it low-key." nakangiti kong sabi kahit na sa totoo lang ay kinakain na ako ng guilt. Alam kong okay na ang relasyon namin ni Bongbong pero hindi ko pa rin ma-bring up ang topic regarding sa kagustuhan kong sabihin kay Jill ang tungkol sa relasyon namin. I don't know why but I'm afraid that if I made a single mistake, it would ruin our relationship again.

"Really?! But why keep it low-key?" nagtataka niyang tanong, dahilan para marahas akong mapalunok at bahagyang pagpawisan.

"Oh well, that's because he's already married. Ayaw niyang magkaroon ng misunderstandings."

"That must be the reason why he stopped contacting you. What about his picture? At least show me a picture of him. I'm really dying to meet that friend of yours. Junior high pa lang tayo ay na-i-intrigue na ako sa kanya dahil madalas mo siyang ikwento." ani Jill nang yakapin niya ang braso ko. Pilit akong napangiti kasabay nang pagsandal niya ng ulo niya sa balikat ko.

"Sorry, he's a very private person. Promise, I'll tell you everything about him-by the way, I saw your story on Instagram yesterday. Nag-away na naman ba kayo ni Jinggoy?" tanong ko dahil hindi ko siya nagawang i-message kahapon.

"Yeah, wala namang bago ro'n. I've already lost count of how many times we've fought." Malalim siyang bumuntong hininga kaya naman tiningnan ko siya at hinawakan ang tuktok ng ulo niya bago iyon marahang tapikin.

"Hi, Sir Bongbong." biglang bati ni Jill nang dumiretso siya ng paglakad, ang braso niya ay nakayakap pa rin sa akin. Marahas pa akong napalunok nang magtama ang paningin namin ni Bongbong na makakasalubong namin sa hallway.

"Hi, sir." nahihiya kong bati kasabay nang pagngiti niya sa akin.

"Hello." bati niya pabalik at nang lumagpas na siya ay napalingon ako at nakitang nakalingon din siya sa akin as he mouthed the word 'office. That means he wanted me to meet him in his office later. Ngumiti ako at ibinalik din ang tingin sa harapan, medyo nagulat pa ako dahil hindi ko namalayang nasa tapat na kami ng classroom at nandoon si Win na abalang nagtitipa sa phone niya.

I don't know why but he's distancing himself from us. Noong una, akala ko ay dahil sa akin dahil sinabi ko sa kanya kung ano ang nangyari sa amin ni Bongbong noong araw na umuwi ako galing sa apartment niya but then, napansin ko na dinidistansya rin niya ang sarili niya kay Jill. Pakiramdam ko tuloy ay may problema siya at ang dahilan ng paglayo niya sa amin ay may kinalaman sa mga nakaaway niya sa parking lot noon.

"Win," tawag ni Jill nang tapikin niya ang balikat nito.

"What's wrong?" kaswal na tanong ni Win nang itago niya ang phone sa bulsa niya at harapin kaming dalawa ni Jill. Nagtama pa ang paningin namin ngunit mabilis din siyang umiwas.

FakedWhere stories live. Discover now